…flashback…
"Good morning!" maarteng bati ni Penny.
"Uy gising ka na pala. Sabay na tayong kumain ha!" ani ni Lily.
Nagluluto ito. Oo nga pala kahit di gaano malaki 'tong RV ni papa kompleto naman sa gamit. May isang kwarto na may double deck na kama. May extrang foam bed para kung mat gustong matulog sa papag.
Aish! Teka, ano ba ang nangyari kagabi? Bigla na lang dumilim ang paligid. Habang umuupo sa couch sa may little dining area daw, hinahagod ko ang sentido ko. Medyo di naman sumakit, medyo nahihilo lang ako.
Lumabas sina Kalix at Chris sa kwarto. Nasaan si Lily?
"Nasaan si Lily?'
"Si Lily?" pag-uulit ni Penny.
Hindi! Hindi Penny! Narinig na nga uulitin pa. Tss… masakit ang ulo ko kaya di ko muna 'to pipilosopohan. Tumango ako.
"Kumuha ng pagkain. May pagkain daw pinamigay eh, may coupon pa nga. Nandito pala kanina sina Annie, Claire at Mitch. Sila ang namigay ng mga coupons."
Akala ko di totoo na narinig ko sila kanina. Totoo pala na nandito sila kanina. Akala ko kasi… nagpla-play ang boses nila sa utak ko. Ilang araw din kami di nagkausap o nag bonding. Kaya siguro na mi-miss ko na sila.
Ilang sandali ay dumating si Lily na may dalang gardania loaf bread, ilang cup ng kape na halatang binili sa malapit na Dunkin Donut at dalawang box ng bavarian. Wow? 'Yan ba ang pinamigay nila. Ang yaman ah!
"Wow? 'Yan ba ang pinamigay nila ate?" takang tanong ni Chris.
"Ah hindi. Bigay ito ng ninong ni Dawn."
"Ah… ang lakas mo talaga sa kay Sir Principal Dawn!" sabay mahinang hampas sa balikat ko si Penny.
Hinain na ni Iyah ang niluto nito. Nagluto pala ito ng bacon at hotdog. Panigurado 'yan ang madami sa loob ng mini ref.
Nagsimula na kaming kumain, alangan naman tititigan lang namin. Gutom na gutom ako dahil di pala ako kumain kagabi. Magiging baboy muna ako ngayon.
"Dahan-dahan lang ate. Baka mabilaukan" paalala ni Kalix.
"Hayaan niyo na. Ang payat na niyan di pa ata kumain kagabi" aniya ni Iyah. Sorry naman po.
Di na kami sasali sa zombie run. Kanina pa nagsimula at tsaka medyo masakit pa ang ulo. Ang zombie run pala ay gaganapin sa sports complex na nasa malapit lang din. Marami din pasikot-sikot doon, kaya swak para sa zombie run.
"Pagkatapos natin maligo pumunta tayo sa sports complex" yaya ko.
Kahit 'di ako yumaya kailangan pa rin namin pumunta. Doon din kasi igaganap ang mga activities.
Pagkatapos namin kumain ay si Kalix at Chris na ang nagligpit. Nilagay sa mini ref ang isang box ng bavarian. Busog na daw sila eh.
May indoor swimming pool na nasa malapit lang , may shower do'n at… doon kami maliligo. Bwahahahaha! Wala ang bantay ngayon dahil weekend. Wala din ang mga faculty at staff na sumama. Lahat nasa sports complex! Pero nandito sa paligid ang mga security guards. Alangan naman pati sila aalis din. Eh di mananakawan kami!
Nasa backdoor na kami. Dito kami dadaan para di makita ng mga guards. Pero sa tingin ko naman di pa sila rumoronda.
"Teka? Seryoso? Diyan tayo maliligo?"
Aba! Parang wala pang tiwala 'tong kumag kong kapatid. Ba't ko pa kasi ito pinasama. Pinakita ko sa kaniya ang ilang mga susi. Yes baby! Mga susi. Halos lahat na ata na sinususian dito sa campus ay nasa akin na. De joke lang! Siyempre, di ko hawak ang susi ng faculty room.