LILY's P.O.V
Anneyong haseyo! Maganda ang gising ko dahil maganda ang tulog ko. 'Di ko rin napaginipan kagabi ang mga letseng undeads na yun. Em so happy!
Tulog pa rin si Elsa, 'di ko na lang gigisingin. Magigising rin naman ito mamaya. Si Dawn? Aba? Nagising ng maaga o 'di natulog? Bahala nga siya sa buhay niya.
Nasa kusina si Iyah, nagluluto kung anuman 'yun. Tiyak naman na gulay iyon,ano pa ba? Yun lang ang nandito. Mabuti na lang at naisipan nilang magtanim ng mga prutas na madaling buhayin at di gaano mataas ang punuan nito.
Nasa sala si Penny. May kung ano naman ang tina-type. Kung siguro di nangyari ang zombie era, iisipin kong madami itong ka textmate. Walang ingay ko 'tong nilapitan at…
"Aba!" nagulat ito at halos matapon ang phone nito. "May diary app ka pala ha" tawang-tawa kong ani.
Di naman ako nito pinansin at inirapan na lang ako. Pumasok na ito sa kaniyang kwarto. Baklitang 'to. Tss… ma tsismis nga 'to kay Dawn. Teka nasaan ba yun?
Sumilip ako sa kusina para tingnan kung nandoon siya, si Iyah at Elsa lang ang nandoon. Lumabas na ako baka nasa RV na naman at di nga ako nagkamali. Nilapitan ko ito pero di pa naman ako nakakalapit ay biglang umangat pataas ang RV! Like parang akong nganga na nakatingin sa taas with matching paturo pa. Ilang saglit ay hinay-hinay bumababa ang platform.
Lumabas ito na abot langit ang ngiti. "Alam ko na!"
———
DAWN's P.O.V
Pinakita ko sa kanila kung paano kami makakalabas. Di naman kasi habang buhay na kami dito sa underground.
May pinindot akong button sa gilid ng break. Inangat ko ang hand break at dahan-dahan na kaming tumatataas. Paglabas namin ay ang isang magandang hardin ang bumungad. Di na rin kami nagtagal sa taas at baka rumoronda na naman sila. Bahagya ko binaba ang hand break at dahan-dahan.na kaming bumababa.
Nasabi ko na rin sa kanila ang natuklasan ko ko kaninang madaling araw. Bakas sa mukha nila ang tuwa. Lalo na si Elsa nang sabihin kong buhay pa ang kaniyang ate.
Sa monitoring room na ako kumain, nagbabakasakaling makita sila muli. Ilang saglit lang at di nga ako nagkamali! Nasa public playground ng park ngayon ang van nila. Agad ko ito ipinaalam sa kanila. Madali naman kami naghanda ng kakailanganin namin. Baka kasi umalis na sila agad.
Nagdesisyon kaming maiiwan ang mga bata at si Lily, kaming tatlo lang ang lalabas. Mahirap na lalong umaaligid naman ang looters at ang misteryosong puting van. Si Iyah na ang nagpresentang magmaneho.
Nang nasa itaas na kami ay agad bumwelo ng takbo si Iyah. Sa di maipaliwanag na dahilan ay bigla akong kinabahan. Pero sa tingin ko naman ay di na ito bago. Naramdaman ko din ito dati at wala namang di maganda ang nangyari.
Malapit na kami sa playground at wala na ang blue van. Huminto kami ng nga sampung metro mula dito. Saan na sila? Nandito lang yung van kanina. Di kaya…
"Hala! Baka umalis na sila."
May mga ilang zombies sa paligid pero tila di kami nito napansin. Mga bingi ata o sadyang banayad lang ang takbo namin kanina. Para di pa makakuha ng atensyon ay pumarada na kami. Ang M16 ko ay binigay ko kay Penny. Baka kasi magulat ako nila at maputok ko pa. Tanging ang samurai ko lang ang sandata ko kung sakaling sugurin kami.
Nilibot ng mata ko ang buong paligid at naglakad-lakad din kami. Kinalabit naman ako ni Penny sabay turo sa gitna ng playground ata. Nandoon yung van! Pero ano'ng ginagawa nun doon? Parang may hinihintay.
Mabilis pero walang ingay namin ito tinungo. Nang silipin ko ang loob ay wala akong makita, may kurtina daw ang mga salamin at nakalock pa daw sa loob ani ni Iyah. Mukhang wala namang tao sa loob. Nasaan kaya sila. Luminga-linga ako sa paligid pero walang bakas nila sa paligid. Inilabas ko ang samurai mula sa likod ko. Mukhang may di magandang nangyayari o mangyayari pa lang. Bago ko buksan ay pina alisto ko na ang dalawa. Kung sakaling may undead man sa loob at agad ako nitong dambahan ay mapapatay agad nila ito.
Mahigpit ko hinawakan ang samurai at bumilang ng tatlo bago buksan. Nang buksan ko ito… nakita ko na ang sarili ko salagpak sa lupa at may isang undead sa harapan ko. Nasaksak ko ito sa ulo. Buong lakas ko ito sinipa palayo sa akin.
Mga damit at isang di kilalang katawan ang nakita namin sa loob. Halos masuka na si Penny sa nakita niya at ako din.
Nakakapagtaka. Pero alam kong sila ang nakita ko kaninang madaling araw at sinigurado ko pa kaninang umaga. Nasaan na sila? Baka umalis pero bakit iniwan ang sasakyan nila dito? O sa kanila ba ito? Isa ba itong patibong? Kung isa itong patibong, bakit?
Nakakadismaya! Akala ko nakita ko na sila. Akala ko makakasama na namin sila. Pero hindi! Madidismaya ko na naman si Elsa.
Sa may paanan ng bangkay ay may napansin akong papel. May mantsa na ito ng dugo.
Nakatupi ito at nang buksan ko…'Wrong move, Iyah'
Anong ibig sabihin nito?
"Dawn bumalik na tayo! Tumawag si Kalix!" sabay pakita sa radyo nito para di na ako magtanong kung paani niya nalaman. May radyo pala kami. "May nakapasok daw!"
Nakapasok?! Sino?! Paano?! Saan?!
"Ano ba tayo na!" sigaw ni Iyah.
Malapit na kami sa RV nang… ramdam na ramdam ko ang lamig ng lupa. Umuulan na pala.
Sumabog ang inakala naming sasakyan ni Mitch. Di malinaw pero nakita ko silang dalawa sa unahan, mga walang malay. Gusto kong mang tumayo ay di ko magawa. May kung anong mabigat na bagay ang nasa likuran ko.
Dapat nandito na ang mga undeads na nasa paligid. Malakas ang pagkasabog at imposibleng di narinig nila.
"Iyah… Penny…"
Ilang sandali ay unti-unting binalot ng kadiliman ang buong paligid. Wala na rin akong maramdaman. 'Eto na ba ang katapusan ng lahat? Ng inaasahan naming laro? Kung laro nga ito, talo na kami.