CHAPTER ONE

18 4 2
                                    

"Hey, Brother! What are you doing here? Akala koba matagal kanang umiwas sa alak."Biglang sambit ng isang pamilyar na boses ng isang lalaki kay Jake ng madatnan siya nitong nakaupo sa isang bakanting upuan sa isang malaking bar na palagi niya noong tinatambayan kasama ang kaniyang mga kabarkada at si Justin ang matalik niyang kaibigan. Na higit tatlong taon na niyang hindi nakikita simula ng magkasama silang dalawa ng isang gabing, na parehong silang dalawa na wala sa sariling ulira't dahil sa kalasingan na dala ng epekto ng alak. Tatlong taon narin  ang nakakaraan.

"Palagi karin pala tumatambay sa lugar na ito. Kahit kailan talaga! hindi ka parin nagbabago."Nakangiting tugon niya sa lalaki sabay tapik niya sa balikat nito ng makaupo ito sa kaniyang tabi na nakangiti sa naman  na parang baliw.

"Alam mo naman, Brother! Tayong mga guwapo hindi nakukuntento sa mararaming bagay. Gusto kopa ng maraming babae at mga binabae na matikman ang pagkalalaki ko."Pagmamayabang nito kay Jake. Sabay kindat at kuha nito sa natitirang alak na hawak -hawak niya at sabay lagok.

"Ikaw talaga, Jeffrey. Gago ka talaga!"natatawang turan ni Jake sabay napakamot ng ulo dahil sa mga itinuran ng kaniyang baliw na kaibigan. Sinong taong matino ba naman ang magsasabing gusto pa niyang matikman ng lahat ng babae at binabae ang kaniyang pagkalalaki. At isang baliw lang ang magsasabi iyon kagaya ng kaniyang kaibigan na si Jeffrey.

"Teka nga pala, brother! Si Justin,nasan naba siya ngayon? Hindi ba ng huli natin siyang nakasama ng minsang magkakasama tayong magbabarkada dito mismo sa bar na ito."Biglang baling ni Jeffrey sa kanilang usapan na biglang ikinatahimik at ikinalungkot ng maamong mukha ni Jake ng mabaling sa kaibigang si justin ang kanilang usapan. Maraming taon narin ang nakakalipas ng hindi nila ito nakikita at walang balita kung buhay paba ito o patay na. Nawala na lamang ito na parang bula pagkatapos ng gabing iyon na hindi nila alam ang dahilan ng biglang pagkawala nito.

"Tatlong taon na nga pala ang dumaan. Halos hindi kona namalayan na matagal kona pala syang hindi nakikita."Mahinang sambit ni Jake. Nababakas sa kaniyang mga mapupungay na mga mata ang pagkaguhit ng lungkot na kaniyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Si Justin lamang ang nag iisa niyang kaibigan na higit na nagmalasakit sa kaniya at naging gabay ng minsang muntik na siyang maligaw ng maling landas. Isa itong tapat na kaibigan at tunay na maaasahan kaya masakit para sa kaniya ang mawalan ng isang tunay na kaibigan na handang isakripisyo ang buhay nito alaalang sa kaniyang kaligtasan.

"Hindi ko maintindahan,simula ng nawala si Justin sa buhay mo. Tumino ka naman sa lahat ng pinaggagawa mo noon. Tingnan mo ngayon. Nabalitaan ko na isa kana pala sa mga boss ng company ng daddy mo."naka ngiting saad ni Jeffrey,proud ito sa kaibigan dahil malayo na ang narating nito tulad ng kaniyang inaasahan sa simula palang. Na natanggapin na nito ang maging bahagi ng kompanya ng kaniyang mga magulang na sa simulat una palang ay gusto na niyang talikuran ang maging tagapagmana nito.

"Tama nga si mama sa mga sinabi niya noon. Saka muna lang marerealize ang tunay na halaga ng isang tao. Kapag nawala na ito sa iyo."Mahinang tugon ni Jake. Nababakas sa mga bawat salitang binibitawan niya ang lungkot na dala nito. Ang labis niyang pagsisisi na hindi man lang siyang nagkaroon ng pagkakataon na makabawi kay Justin sa lahat ng kabutihan nito para sa kaniya. Ang labis niyang pinagsisihan ay hindi niya nasabi ang tunay niyang nararamdaman sa kaniya na kahit mali at  possible na magtugma sila ng damdamin sa isa't isa.

"Jake,alam moba na matagal konang alam na may nararamdaman ka para kay Justin noon. Naiintindihan ko, Kahit mali ito sa mga mata ng nakakarami at sabihin nila na isang malaking kasalanan sa mata ng diyos ang magkagusto sa kapwa lalaki. Palagi mo itong tandaan,ang diyos ang lumikha sa lahat ng nilalang sa mundong ito. Siya rin ang lumikha sa kapalaran ng bawat isa sa atin. Nilikha niya tayong lahat ng ayon sa kaniyang kagustohan at binigyan ng malayang pag iisip ang bawat isa sa atin na malayang magmahal at pumili sa kung ano ang tinitibok ng pusong ipinagkaloob niya sa kaniyang mga nilikha."Seroysong wika ni Jeffrey habang pinapangaralan nito si jake na ayos lang para sa kaniya na magka gusto ito sa lalaki at hindi-hindi magbabago ang kanilang pagkakaibigan kahit anong mangyari. Dahil sa una palang ay pansin na niyang may nararamdaman na si Jake kay Justin noon pa man.

"Salamat,bro! Kahit papaano pala. Matino karin kausap. Akala ko,kamanyakan lang ang nalalaman mo? May mabuti karin pala na idudulot sa mundong ito."pabirong tugon ni Jake na ikinatawa niya ng malakas. Dahil nagawa pa siya nitong biruin sa lahat ng kaniyang mga sinabi. Ngayon nga lang siyang naging matinong kausap ay binasag pa ng pagbibiro nito sa kaniya.

"Ikaw talaga! Minsan nga lang ako nag seseryoso binali mo pa."Sabay batok ng malakas sa ulo ni Jake ang binibitawan ni Jeffrey bago niya ito iniwan. Natawa na lamang si Jake sa inasal ni Jeffrey na parang maliit na bata na inagawan ng kendy na biglang nag walk out para magsumbong sa mga magulang.

"Isang malaking Good luck nalang sayo! Sana magkita uli kayong dalawa ng Mahal mo!."Pahabol na sigaw ni Jeffrey sa kaniya na agaw attention ng lahat ng taong nasa loob ng bar. Ang lahat ng taong naroon ay nakatingin lang kay Jake nang misteryoso na walang nakakaalam kung ano ang mga iniisip ng mga ito.

"Hi,Love! May dala akong mainit-init na sinigang na sinampalokang manok para sayo. Para lang sayo ito."masayang wika ng isang babae sa lalaking kapitbahay nila. Dinadalhan niya ito ng ulam araw-araw ng walang palya para magpapansin dahil matagal niyang crush ito ng simula ng lumipat mga ito sa kanilang lugar kasama ang kaniyang lola.

"Vanessa,hindi ba't sinabi kona sayo. Wag mona akong tawaging Love? Nakakahiya sa mga kapitbahay natin. Baka isipin nilang lahat na may tayo."Nahihiyang aniya ng lalaki sa babae. Simulat ng lumipat sila ng lola niya sa skwater na tinitirhan nila ngayon ng kaniyang lola ay hindi na ito tinantanan ng babae sa pangungulit nito sa kaniya. Walang araw na hindi lumilipas ng Hindi siya nito kinukulit at pinipilit ang sarili nito sa kaniya.

"BABY!BABY!BABY! JUSTIN NAMAN! BAKIT HINDI MONA KASI AKO SAGUTIN. PAG NAGING TAYO,I PROMISE NA IKAW LANG BABY KO HABANG BUHAY."pagpupulit ng babae sa kaniya at nagawa pa nitong mag spetc sa kaniyang harapan.

"Vanessa,Alam  kona man na totoo ang nararamdaman mo sa akin. Maganda Kang babae at mabait. Sobrang laki ng pasasalamat ko sayo sa lahat ng mga naitulong mo sa amin ng lola ko simula ng dumating kami rito sa lugar niyo. Ayokong paasahin ka sa isang bagay na kailanman ay hindi magkakatotoo. Patawarin mo ako,hindi ko kayang ibigay at suklian ang nararamdaman mo para sa akin."Nalulungkot na saad ni Justin kay Vanessa. Hindi niya gustong deretsahan itong ipapahiya sa kaniyang sarili ngunit iyon lamang ang tanging paraan para tigilan na siya nito at hindi lang para sa kaniya kundi para din sa babae na labis na ibinababa ang sarili nito para sa kaniya.

"Ano ba ang dahilan kung bakit ayaw mo sa akin? Dahil ba ito sa first love mo na sinasabi mo na hindi mo nakakalimutan."Malungkot na tanong ni Vanessa kay Justin habang nakayuko ang ulo. Hindi niya kayang tumingin sa mga mata ng lalaking Mahal na Mahal niya na kailanman ay hindi kayang suklian ang kaniyang pagmamahal.

"Oo, dahil sa first love ko na hindi ko malimutan kaya hindi kita kayang mahalin. Pinangako ko sa sarili ko na kailanman ay hindi na ako maduduwag para layuan siya. Lumayo ako noon sa kaniya dahil hindi ko kayang harapin at ipagtapat sa kaniya ang malaking pagkakamali ko noon sa kaniya. Ngayon,may lakas loob na akong sabihin ito sa kanya at ipagtapat ang nararamdaman ko para sa kaniya kahit hindi magkapareho ang aming nararamdaman."Seroysong tugon ni Justin kay Vanessa. Minabuti niyang deretsahin na nitong sinabi  ang totoo kahit alam niya ay parang nagmumukha na siyang masama at maka sarili sa lahat ng kaniyang mga itinuran.

"Ngayon nauunaawan kona ng mabuti. Mahirap talagang Palitan at tapatan ang first love. Naiintindihan kona kung bakit ayaw mo talaga sa akin. Magiging Magkaibigan naman tayo dalawa,diba? Pagkatapos ng lahat nito."Muling sambit ni Vanessa at ngumiti ito kay Justin na parang ipinapahiwatig na masaya na siya para sa kaniya at sa wakas ay naging panatag narin siya dahil nakuha na niya ang sagot na matagal na niyang hinintay na sabihin sa kaniya ni Justin kung bakit hindi siya kayang mahalin nito.

"Oo Naman, Vanessa. Magkaibigan parin tayo. Paki bantayan narin si lola para sa akin. Gusto ko sana puntahan ang first love ko. Magbakasakaling naroon sila nakatira sa dating bahay na tinitirhan nila."Nakangiting Saad ni Justin. Kahit nakakahiya ay nagawa pa nyang humingi ng pabor kay Vanessa kahit kababasted lang niya rito.

"Wag kang mag alala dahil ako nalang ang bahala sa Lola mo pagkaalis mo. Hiling kona sana maging maganda ang muling niyong pagkikita ng taong mahal mo."Nakangiting wika ni Vanessa na tila ba walang nangyari habang nakatingin naman sa kaniya si Justin na tila abot langit ang saya nito. Dahil sa wakas ay muling na silang magkikita ng lalaking mahal niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love in your imperfectionWhere stories live. Discover now