Chapter 35

2 1 0
                                    


Nasasaktan ako kapag tinitingnan ang mga anak ko, ni salubongin sila nang tingin ay hindi ko magawa dahil makikita sa malamlam nilang mga mata ang lungkot. Palagi kong tinatanong sa sarili ko kung tama ba itong ginagawa ko, ang ilayo sila sa papa nila. At si Syve, galit siya ngayon sa papa niya dahil sa ginawa nito, alam kong bata pa siya pero matalino siyang bata, mabilis maka intindi.





Hindi ko alam ang gagawin ko, gabi gabi akong umiiyak habang natutulog ang mga anak ko, para lang wag nila akong makita na nahihirapan.






''Kain na, baby, sige na.'' Saad ko habang tinatapat sa bibig ni guareth ang kutsara.





''Yaw ko po.'' Umiling siya habang nakahalukipkip ang maliliit niyang braso. Guareth is now 2 years old at magaling na siyang magsalita, kaka birthday lang niya noong isang buwan, at wala ang papa niya kaya siguro siya ganito.




''Please, baby.'' Pakiusap ko.





''Reth, eat na.'' Pangungumbinsi naman ni Syve.




''Papa ko.'' Humikbi ang mapupula niyang labi.





Mariin akong napapikit, dalawang buwan na ang nakalipas na wala si tres pero hindi parin siya nasasanay.





''Fame, ako na ang mag papakain.'' Sulpot ni mama, retiro na siya sa pagiging teacher dahil naging high blood siya. Hinayaan ko nalang na siya ang mag pakain kay Guareth, tumayo ako at nag lakad palabas nang bahay.




''Damn it!'' Mariin kong bigkas at napa upo sa upoan na nasa labas. ''Bakit mo ba ako pinapahirapan nang ganito?'' Tanong ko at pinagsalikop ang kamay ko, doon ako umiyak.





''Mama.'' Agad kong pinunasan ang luha ko at nilingon si Syve na sumunod pala sakin. ''Are we going to stay here in cebu?'' He asked. Natutuwa ako dahil ang bilis nilang nakakapag salita nang tuwid sa murang edad nila.




"Yes, son. We will going to stay here.'' I said.




''Miss mo po ba si papa?''





Mapait akong napa ngiti. ''Hindi.'' Pagsisinungaling ko. Gaya nang sinabi ko kay Cassandra noon, ang hirap kalimutan nang mga alaala naming dalawa ni Tres. Kaya nahihirapan ako ngayon, dahil palagi akong ginugulo nang mga alaalang yun.






''Fame.'' Napa angat ang tingin ko, napatayo ako nang makita si tres sa labas nang gate namin.





''Anong ginagawa mo dito?'' Tanong ko.




Tumingin siya kay Syve na naglakad naman papasok sa bahay, meron pang pag dadabog ang bawat hakbang nang anak ko. ''So, galit parin kayo sakin'' Napayuko siya, nanatili lang siya sa labas nang gate.





''Ano ba kasing gi-




''Papa?!'' Nagulat ako nang manakbo si Guareth palapit sa gate. ''Papa, buhat po.'' Inangat pa nang anak ko ang mga braso niya. I saw hesitation on his eyes, napatingin pa sakin si tres, nanghihingi nang permiso. ''Papa?''




Wala akong nagawa nang buhatin na niya ang bata.





''Baby.'' Nag iwas ako nang tingin sa nakitang pangungulila nila sa isa't isa. ''How are you sweetheart?, sorry hindi ako nakadalo sa birthday mo.''




''Miss po kita, papa.'' Malambing na ani Guareth at yumakap sa leeg nang ama.




''P-Pumasok ka muna, hijo.'' Pa anyaya ni mama.





Souvenirs For TomorrowWhere stories live. Discover now