Pagkagaling namin sa clinic ni angelique ay nagpunta na kami sa park, masaya kami dahil nalaman namin na tatlong linggo na akong buntis, naiyak pa ang pinsan ko at magpapa buntis narin daw siya para sabay kaming magka baby, hayaan ko nalang ang babaeng yun, malaki na siya kaya na niyang bumuhay nang ilang anak.
''Dahan dahan lang, syve.'' Usal ko nang manakbo agad ang anak ko para makipag laro sa ibang bata.
''Opo!'' Sagot niya.
''Wag kang umapak dyan, fame, basa dyan baka madulas ka pa.'' Saad ni tres at hinawakan ako sa bewang.
''Hindi ako tanga, Mister.'' Sabi ko.
Ini snob lang niya ako at saka nilaro laro si guareth. Saglit lang naman kami sa park dahil nagyaya na si syve na umalis dahil tinarayan siya nung isang batang babae na kalaro niya. Sa bahay nalang kami nag patuloy sa paglalaro.
''Merong anim na biik na nakatira sa gitna nang gubat, at isang lobo na gustong gusto silang kainin.'' Pagku kuwento ni tres na with action, katabi ko ngayon sa kama ang mga anak namin. ''Isang araw, umalis ang mama nila.''
''Saan po, papa?'' Tanong ni syve.
''Aba'y malay ko hindi sakin nagpa alam e.'' Sagot ni tres.
''Gago.'' Mahina kong usal.
''Biro lang anak, nagpunta ang mama nila sa palengke at nagbilin ito na wag na wag bubuksan ang pinto kapag merong kakatok maliban nalang kong ang mama nila ito. So umalis na ang mama nila nang biglang...'' Kumatok pa siya sa pinto. ''Sino yan?! tanong nang biik number 1, tapos sumagot ang lobo na siyang kumatok nang 'mga anak, ako ito buksan niyo ang pinto.''
''Binuksan nila papa?'' Nakangisi kong tanong.
''Tanongin mo sila, baby.'' Barumbado niyang sagot kaya binato ko siya nang unan.
''Hindi binuksan nang mga biik ang pinto dahil hindi ito ka boses nang mama nila, isang araw ulit, nag pa balik balik ang lobo sa tahanan nang mga biik at panay ang pagkukunwari nito na siya ang nanay nang mga biik pero hindi parin siya binubuksan. Kaya na galit siya!'' Umakto si tres na galit.
''At humugot siya nang humugot nang hangin at hinipan ang bahay nang mga biik! Nag si pagtago ang mga ito pero hinanap sila nang lobo, unang nakita si biik number 3, hanggang sa sunod sunod niya na itong nakita at kinain. Nang malaman ito ni nanay biik ay nagalit siya, hinanap ang lobo at natagpuan sa ilalim nang malaking puno, lumaki rin ang tyan nito, doon nalaman ni inang biik na buhay pa sa loob nang tyan ang mga anak niya
Natawa kami nang maglagay si tres nang unan sa tyan niya para lumaki yun.
''Ang ginawa ni nanay biik sa natutulog na lobo ay inoperahan niya ito, binuksan ang tyan at pinalabas isa isa ang kanyang mga anak at nilagyan nang mga bato ang tyan nag lobo, pagka gising nito ay mabigat na ang pakiramdam niya''
Lumapit sa amin si tres. ''Lumapit siya sa ilog para maka inom nang tubig pero nang yumuko siya ay nahulog siya dahil sa kabigatan, at doon siya namatay.'' Nahiga si tres sa kama at nag kunwaring namatay.
''Tapos na, ang galing mo papa.'' Nakangiting ani syve.
''Daganan natin si papa!'' Sigaw ko na agad namang sinunod ni syve, nilagay ko sa dibdib niya si guareth na panay ang hagikhik saka ako nakidagan. ''Go, sapakin mo si papa.'' Utos ko kay guareth.
YOU ARE READING
Souvenirs For Tomorrow
RomanceThey started out as friends, the kind that nothing could separate them because even if there are days when they are angry with each other, it still ends in forgiveness. But are they really just friends? Tres likes to take pictures and so does Fame s...