Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Tres, pareho kaming naka upo ngayon sa baitang nang skywalk habang kumakain nang hot cake na binili pa namin sa tapat nang school, sa kaliwang kamay ko naman ay orange juice.
Pareho kaming dalawa na wala pang balak na umuwi ngayon, naka sout pa nga kami nang uniform.
''Here.'' Napatingin ako sa inabot niya sakin, isang box na pahaba, kulay black yun na may ribbon na gold. Kinuha ko naman yun kahit na nagtataka. ''Ako na munang hahawak nang pagkain mo, buksan muna yan ngayon.'' Utos niya.
Inabot ko sa kanya ang juice at hotcake ko, saka ko binuksan ang box. Napangiti ako nang makita ang isang gold necklace na may pendant na compass.
''Lah, ang ganda.'' Nilabas ko yun sa box at inangat. ''Apaka ganda, Tres.''
''Ibibigay ko sana sayo yan nung birthday mo, pero hindi ko natuloy.'' Ani Tres. Di niya kasi ako sinipot. Pero habang nakatingin sa kwentas na hawak ko ngayon ay bigla kong nakalimutan ang kasalanan niya, nawala lahat nang tampo ko.
''Thank you.'' Niyakap ko siya.
''Isosout ko sayo. Wag mo itong iwawala.'' Tumango naman ako at hinayaan siyang isout sakin ang kwentas, hinawakan ko ang pendant no'n. ''This compass will lead you the way.'' He said.
''Hindi naman ako naliligaw.'' Sagot ko habang nakangiti.
''Malay mo, sa future maligaw ka nang landas, baka mabalitaan ko nalang na ang long time friend ko isang boang na pala.'' Ani Tres.
''Gago ka ah!'' Pinaghahampas ko siya sa braso. ''Ang sama mo.'' Sabi ko. Ang sama mo dahil kaybigan lang ang tingin mo sa'kin. Tumayo ako at tiningnan ang bawat patak nang ulan, ni hindi namin namalayan na umu ulan na pala.
''Ligo tayo?'' Nakangiti kung saad.
''Sure.'' Hinila niya ako habang ang mga bag namin ay nasa magkabila niyang balikat. Napatili ako nang maramdaman ang patak nang ulan sa katawan ko.
''Aray, ang tinis nang tili mo!'' Asik niya.
''Sorry po.'' Nanakbo na ako. ''Ang lamig!'' Saad ko pa. Magkahawak kamay kaming naglakad, habang dinadama ang ulan na bumubuhos sa katawan namin.
''August 7, na ang birthday mo. Saan mo gustong pumunta?'' Tanong ko.
''Ikaw pa talaga nag tanong niyan ah.'' Nakangising aniya at iginilid ako, nasa gilid kasi ako nang kalsada kanina kaya pinag palit niya ang pwesto namin. ''Wala akong balak puntahan, magsisimba lang tayo, tapos kain sa labas.''
Hinawi ko ang buhok na tumakip sa pisngi ko gamit ang kamay ko na hawak niya. ''Mang Inasal, yeah?'' Nakangiti kong sabi.
''Kung yan ang gusto mo.''
Napatalon ako sa saya, wala paman ang birthday niya pero excited na excited na ako. Try ko ring mag ipon para makabili ako nang gift para sa kanya. Hindi naman pwedeng meron siyang gift sakin, pero ako wala, ang unfair ko naman pag nagkataon.
Pagka uwi ko sa bahay ay natigilan ako nang madatnan si Mama na umiiyak habang naka upo sa sofa. Napatingin ako sa cellphone na hawak niya.
YOU ARE READING
Souvenirs For Tomorrow
RomanceThey started out as friends, the kind that nothing could separate them because even if there are days when they are angry with each other, it still ends in forgiveness. But are they really just friends? Tres likes to take pictures and so does Fame s...