Sto Niño Cebu. Gaya nang ina asahan ay maraming tao, punuan ang loob nang simbahan kaya sa labas nalang kami ni Tres at nakatayo kami ngayon, ang init pa.
''Wait, I'm going to barrow an umbrella.'' Bulong niya sakin, tumango naman ako at sinundan siya nang tingin.
''Boyfriend mo po?.'' Napatingin ako sa katabi kung babae. Kung maka 'po' parang kasing edad ko lang naman ito. Iling lang ang sagot ko sa babae, dahil wala naman kami sa isang coffee shop para mag chismisan. At hindi kami friends para sagutin ko siya.
Maya maya pa ay tumabi ulit si Tres sakin na may hawak nang payong. Pagka tapos nang misa ay nagsindi muna kami nang kandila.
''Naks, ang ganda!.'' Inikot ko ang paningin sa loob nang Fort San Pedro. Lakas maka balik sa nakaraan ah.
''Dun ka, picturan kita.'' Ani Tres.
Nanakbo naman ako palapit sa isang cannon, at nag pose doon. ''Doon din, Tres!'' Sabay turo ko sa isang statwa na nakatayo sa gilid.
''Tama na, wag diyan doon nalang.'' Sabay turo niya sa gitna nang open space na may mga tanim.
Nag pose naman ako sa gitna, Flexing my outfit. Sunod naming pinuntahan ay ang wishing weel. ''Penge five peso.'' Sabay lahad ko nang palad sa kanya, agad naman niya akong binigyan.
Hinulog ko yun sa balon saka ko pinikit ang mga mata ko. I wish for my family's health, at sa lahat nang mga tao. I also wish for a happy life, and of course. Binuksan ko ang mga mata ko at tiningnan si Tres. I wish for his happiness.
Nagtama ang mga mata namin nang magmulat rin siya nang mga mata.
''Tara na?'' Nakangiti kong anyaya.
''Let's go.'' Nilahad niya ang kamay sakin na agad ko namang tinanggap.
....
Second Grading! Palala nang palala ang math subject, kaya palala rin nang palala ang kabobohan ko. Sa ibang subject naman ay okay lang, dahil magaling naman ako sa mga subject na yun. Sa Science ay kere ko rin naman kung bibigyan lang ako nang maraming oras para maka intindi.
Apaka ko talaga diba?, Teacher yung Mama ko pero ako na anak niya ay bobo.
''Sinong nagbabantay ngayon kay Lolo?'' Tanong ko.
Palagi ko itong tinatanong dahil nag- aalala ako sa Lolo ko. Meron kasi itong sakit na diabetes, na hindi na maagapan. Hindi narin ito makalakad at makakita, siya pa naman ang tumayong papa ko nang iwan kami nang totoo kung tatay.
''Si Uway Teresita ang nagbabantay.'' Sagot ni Mama na kaharap ang lesson plan niya.
''Nasaan ba si Tito Unen?. Makakaya ba ni Tita Teresita si Lolo?.''
''Katulong nga ni uway si tite.''
Tumango ako. Anyway, 'Uway means Tita in dalaguete, Tite naman means, tiyo or tito in dalaguete. Weird diba?, yung tawagan nila, minsan nga nawi-wierdohan rin ako pero minsan ay napapangiti nalang ako, ang cute e.
''Kumusta ang grades mo?.'' Tanong ni Mama.
''Wala pa kaya.'' Sagot ko.
YOU ARE READING
Souvenirs For Tomorrow
RomanceThey started out as friends, the kind that nothing could separate them because even if there are days when they are angry with each other, it still ends in forgiveness. But are they really just friends? Tres likes to take pictures and so does Fame s...