PART II

178 5 0
                                    

It is this the end of us, or just a means to start again?

Nang nagsimula kumalat ang virus, nagpa desisyon kong isulat ang lahat na mangyayari, para documentation kumbaga. Ito ang una kong sinulat at takot ako ng mga panahon na 'yun. Takot na kung ano ang mangyayari sa amin o ano na ang nangyari sa kanila.

Takot ako kaya nung una di ko 'to masagot pero pagkatapos ng aming unang laban sa mga pesteng zombies alam ko na ang sagot.

Di pa 'to ang huli ng lahat. Ito ang panibagong simula ng aming buhay. Panibagong buhay na wala ang aming mga pamilya, mga malalapit na kaibigan at ang mahal ko! Nakakaiyak! Huhuhu! Panibagong buhay na kaming pito lang at kahit ayaw namin, pati na din yung mga pesteng undeads! Sarap nilang ubusin lahat!

Tsk! Yung araw na iyon, di ko makakalimutan sa tanan buhay ko. Ang araw na di naming inaasahang magbabago sa aming buhay.

flashback
(Mga nangyari bago ang mismong araw)

Tradisyon na ng paaralan namin na pagkatapos ng graduation ay magkakaroon kami ng activities at magca-camp sa campus ng 2 days and one night. Ginawa ito upang kahit papaano ay maka bonding namin ang iba naming ka batchmate bago mag hiwalay ng mga landas.

Ngayon magkakaroon ng maliit na party at bukas ng umaga ay magzo-zombie run pagkatapos ay zumba. Pagkatapos mga ilang activities choochoo at ewan na sa iba.

Ito ang inaasam-asam ko na pangyayari sa buong highschool life ko, mukha kasing masaya. Kaya matiyaga ako naghintay hanggang sa maka graduate ako pero ngayon… pinayagan na sumali ang ibang mga lower years basta may kapatid o pinsan na graduating! Ang unfair talaga! Nakakaiyak tuloy!

"Hay! Ang tagal naman magsimula ang party!" reklamo ni Lily.

Kasalukuyan kaming nasa gym, dito daw kasi tradisyon ginaganap ang small party daw.

"Alam mo naman filipino time" ani ko. "Tsaka ang aga pa para magparty. Nakalimutan mo na may small program pa daw?" puro na lang small.

"Haler? Mag a-alas otso na at di pa nagsisimula! Sana sinabi nila alas nuwebe magsisimula."

Parang di naman nasanay ito. Dapat magsisimula na ang party ng alas otso pero mukhang di masusunod dahil parang may inaayos pa sila.

"Tara labas tayo" yaya ni Lily.

"At saan naman tayo pupunta Madam Lily?"

"Sa may canteen, gutom ako eh" sabi ko na nga ba. Tss…

Gutom na din ako pero tinatamad akong maglakad. Napagod ako sa kahihintay.

"Ikaw na la---"

Bigla na lang ako nito hinila palabas ng gym. Pasalamat 'to kaibigan ko siya at walking stick ako kaya di ko masapak sa balikat habang hinihila ako.

Medyo malayo na kami sa gym pero hinihila pa rin ako nito.

"Wuy! Masakit na ang wrist ko!" binitawan na nito.

"Sorry gutom na kasi ako" sabay pout.

"Tumigil ka Lily at 'di bagay sa'yo."

Bigla na lang ito nang-irap. Jusme! Papakainin ko na 'to baka mantaray naman ito na wala sa oras.

"Oh siya! Bilisan lang natin at baka mag-uumpisa na ang program."

Sa saya nito kulang na lang mag-ningning ang mga mata niya. Malapit lang naman ang canteen sa gym kaya alam kong makakabalik na kami bago magsimula ang program.

May mga ilang studyante ang nasa canteen ang lahat kasi ay nasa gym na. Sana walang kumuha sa aming pwesto. Sana! Kitang-kita ko pa naman dun si mahal kaya sana walang mang-aagaw! Isa kasi siya sa magiging master of ceremony.

Left for DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon