Di ma alis-alis sa isipan ko kung ano'ng nakita ko kahapon. Habang nilalabanan namin ang mga zombies ay nakita ko naman ang taong naka white hood jacket. Tulad ng dati ay di ko maanigan buo nitong mukha. Nasa pagitan siya ng mga naglalaguhang mataas na horse hair ata. Nakakapagtaka na di siya napapansin nila. Muli ko tinuong ang atensyon ko sa mga pesteng undeads.
Pagkatapos ng labanan ay nando'n pa rin siya, pinagmamasdan lang kami. Kita ko kung paano ito nag-smirk at umalis na ito. Sa di malamang dahilan ay sinundan ko siya hanggang sa parking lot.
Ang lapit na niya sa akin. Nakatalikod siya pero di nagtagal ay lumingon ito at may tinapon sa akin. Isang kwintas na may maliit na susi, pamilyar na kwintas actually. Parang… agad ko siya hinanap pero wala na siya. Nasaan na siya? Sino ba siya? Bakit nasa kaniya ito? Naiwala ko ito isang linggo bago kumalat ang virus. Binulsa ko ito habang nakatingin sa malayo at ilang sandali ay tinawag na ako ni Iyah.
"Ang lalim ng iniisip natin ah" si Penny. "Bakit?"
Anong bakit?
"Bakit? I… mean anong nakita mo kanina?"
Sinabi ko na nakita ko 'yung lalaking naka white jacket na may hood. Ngayon ko lang nasabi na nakita ko na din siya dati. Pinakita ko na din ang kwintas na may maliit na susi.
Natandaan ko ang sinabi ng Papa nung araw na binigay niya ito. Magagamit ko raw yun balang araw. Eh mas magagamit ko pa yung mga susi na bigay ni Ninong.
"Yun lang ang sinabi. Pa mysterious effect pa eh."
Doon nga nakilala ang Papa, sa pagiging pa misteryoso-misteryoso niya. Minsan nga nakakainis 'pag nagtatanong ako sa kanya. Sagutin pa naman ako kung di pabalang, eh mas malala kung tanong din ang isasagot. Eh mas gumulo nga ang utak ko.
"Dawn!"
Halos tumalon ang puso ko sa gulat! Bigla-bigla ba namang sumigaw. 'Tong baklita na 'to… nakakainis minsan.
"Oh ano?! Kung maka sigaw ka."
"Paano kung susi 'yan sa underground bunker ni Tito?"
Oo nga 'no. Pwede din. Nag-iisip rin pala 'to. Loool~
"Di ba. 'Wag na natin hanapin ang safe place, safe choochoo place na 'iyan. Dahil kung meron dapat matagal na tayong nahanap… pero ano? Nandito pa rin tayo sa kalsada. Nakikibaka para mabuhay."
May punto naman 'tong baklitang ito.
"Tanungin muna natin ang iba.""Actually, pumayag na sila" sabay ngiting kabayo. Loool~
Ano ba ang magagawa ko, babalik kami sa ayaw at sa gusto ko. Pinahina ni Iyah ang takbo dahil oras ko na para magmaneho. Mahanap nga sana namin.
———
"Nasaan na ba tayo?" tanong ni Penny.
Minsan talaga nakakainis na 'tong baklitang 'to. Tanong ng tanong.
"Di ko alam" tugon ko.
"Edi wow!" sarkastiko nitong ani. "Dapat alam mo, ikaw ang nagmamaneho. Hay nako! Kung saan-saan na tayo napupunta. Naliligaw na ata tayo eh!"
Pasalamat 'tong baklitang ito at nagmamaneho ako kundi… baka nasapak ko na 'yan.
Palagi namang naka-on ang gps ng RV dahil minsan 'di na namin alam kung saan na kami napapadpad. Tulad ngayon may sinusunod akong daan. Ayon kasi sa radar, ito ang daan pabalik sa amin ang wala gaanong zombies. Pero kung titingnan mo… mukhang may mga cannibal sa paligid! Mas mga agresibo at matatalino pa naman sila kaysa sa mga undeads.
Wala talagang buhay sa paligid, pwede na nga mag-shooting dito ang supernatural. Ay oo nga pala… nagaganap na ang isang supernatural na 'di inaasahan ng ninuman na mangyayari. Ang akala na nagaganap o nangyayari lang sa isang sci-fi na movie ay biglang naging katotohanan. Walang cuts, breaks o take two. Isang pagkakamali lang pwede na mapanganib ang iyong buhay.
Di ko alam kung isang himala o ano. Sa gitna ng walang buhay na lugar ay may natanaw akong ilaw. Mukhang 2 storey house… di ko kasi gaano maanigan dahil sa nakaharang na sanga at mayayabong dahon ng punong mangga. Mukhang naanigan din ng iba ang ilaw kaya nasa likuran ko na sila ngayon.
"Ano pupuntahan ba natin yan ate?" tanong ni Kalix.
"Tanungin mo muna ang ate mo."
Nasa tapat na kami ng gate ng bahay. Di gaano bago at mukhang bagong gawa pa. Naalala ko tuloy ang bago kong biling cellphone. Mabuti na lang kahit papaano ay may na download akong mga music at music videos.
Kumakagat na ang dilim kaya alam kong papapayag sila. Pero bago pa man yun ay kailangan pang i-clear ang bahay para maniguradong walang undeads sa loob.
"Ano clear?" tanong ko.
"Opo!" tugon ni Chris.
"Are you sure?" tanong ni Penny.
"Naman kuya, wala ka bang tiwala sa akin?"
"Di naman, baka kasi alam mo na baka nagkamali ka ng tingin. Tao lang naman tayo nagkakamali."
Walang tumutol na subukan namin pasukan ang buhay. Habang dahan-dahan akong pumapasok sa bahay, hinahanda naman nila ang kanilang mga M16 at caliber 45 sa mga bata, binigay naman ni Lily ang samurai ko.
Tahimik kaming umalis sa RV. Nakakapagtaka na walang zombies na naakit dito sa bahay na 'to. Bakit kaya?
Bukas ang ilaw sa unang palapag at tanging sa isang kwarto lang sa ikalawang palapag ang may bukas na ilaw. Yun siguro ang naaninag namin kanina lang.
Parang isang magnanakaw namin pinasok ang bahay. Banayad at dahan-dahan ang mga kilos. Kahit alam namin na kahit kailan di pa pumapalya ang radar.
Nilibot namin ang buong paligid at posibleng panirahan kung may undeads man sa paligid. Wala talaga at nakakatuwa na di naakit ang mga pesteng undeads sa ilaw ng bahay na ito. Pero kung ano man ang dahilan, mukhang nahanap na namin ang matagal na namin hinihiling. 'Wag lang sana may manggulo agad.