4 months Later ....
I am with my Co-mongoloid, nasa third floor kami nang Metro Mall at kumakain nang Hotdog. Kakatapos lang nang christmas party namin, wala namang masyadong nangyari, talagang wala dahil hindi naman kami pumasok sa classroom. Nakipag away pa kami doon sa isang grupo na feeling rich kids, ayun nagka gulo sa likuran nang building, buti nalang at walang nakakita sa aming mga prof at ibang estudyante.
Pumasok lang kami nung exchange gift na. Puta, nakuha kong regalo ay tasa na may design na mukha ni ng Mayor dito sa Cebu muntik ko pa ngang maibato kay Paul ang tasa dahil sa kanya yun galing. Ang ayos ayos nang regalo ko sa kanya e, isang pack nang brief yun na binili ko pa sa H&M tapos yung regalo niya sakin, deputa siya. Bigay ata yun nang Baranggay nila e.
''Pinagpilahan ko pa yan, FR, kaya i appriciate mo nalang.'' Ani Paul.
''Gago, e kung sungalngalin kita nang stick?'' Singhal ko.
Tumawa sila, kanina pa nila ako pinagtatawanan dahil sa pagiging bad trip ko.
''Ikaw naman kasi, P. Wala ka bang pambili, yaman mo pa naman.'' Natatawang ani Mark.
''Meron naman akong pera, pero bigay yun ng parents ko' gusto ko kasi na ang regalo ko ay yung mismong pinaghirapan ko.'' Pagpapaintindi ni Paul na sa akin nakatingin.
''Pinaghirapan mo bayan pre?" Tanong ni Jareth. Siya namang pagdating ni Crisa, Anna at Nita na may dalang Ice tea.
''Oo, pinaghirapan kong pilahan.'' Sagot ni Paul at muling natawa, ang liga ligaya nila pero ito ako at biyernes santo ang mukha.
Bukod kasi sa natanggap kong regalo ay badtrip rin ako sa ibang dahilan. Hindi kasi kami nakapag celebrate nang fourth monthsary ni tres kahapon dahil biglang tumawag sa kanya ang mga kaybigan niya, nagkukulong raw si Olga sa bahay nito.
''Tangina, uuwi na ako.'' Paalam ko.
''Agad agad?'' Tanong ni Crisa.
''Kaylangan ko na talagang umuwi.'' Naiwan ko kasi yung gamot ko sa bahay at dapat akong uminom nang nasa oras.
''Sige, hatid kana namin?'' Si Jareth.
''Wag na. Alis na ako.'' Sabi ko sabay kuha sa bag ko at naglakad na palayo.
Naglalakad na ako ngayon sa street namin, malayo palang ako ay napansin kuna ang isang kulay itim na Range Rover sa tapat ng gate namin. Mas binilisan ko pa ang paglalakad at nilapitan ang sasakyan, sinilip ko kung meron bang tao, pero wala naman.
''Kanino kaya to?''
''Fame!" Napatingin ako sa kung sino mang tumawag sakin. Si Angelique na pinsan ko na ngayon ay naglalakad na palapit sakin. ''Oy, taray, kanino ito?'' Tanong niya nang malapitan ako.
''Diko alam, nyeta naki park pa oh.'' Tinampal ko ang pinto nang sasakyan.
''Hoy, gaga, pag ang alarm niyan tumunog, yari ka.'' Pagpigil sakin nang pinsan ko.
''E, bakit ka ba kasi nandito?'' Tanong ko.
''Hindi puwedeng bumisita, te?, meron kasi akong ichi-chicka sayo.''
YOU ARE READING
Souvenirs For Tomorrow
RomanceThey started out as friends, the kind that nothing could separate them because even if there are days when they are angry with each other, it still ends in forgiveness. But are they really just friends? Tres likes to take pictures and so does Fame s...