Pinatay namin ang ilaw sa ikalawang palapag. Pati na din sa ilang kwarto sa unang palapag. May mga lampara dito at nilagay namin yun sa may sala para may ilaw kahit papaano.
Kasalukuyan kaming nasa kusina dahil ang ilaw mula dito ay di maanigan sa labas.
"Tanong lang, may napapansin ba kayo sa kinkain natin lately?" tanong ni Penny. Nako! Baka mag-reklamo naman ito.
"Instant foods?" tila di siguradong sagot ni Kalix.
"Pwede din. Pero di niyo talaga napansin ang napansin ko?" tanong nito ulit habang tinataas ang iphone 6 nitong… dual sim. Tila naghahanap ng phone signal, medyo ugok din ang isang 'to.
"Eh ano naman yung napansin mo na 'di namin napansin?" si Iyah.
"Napansin ko kasi…" tinataas- baba na naman nito ang kaniyang magical iphone 6 niya. "… na pababa ng pababa ang expiration date. Mabuti na lang… at pa tayo na fo-food poison o anything."
Napansin niya pala yun? Akala ko lamon lang 'to ng lamon kahit 'di alam kung maari pa bang makain ang pagkain na iyon. Patuloy pa rin ito sa ginagawa niyang ka ugukan.
"Huy Penny the platypus! Kahit mag-tumbling ka diyan, magpacirco-circo o kahit lumambitin sa chandelier sa sala. Kahit tumambay ka pa sa attic o rooftop. Wala ka pa ding masasagap na phone signal. Engot." ani ni Lily.
"Ah… gano'n ba. Try ko nga…" lumapit ito kay Lily at bigla na lang tinutok ang phone nito sa… ehem baba ni Lily na siyang ikinabigla niya. "… baka may mahanap akong signal dito."
Nanlaki ang mga mata nito na… ehem normal na gano'n talaga.
"Sa ngayon panahon ko napatanto na mahalaga pala ang satellite phone ko" biglang nagsalita si Iyah.
Satellite phone? Ano yun? Bagong brand o dating brand? Mas tunog na dating brand.
"Anong brand yun ate?" tanong ni Elsa. Baka anong klaseng phone.
"Ewan 'di ko na yun matandaan eh. Nasa elememtary pa ako meron nun eh."
Sabi ko na nga ba eh. Pero bakit di yun pamilyar sa akin? Sabagay 'di nga pala ako binigyan ng phone dati.
"Kahit medyo pangit ang style nun kung ikukumpara sa mga phone ngayon… pero mas astig yun. Kahit walang phone signal sa isang lugar, makakasagap pa rin yun kaso… wala tayo nun at wala na rin yung akin."
Tama. Natatandaan ko na. Meron nun si Papa pero nawala niya daw nang minsan pumunta siya sa isang gubat. Pero nahanap niya iyon ulit daw. Kung paano ewan, sa pagkaka alaala ko wala iyon gps. Nasira naman iyon sa paglipas ng ilang buwan.
Dahil sa narinig nila tungkol sa satellite phone. Sunod-sunod na'ng mga tanong ng mga bata. Mukhang may balak bumili.
Ginagawa pa rin ni Penny ang pagtaas baba ng phone nito. May oras pa na niyugyog niya ito. May oras din na ngingiti siya pero sisimangot naman agad.
Inilabas ko ang phone ko na ilang araw ko na din 'di nalalabas. Ay di pala… buwan na. At siguro kulang na lang sumigaw ako… may nasagap na mahinang signal. Agad naman ito nawala at nang sinubukan ko ulit wala na. Ginaya ko na'ng ginagawa ni Penny pero wala na. Ano 'yun?
———
"Wuaaah! Nahila ako ng hunter! Barilin mo Iyah!"sigaw ko.
"Tang juice melon! Ingay mo! Ayan na! Ayan na!" halatang inis pero nakangiti, ay ewan. "Ayan! Dedo na!"
Dahil sa kabagutan napagtripan namin maglaro. Timing naman may nakita kaming kwarto sa unang palapag na may arcade game. Akalain mo left for dead 2 lang ang laro. Ayaw sana namin pero wala na eh… 'di na kami magpapa choosy.