Chapter 14

3 2 0
                                    



''Tingnan mo, ang cute nung bata oh.'' Sabay turo ko sa isang bata na nasa three years old ata na tumatakbo. Nandito kami ngayon sa Park, nasa likuran namin ang Fort San Pedro.





''Mas cute pa diyan ang magiging baby natin.'' Sagot niya, natawa ako at siya naman ngayong ang tiningnan. 





''Gago, bata ka pa.'' Sabi ko sabay duro sa mukha niya, hinuli niya ang hintuturo ko at kinagat yun. ''Aray!, loko ka ah!'' Nasampal ko siya dahil masyadong madiin yung pag kagat niya. Tumatawa namang umosad palayo si tres habang sapo ang pisngi niya.





''Anong bata pa ako?, kung hindi ko lang iniisip ang pag-aaral natin at hindi ako gentleman baka nabuntis na kita agad.'' Nakangising aniya.





''Mao ka.'' Inirapan ko ang gago.






''Fame...'' Tawag niya sakin sa mahinang boses. Pinag taasan ko naman siya ng kilay. ''Punta tayo sa bahay.''





Kumunot ang noo ko. ''Ano naman ang gagawin natin doon?''




''Let's watch movies. At ipagba-bake kita nang gusto mong cookies'' Sabi niya.




''Okay, tara.'' Tumayo na ako mula sa pagkaka upo sa grass. Ganun din ang ginawa niya, meron pang iilang dahon na dumikit sa likuran niya at sa braso kaya pinagpag ko yun.  Ganun din ang ginawa niya sa likuran ko.





''Mendes!'' Sabay kaming napalingon sa kung sino mang tumawag sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang ginang na pamilyar sakin. ''Ikaw nga, ang laki muna.'' Tuluyan nang nakalapit sa amin ang ginang.





''Mrs. Cruz, kumusta na po kayo?'' Magalang na tanong niya at nag mano pa sa ginang.



''Nako, maayos lang nagtuturo parin ako. Uh, sino itong babaeng kasama mo, kay ganda ah.'' Baling sakin nang ginang.






''Si Fame po, girlfriend ko.''




''Good afternoon po.'' Ngumiti ako sa ginang na teacher pala ni Tres nung grade 4. Ang talas nang memorya nito at na alala pa talaga si tres.





''Good afternoon, Hija, ang swerte mo 'mabait itong si tres.'' Sabi nung ginang.




Ngumiti lang ako, mabait naman talaga si tres. ''Mas swerte ako sa kanya, Ma'am.'' Sagot ni tres at inakbayan ako. ''Masama ugali nito, Ma'am, palagi akong ina away.'' Nanlaki ang mga mata ko at hinampas siya.





''Sinisiraan mo lang ako.'' Sabi ko.






''Joke lang.''





''Ang sweet niyong dalawa, sana kayo na talaga noh, kung nagkataon 'imbitahan niyo ako sa kasal niyo.'' Ani Ma'am Cruz.





''Ikalawa ka sa listahan Ma'am.'' Ani tres.





Natatawang nagpa alam sa amin ang ginang. Kami naman ay naglakad na palabas nang park. Sa byahe ay panay ang asaran namin sa loob nang taxi, sinasali rin namin ang driver.





''May anak kayo manong?'' Tanong ni tres.





''Meron, dalawa. Puro babae.'' Sagot ni manong.






''Pakilala mo naman ako, manong.'' Ani tres na halatang ina asar lang ako.





''Sige tres at gigising ka bukas nang walang jowa.'' Pagbabanta ko, tumawa naman siya at ang driver nang taxi. Nang makarating sa Avocado Street ay agad siyang nagbayad at lumabas na kami nang taxi.





Souvenirs For TomorrowWhere stories live. Discover now