Chapter 17

3 2 0
                                    






Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang pinapakinggan ang iyak nang mga ka mongoloid ko. Sinabi ko sa kanila ang sakit ko at ito nga, nag sipag iyakan sila ngayon sa harapan ko.





''Kung alam ko lang na makakasama pala sa pakiramdam mo ang basong galing kay Mayor, s-sana hindi nalang yun ang binigay ko.'' Sumisinghot na ani Paul. ''Hindi sana sumama ang loob mo.'' Dagdag pa niya.






''Hindi naman yon ang dahilan.'' Sagot ko.




''K-Kaylangan mo ba nang tulong?, meron kana bang nahanap na heart donor?'' Tanong naman ni Nita.






''Hindi ko alam, si Mama ang naga-asikaso e.'' Sabi ko, magkatulong raw sila ngayon ni papa na naghahanap nang heart donor para sakin. Kung noon pa sana namin nalaman, hindi ko sana kakaylanganin nang heart transplant, kaso, malala e.





''Hindi ka pa naman mamatay diba?'' Umiiyak na ani Crisa. ''Lumaban ka, beh, marami pa kasi akong iku-kwento sayo tungkol sa hot kung step bro.'' Aniya, natawa ako, tuluyan na nga siyang naging malantod.





''Hindi pa noh, magiging stewardess pa ako in the pyutsor.'' Sabi ko at nilingon si Jareth, nakayuko siya at nasa rubics cube lang na hawak siya nakatingin pero rinig ko naman ang pag singhot niya.





''Wag ka nang magaslaw para hindi ka mapagod agad.'' Mahinang ani Jareth.





''Kung kaylangan mo nang tulong, tawagan mo mama mo.'' Ani Mark. Natawa ako at sinabunotan siya, hindi talaga magawa nang lalaking ito ang hindi mag seryoso kahit sa isang araw lang.  ''Aray.'' Hinampas niya ang kamay ko.





''Gago.'' Singhal ko.





''Biro lang naman, kung kaylangan mo nang tulong sabihan mo lang kami.'' Ani Mark sa seryosong boses.






''Girl, basta laban lang. Magiging okay ka.'' Anna said.






''I know. Salamat sa inyo.'' Sabi ko.





''Group Hug!'' Tumayo si Crisa at nag group hug kami.





Hindi pa sila titigil sa page-emote kung hindi lang nag ring ang cellphone ko. Kinuha ko yun at agad na sinagot. ''Babe.'' Tumayo ako at naglakad palayo sa maiingay kung kaybigan.





Kumusta?





Ayan na naman siya.





''Okay lang ako tres.''





May chicka na naman ako, fame





Natatawa akong sumandal sa pader na nasa malapit. ''Ano yun?''





I already met Tito Lorenzo, pinagbantaan ako nang papa mo, pag sinaktan raw kita mananagot raw ako. At oo nga pala, you have a sister, she's nice, nag kasalubong rin pala kami ni Angelique kanina sa E-mall, binili ko favorite mong cake doon. 





Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.





''Pupunta ako sa inyo m-mamaya, pagkatapos ko rito kina Anna.'' sabi ko.





Okay, hihintayin kita.







"Alam niya?'' Napatingin ako sa nagsalita, si Jareth.






Souvenirs For TomorrowWhere stories live. Discover now