Nasaan ako? Bakit puro patay ang nasa paligid? Nasaan sila? Ano'ng nangyari?
"Dawn..."
Isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin. Dahan-dahan akong lumingon at... di nga ako nagkamali... siya nga.
Naka all-white. Yung suot niya parang tulad sa bleach na animé. Di ko maanigan ang mga mata niya.
"Bakit?" tangi kong nasambit.
Di naman ito sumagot at tinutukan ako nito ng baril. Nakakapagtaka at wala akong naramdaman na takot. Walang kaano-ano ay kinalabit nito ang gantsilyo.
Ramdam ko kung gaano kalamig ang lupa at...
Dahan-dahan ko minulat ang mga mata ko. Isang panaginip lang pala. Nandoon pa rin ako kung nasaan ako kagabi.
Di ko maintindihan... di ko makuha ang mensahe. Hay... siguro wala lang 'yun. Isa lamang masamang panaginip.
Kung aalahanin ko ang lahat na nangyari ng araw na iyon parang... kahapon lang ang nangyari. Pagkatapos namin makatakas sa mga akala namin 'di totoo na totoo naman palang mga zombies. Agad kami umuwi. Wala kaming nadatnan. Bumalik kami sa aming paaralan pero muntikan lang kami maging pananghalian nila. Huli namin pinuntahan ang sports complex... pero gano'n din. 'Di namin sila nahanap at magta-tatlong buwan na ang lumipas pero di pa rin namin sila mahanap.
"Dawn, kung bumalik kaya tayo sa inyo? Baka makahanap tayo ng clue kung nasaan ang underground bunker ni Tito" suwestiyon ni Penny.
Maganda sana kaso malayo na kami. Nasa kabilang lungsod na siguro kami.
"Babalik ba tayo? 'Wag na. Sa susunod na lang. Magbabaka sakali muna tayo na mahahanap natin ang 'safe place' na tinatawag nila."
Bumuntong-hininga ito. "Sige. Pero paubos na ang mga bala natin. Dalawang box para sa M16, isa sa 45 pistol at isa para sa shot gun. Wala na din tayong bomba. Magpasalamat na lang tayo na bullet proof 'tong RV at di nabubutas ng bala ang bago nating gulong."
"Ang mga pagkain?"
"Aabot pa hanggang sa makalawa."
"Okay."
Bukod sa paghahanap kung may buhay pa sa aming pamilya at sa underground bunker ni Papa. Hinahanap din namin ang tinatawag nilang 'safe place'. Doon daw dinala ang mga di nahawa ng virus, o ang sabihin nila mga ayaw nilang mahawa. Matagal namin iniisip na baka planado ang pagkalat ng virus at ang pagpapalakawala sa mga baliw na nahawaan ng virus sa loob ng mental hospital. Maari yun nga pero di pa rin namin matumbok ang dahilan.
Ang dami ng gumugulo sa isipan ko! Patnubayan nawa kami ng nasa itaas.
---
"Bilisan niyo!" sigaw ni Iyah.
Kumukuha naman sila ng mga pagkain sa isang convenience store. Laking tuwa nga nila nang makita ang bodega. Karton karton ng mga kailangan nila! Mula sa pagkain hanggang sa gamit sa palikuran. Kompleto! Pero 'di pa rin maalis ang pagdududa ni Dawn. Palagi na lang ito nangyayari. Wala bang kumukuha dito? Nakakapagtaka.
Nasa tapat lang ng pinto ang RV para madali nila mapasok ang mga nakuha nila. Ang mga bata ang kumukuha ng mga kailangan nila. Habang si Iyah, Penny at Dawn ay pinalibutan ang RV. Si Lily naman ang magmamaneho dahil sinanay na ito sa mga ganitong sitwasyon.
"Ay gaga!" maarteng sigaw ni Penny. "Nako! Paborito ko pa naman 'tong t-shirt na suot ko!!"
"Die bitch! Die!" sigaw ni Iyah sa babaeng ayaw mapatay-patay. Ang bilis gumalaw... at bago yun sa kanila. Pero sa huli ay napatay pa rin ito.
Kung gaano kaingay ang dalawa, kabaliktaran naman si Dawn. Ang tahimik nito ngayon, di tulad dati na mas marami pa 'tong namumura kaysa sa dalawa. Napansin din ito nila Iyah at Penny.
Inihahanda na nito ang samurai na sa likuran niya. Other option niya ito kung sakaling maubusan siya ng bala at may mga peste pang undeads na natitira. Wala siyang magagawa kundi ang lumaban ng malapitan.
Pagkatapos ng madugong labanan ay naubos na ang mga undeads na umatake sa kanila. Hingal na hingal na sila, pagod na pagod. Mabuti na lang at napasok na ang lahat na kakailanganin nila.
"Aish! Ang baho ko na!" reklamo na naman ni Penny. Di ata lilipas ang isang araw na walang reklamong maririnig mula sa baklitang ito.
"Anong bago do'n? Ngayon ka pa nagreklamo pagkatapos ng ilang araw na di tayo naliligo" ani ni Lily.
Nagtawanan silang lahat at minsan lang ito mangyari. Nasa loob na silang lahat ng mapansin nilang may kulang.
"Nasaan si ate Dawn?" tanong ni Chris.
Agad nila hinanap dahil may nasagap na parating na mga undeads. Narinig ata ang nagawa nilang ingay kanina habang nakikipaglaban.
Nahanap naman nila ito sa may kabilang parking lot. Bale kaliwang bahagi ng convenience store. Nakatayo lang ito tila may pinagmamasdan.
"Dawn tayo na!" sigaw ni Iyah.
Sumenyas din ito na bilisan niya dahil parating na naman sila. Pagkapasok nito ay agad sila humarurot palayo.
Nang nasa malayo na sila ay tila nabunutan na sila ng tinik sa dibdib. Habang nagpapahinga at inaayos ng iba ang kanilang sarili. Di maalis ang tingin ni Iyah kay Dawn na tulala at tila malalim ang iniisip.
"Ano ba ang nasa isip mo ngayon?"