Isang buwan na rin ang lumipas pagkatapos naming matuklasan ng di sinasadya ang underground bunker ng Papa. Paano namin nalaman? Simple lang.
…flashback…
"Eto na. Nahanap na rin natin sa wakas." ani Penny.
Teka? Kailan pa naging manghuhula 'tong baklitang kabayo na 'to?
"Anong 'eto na yun?"takang tanong ni Chris.
May niabot itong one half index card sa akin. Agad naman sila nagsilapitan sa akin maliban kay Penny na nakatayo lang habang minamasdan ang bahay ata.
Pinalayo ko muna sila dahil 'di ko na mabasa at 'di ako makahinga! Dumistansiya naman sila at babasahin ko na lang ng medyo malakas para marinig nila.
"Congratulations! You've finally found the underground bunker house!"
"Wow? Parang nanalo sa lotto lang" ani ni Kalix.
Parang talagang nanalo kami sa lotto! Sobra pa nga eh! Kung 'eto na nga ang matagal na namin hinahanap, edi congrats sa amin!
"Oh ipagpapatuloy ko" nilinaw ko muna ang lalamunan ko. " For now… " wow nilinaw talaga ang now. "…you and others are safe here. Ciao!"
"Yun lang?" parang di kuntentong tanong ni Lily.
"Bakit gusto mo dugtungan ko?" pamimilosopo ni Penny.
Nasa may pintuan na ito at pinipilit buksan. Di namin maanigan kung anong meron sa loob dahil sa makakapal na kurtina.
"Parang kailangan ng…" lumapit ito. "Pwede pahiram ng…" sabay turo sa kwintas.
"Eh? Okay?"
Binigay ko ito at…
.…present…
…at nabuksan! Medyo magulo nga yung mga sofa nung ni-on na namin ang ilaw. Mukhang may tumira dito at yun ang inaalam namin hanggang ngayon. Nakakapagtaka nga dahil… di ba sila nakapunta dito? Dahil kung oo bukas ang ilaw at may sasalubong sa amin. Pero wala.
Natuklasan namin na may second floor ito at parang isang malaking monitoring room ito. May mga malalaki at malalapad na screen. Yung parang katulad kay Batman. Naka on pa nga ito nang makita namin. Ayon sa note na nakadikit sa dinding, makikita dito ang lahat na sulok ng lugar namin hanggang sa border ng mga karatig na bayan. Makikita kung sino man ang papasok at lalabas. Makikita dito ang lahat!
Dahil makikita dito lahat, may kutob kami na baka totoo nga ang hinala ni Penny. Baka pinaglalaruan nga kami at sa mismong lugar na ito kami pinagmamasdan. Sila kaya yung may-ari ng puting van? Kasama ba nila si white hoodie guy? Puro katanungan na naman. Wala pa ring mga sagot. Nakakasawa na.
Tulad nga nung una kong sinabi, isang buwan na kami nandito. Isang buwan na rin kami di umaalis. Bakit? Di nga namin alam kung paano nakarating dito, palabas pa kaya? Halos hinahalughog na nga namin ang buong lugar,nagbabakasakaling may mahanap na exit door or fire exit basta labasan! Pero wala! Na trap na ata kami dito.
Nakakatawa 'no? Kung saan nahanap na namin ay may plano pa kaming umalis. Tss… paano na lang kasi kung totoo nga yung may safe place, so may maghahanap pa. Kung may maghahanap pa.
Isang buwan na kami dito at saan kami kumukuha ng pagkain? Bukod na nakuha na naming mga pagkain at mga pagkain na nakita namin dito. May natuklasan din kami na isang green house ata. May mga nakatanim doon na mga gulay at prutas, at malawak pala ito. Ang tubig ay kusa dumadaloy pag oras na para diligan. Hula namin yung tubig ay nanggaling sa taas. Nakalimutan kong sabihin, ang tawag namin dun ay Garden of Eden. Parang kasing gano'n na. Lahat na pangangailangan na pagkain ay nandoon na.
Sa t'wing dumdalaw ako doon napapaisip tuloy ako. Kung kay Mitch nga yun blue van at kung kasama man nila sila o sino man ang kasama niya. Nakakain na kaya sila? Okay lang ba sila? Ligtas ba sila?
Alam kong unti-unti na nila natatanggap ang katotohanan. Katotohanan kung anuman ang nangyari sa mga mahal nila sa buhay. Yung sa akin? Gano'n pa rin. Malakas ang kutob ko na buhay pa sila… noon. Nang nakarating na kami dito akala ko makikita ko na sila.
Mayroon pa lang apat na kwarto. Magkasama sa kwarto sina Kalix at si Chris, kami naman ni Lily at Elsa ang magkasama. Si Penny at Iyah ay mag-isa lang sa mga kwarto nila. Mga loner kasi.
Magmamadaling araw na pero gising pa rin ako. Tulog na ang dalawa kong kasama or I assume silang lahat maliban sa akin. Ayon pa kay Lily, ngayon lang siya nakatulog muli na 'di nag-aalala kung may zombies na aatake sa amin. Tama nga naman. Wala ngang zombies pero nangangamba pa rin ako na baka 'di rin kami dito tatagal. Kahit matagal na namin ito hinihiling na makita ito, dahil alam kong ligtas kami dito. Nakaramdam ako ng pangangamba dahil sa note na nakita ni Penny sa may fuse box daw. Ligtas kami sa ngayon. Bakit? Ano ba pwede mangyari? Mas tumitindi ang hinala namin na pinaglalaruan kami. Pero nino? Isa lang ba siya? O isa silang grupo? Malaki o maliit na grupo? Anong dahilan? Tss nakakainis na!
'Di na talaga ako makakatulog! Ang gulo na ng isip ko! Gusto ko sana ng sariwang hangin kaso naalala ko na nasa ilalim pala kami ng lupa. Kaya siguro sa monitoring room na lang ako.
Bago pumunta sa monitoring room ay pumunta muna ako ng kusina. Sa loob ng ref ay may ilang prutas, chips na ewan kung nakakain pa, ilang pagkain at puro gulay. Yes! Vegetarian na kami. Ano pa nga ba, di na kami magpapaka choosy. Kinuha ko na lang ang yung malaking bag ng chips. Actually yun na ang last. Bahala na.
Simula pagdating namin ay palagi ng naka-on ang screen para habang inaalam pa namin kung paano kami makakalabas ay alam pa rin namin kung ano'ng nangyayari sa labas. Wala naman bago, puro ganon pa rin. Puro mga zombies at napapansin kong di ko na nakikita ang mga looters. Ubos na ba ang mga pagkain sa labas? Napapansin ko din na parang dumadami na sila o matagal na talaga sila ganyan karami. Iniiwasan kasi namin kaya di ko siguro napansin.
Mag a-alas tres na ng tingnan ko sa cellphone ko, pero wala pa ring kakaibang nangyayari. Tumayo muna ako mula sa swivel chair dahil nangagawit na ako sa kakaupo! Sumasakit na ang puwet ko. Tss…
Mula dito ay tanaw ang pinarkingan ng RV namin. Ang mga dingding kasi dito ay gawa sa fiber glass, kaya tanaw kung anuman ang nasa labas. Balik tayo sa RV, mula dumating kami ay nandoon lang iyon. Baka kasi nasa loob ng RV ang pwedeng pindutan o lever. Kaya hanggang ngayon ay nandoon pa rin ito.
Alam naming ligtas kami dito sa lahat ng pwedeng may manakit sa amin. Pero di maari na hanggang sa lumipas ang mga buwan at taon ay nandito pa rin kami. Alam namin na 'di na tatagal pa kung ano'ng nandito. Ramdam ko yun.
Muli akong umupo sa swivel chair. Kung mupaikot-ikot kaya ako para mahilo? Pag nahilo na ako ay makakatulog na ako? Aish! Magmo-monitor na lang ako!
Nakakuha ng atensyon ko ang isang puting van mula sa camera 34, ewan kung saan ito. Nakahinto lang ito at ilang sandali ay umandar muli. Anong ginagawa nila? Tss… Bahala nga sila.
Sa camera 51, parang sa may park ata 'to. Yung blue van. Medyo pinalaki ko yung screen ng camera 51. Lumabas ang mga taong nasa loob. Zinoom in ko at… nakita ko na lang ang sarili ko nagmamadaling bumababa palabas ng bahay. Sila yun! At di ako maaring magkamali.