Bumalik agad kami sa syudad nang mailibing si Lolo dahil meron pang klase. Pero kamalas malasan dahil pagkarating namin sa bahay ay bigla nalang sumama ang pakiramdam ko, nagka lagnat ako kaya hindi ako nakapasok. Again, ang mga ka mongoloid kuna ang bahala na magpaliwanag kung bakit wala ako sa klase, at absent na naman.
Nakahiga ako sa kama ko ngayon, nasa tabi ko ang isang inhaler. Kagabi kasi ay inatake ako nang ahstma ko, kaya napatakbo si mama sa malapit na pharmacy upang bilhan ako nang inhaler.
''Kumusta ka?'' Napatingin ako sa pinto nang pumasok si Tres, nakasukbit ang bag niya sa kanyang balikat.
''O-Okay na, bumaba narin naman ang lagnat ko.'' Saad ko at palihim na tinago ang inhaler sa ilalim nang unan ko. He don't know that I have ahstma. At wala akong balak na sabihin sa kanya dahil alam kong mag-aalala siya.
''Are you sure?'' Naupo si Tres sa gilid nang kama ko. ''Anong gusto mong kainin, uminom kana ba nang gamot mo? Bakit hindi mo sinabi sakin ang tungkol dito?, kung hindi-
''Tres, awat na, okay namana ako, at lagnat lang naman hindi ako mamamatay sa simpleng lagnat lang.'' Sabi ko.
''Kaylan ba ako mag-aalala?, kapag nag aagaw buhay kana?'' Singhal niya, natawa naman ako.
''Ang OA mo.'' Inirapan ko siya.
Umiling siya at napa tsk, hindi siya umalis sa tabi ko at siya ang nag alaga sakin sa araw na'yon buti nalang at tuluyan nang bumaba ang lagnat ko.
When his birthday came, ay nagsimba kaming dalawa sa Cathedral. Pagkatapos ay kumain kami sa mang inasal, naka ilang unli rice pa ako.
''Dahan dahan, fame, baka mabulonan ka.'' Ani Tres at nilagay sa harapan ko ang coke.
''Oo nga pala, happy 17th Birthday, Tres Kiefer Zamora.'' Bati ko sa kanya.
''Thank you.'' He smiled at me.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa bahay nila dahil meron raw maliit na handaan. Malaki ang bahay nila Tres kumpara sa bahay namin, dahil nga may kaya ang pamilya niya. Hindi na ako nagulat nang madatnan namin ang mga kaybigan niya sa loob nang bahay nila.
''Happy birthday.'' Bati ni Olga at niyakap sa bewang si Tres.
''Lantod.'' Bulong ko, at naglakad papunta sa living room.
''Bakit kasama mo yang babaeng yan, Tres?, akala ko nag away kayo.'' Rinig ko pang ani Olga. Ang iba niyang mga kaybigan ay tahimik lang habang nilalantakan ang kinakain nilang cake.
''Fame Rose!'' Napa angat ako nang tingin sa staircase nang bumaba roon si Tita Marille. ''How are you, hija?, ngayon ka lang naka dalaw ulit.''
''Okay lang naman po.'' Sagot ko at sinulyapan si Olga na naka awang ang labi habang nakatingin sa aming dalawa nang mama ni Tres.
''Anyway, ang ganda nang dress mo. At ang ganda mo!'' Papuri ni Tita, sout ko kasi yung white lacey silk dress na hanggang ankle ko ang haba at white stilleto heels na binili ni Tres for me.
''Binili ni Tres. Tita.'' Sagot ko at tumawa.
''Bagay na bagay sa kanya, diba mom?'' Singit ni Tres sabay akbay sakin.
YOU ARE READING
Souvenirs For Tomorrow
RomanceThey started out as friends, the kind that nothing could separate them because even if there are days when they are angry with each other, it still ends in forgiveness. But are they really just friends? Tres likes to take pictures and so does Fame s...