Part VIII

73 3 0
                                    

Umaga na at malayo na kami mula sa pesteng lugar na iyon. Patungo na kami sa siyudad kung saan maraming pakalat-kalat na undeads. Kasalukuyan binabaktas namin ang national highway patungo sa malaking mall sa amin.

Dapat iiwasan namin ang lugar na iyon pero doon ang direksiyon ang tinuturo ng gps. Di pa pumapalya sa pagbibigay ng taman direksiyon itong gps kaya sinunod na lang namin.

Nagpaliwanag sa amin si Lily. Ayon sa kanya, natagalan silang puntahan kami dahil sa biglang na-lock ang pinto ng RV. Nagpakita din sa kanila si white hoodie guy. Di daw nila makita ang mukha kasi yung hood talagang tinatakpan ang mukha niya. Pumasok pa nga sa bahay at sinubukan daw nila tawagan kami sa loob pero halata 'di namin narinig. 'Di ko nga napansin na… may pumasok. 'Di kaya sound proof yung bahay? Ang ingay kasi namin nung naglalaro kami ni Iyah.

Sinabi din niya nang bumukas na ang pinto ay siya namang pagbukas ng ilaw sa buong bahay at sa labas. 'Di nga niya mapaliwanag kung paano o bakit bigla na lang na lock yung pinto. Halos madapa nga daw sila ng puntahan kami dahil sa mga parating na undeads at di nga biro ang dami. Halos lahat ata ng makikitang zombies sa lugar na iyon ang sumugod.

"Akala ko nahanap na natin ang magiging permanente nating bahay. Pero hindi pa pala" malungkot na ani ni Kalix.

Gano'n talaga. Mukhang 'di iyon ang nakatadhana. Speaking of nakatadhana… ako dapat ang magmamaneho sa mga oras na ito pero dahil sa nangyari at nasa siyudad pa naman kami kailangan si Iyah ang magmaneho. Pero halatang pagod na siya at mugto na ang mga mata. Mahirap na at baka makatulog 'to  madisgrasya pa kami.

Kompleto nga kami sa kagamitan pero hirap na hirap na kami. Parang unti-unti na ako ng pag-asang mahahanap pa namin ang underground bunker ni Papa. Inilabas ko ang kwintas na may maliit na susi. Recently, natandaan ko na key of hope ang tawag dito ni Papa. Sana nga… susi nga 'to sa underground bunker ng Papa.

"Ang ganda naman ng kwintas. Sa iyo ba iyan ate?"

Medyo nagitla ako. "Uy! Ikaw pala Elsa. Ginulat mo naman ako. Oo, ang ganda nga nito. Gusto mo tingnan?" tumango ito at inabot ko sa kanya.

Tiningnan nito ang bawat detalye ng kwintas. "Bigay yan ni Papa. Mahalaga iyan sa akin kaya iniingatan ko. Kaso one week before that day naiwala ko. Mabuti na lang at may nakakita."

Kinuwento ko sa kanya kung paano ito nabalik sa akin. Wala naman itong reaksiyon kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Yang maliit na susi na 'yan… ang tawag diyan ni Papa ay key of hope" sana nga.

"Wow" parang wala lang na wow. "Salamat po ate" sabay abot sa kwintas at pinagpatuloy kung anuman ang ginagawa niya sa kaniyang phone. Sinuot ko naman ang kwintas para 'di na muli mawala.

"Alam mo Elsa dapat maging madaldal ka din kahit minsan. Nakakasawa ng pakinggan ang boses ni Lily at Penny eh."

Ngumiti lang ito at si Penny naman…

"Eh 'di mag-earphone ka!" sabay walk out.

… ayan bumalik na naman sa pagiging baklitang kabayo.

"Baklitang kabayo…" mahina kong ani.

"Ano yun?!" mataray nitong tanong. May pataas-taas pa ng kaliwang kilay nalalaman 'tong baklitang ito.

"Wala… sabi ko kakain muna ako at papalitan ko na si Iyah sa pagmamaneho" pagpapalusot ko.

Pumasok ito sa kwarto pero bago pa naman iyon ay nang-irap pa ito.

"Hey! Did you just rolled your eyes on me?!" actually di ako sigurado kung tama ang grammar ko. Feel ko kasing inisin ang baklitang kabayo na 'to. "Whatevah!" sigaw nito.

Left for DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon