Part III

87 5 0
                                    

Si Lily ang nakatokang magmaneho ngayon. Sa totoo kinakabahan ako kahit alam ko namang marunong siyang magmaneho. Hay ewan! Nagiging paranoid na ako!

"Peste talaga ang bakulaw na 'yun! Eeeew! Ang lagkiiit! at…" sabay amoy sa sarili ni Penny. "…ang baho ko pa! Sana makahanap tayo ng bahay. Gusto ko na maligo eh."

Kung pwede lang sana, kaso ang hirap mag-stay sa isang lugar sa panahong ngayon. Baka manakaw pa ng mga letseng looters ang RV namin. Di ko talaga makakaya 'pag nanakaw ito! Makakapatay ako ng maraming zombies. Promise!

"Sana ginising niyo ako kanina" ani ko. "Para may katulong kayo ."

Gusto ko magtampo sa kanila ni Penny. Sana ginising nila ako, sana di sila nahirapan. Ayaw man nilang sabihin pero halata. Paubos na kasi ang mga bala namin. Di na namin alam kung saan pwede kumuha. Sana makita na namin ang underground bunker ni Papa.

"Kayo…" tawag ko sa mga bata. "… bakit di niyo ako ginising?"

Imbes na sumagot agad, nagtinginan lang sila. Bingigyan ko sila oh-ano?-may-sasagot-ba-sa-inyo? look.

"Pasensya na po ate" tanging sagot ni Elsa.

Tss… gandang sagot. Sa labas ng RV puro abandonadong kotse ang nakikita ko. Okay na 'to kaysa sa mga mukha ng zombies na nakaka high blood!

"Mabuti na lang at may nakuha tayong mga pagkain bago pa dumating ang ibang undeads" ani ni Lily.

Katahimikan. Walang tumugon  sa sinambit ni Lily, kahit ang mga bata. Si Iyah busy sa pag-lilinis at pag-aayos ng mga ammunitions. Si Penny, nagpapahinga siguro. Ang mga bata naman ayon nakalumbaba sa mesa.

Naawa talaga ako sa bata. Kung may ligtas na lugar lang sana na kaming makita, kahit papaano magiging maayos ang aming mga buhay.

Dumidilim na sa labas at kailangan na namin makahanap ng mataguan na si matatagpuan ng mga gagong looters.

"Sana may mahanap tayo dahil kung wala, sana wala tayong masagupa sa daan."

Tama si Lily, di man gaano namin makikita ang mga gagong looters. Alam namin nasa paligid lang din sila tulad ng mga pesteng undeads.

Actually, lahat ng nabubuhay sa panahon ngayon ay maaring tawaging looters. Lahat ng nabubuhay na di undeads siyempre, mga magnanakaw. Kinukuha ang di sa kanila para mabuhay. Pero di kami tulad ng mga looters na tinatawag namin. Bukod sa pumapatay sila ng mga zombies tulad namin, pinapatay din nila ang mga buhay na sasalungat sa kanilang mga desisyon. Kahit kasamahan nila.

Parang silang mga thugs, or gangs… parang gano'n. May leader nga sila, kaso nakalimutan ko ang pangalan eh. Ang natatandaan ko lang… ang ginagamit niyang pangalan ay di niya talagang totoong pangalan. Ang bantot kasing pakinggan ang totoo niyang pangalan.

Kung maka share ako parang naging miyembro na ako nila. Pero sa totoo… hindi talaga ako naging miyembro nila. May nakilala lang kami nung muntikan na kaming mamatay sa kamay nila. Mga 3 weeks pa ang nagdaan nun. Mga wala pa kaming alam maaril nun 'no! Kompleto pa kasi kami nun sa gamit kaya napag tripan nila kami. Sa t'wing inaalala ko yun parang akong maiiyak. First near to death experience namim nun dude! Akala ko mamatay na kami nun. Pero hindi, may tumulong sa amin. Gusto ko siyang pasalamatan, sa susunod na magkikita kami. Ewan ba pero feel ko lang ha magkikita ulit kami. Pero sana wag sa ganoong sitwasyon, sana sa iba. Malay niyo siya na ang ---

"Aray ha" reklamo ko. Bigla na lang nag break si Lily. Aish! Di talaga 'to nag-iingat sa pagmamaneho!

Pakiramdam ko tuloy nagka bukol ako. Aray, humanda talaga 'to sa akin mamaya.

"Oh? Ba't ka biglang nag break ha?" tanong ni Iyah.

May tinuturo ito sa side mirror at nagbigay ng sign na tumahimik kami. Pinalapit nito si Iyah at… biglang pinahina ang takbo at umupo si Iyah sa drivers' seat. Ano ba ang nangyayari?

"Mag seat belt kayo" ani ni Lily.

Pinalapit nito ang mga bata at nakaupo kami ngayong lima sa mini dining area kuno. May dalawang medyo tama-tamang laking couch at ang nakakatuwa may seat belt for 6 people.

Sinunod namin ang sinabi nito at umupo na ito sa passengers' seat. Nag seat belt na din ito.

Wala kaming ka alam-alam sa kung anong nangyayari pero alam kong may di magandang mangyayari.

*bogsh!

May bumangga sa likuran bahagi ng RV! Agad pinaharurot ni Iyah ang RV.! Looters na naman ba ito? Ano ba naman ang kailangan nila sa amin? Ang RV? No way! Over my dead gorgeous body!

Bakas sa mga mukha ng mga bata ang pagtataka. Pero alam nila na di ito ang tamang oras para magtanong.
Wala sawang habulan! Kailan ba 'to.matatapos?! Kung makikilala ko lang kung sino ang master mind sa pagkalat ng virus. Wala dalawang pag-iisip ko siyang papatayin. Uubusin ko talaga ang dalawang magazine ng 45 pistol sa kaniya!

"Ate… tawag ni Chris. Parang maiiyak na ito sa kaba.

Tiningnan ko din sina Kalix at Elsa. Gayon din ang mga tingin nila. Mas lumalaglab ang galit ko kung sino man ang pesteng bwisit nagpakalat ng ganong virus! Marami siyang sinayang at sinirang buhay.

Hinwakan ko ang mga kamay nila. Susubukan kong pakalmahin sila.

"Mahahanap din natin ang underground bunker ni Papa, okay? Pangako iyan" sabay taas ng kanang kamay ko.

"Alam ko ate, alam po namin."

Mga matatapang na bata. Mabuti na lang dahil walang muwang sa panahon ngayon ang mga mahihina. Ang mahina, talo.

Mabilis pa rin ang takbo ni Iyah, sinusundan pa rin nila kami. Tsk!

Tumayo ako para tingnan sila sa likuran. Wala namang tumutol kaya dumiretso na ako. Hinawi ko ang kurtina at… wala na sila. Sa di kalayuan naanigan ko ang kulay puti nilang van, tumigil ito. Bakit?

Teka, kulay puti? Wala namang silang kulay puti na van. Halos lahat kulay itim o kulay abo. Pero puti? Wala. Sigurado ako, ayaw daw ng master nila sa kulay puti. Ano 'yun? Na realize niya na di namang masamang kulay ang puti? Ay ewan!

"Oh? Ano pa ang tinitingnan mo diyan? Di na sila naka buntot" si Iyah.

Sino ang nagmamaneho?

"Sino ang nagmamaneho?" tanong ko habang nasa labas pa rin ang tingin.

"Si Penny. Siya naman 'di ba ang naka toka ngayon."

Oo nga pala. Akala ko kasi oras ko na ngayon. Bukas pa pala ng umaga.

"Tulog na ang mga bata?"

"Ayaw daw nilang matulog. Sige babalik na ako 'dun. Sumunod ka lang."

Medyo mahina na ang takbo. Wala sigurong na de-detect na zombies ang radar. Di ko mapigilan di ngumiti. Sa totoo lang wala pa kami nakakalaban na marami, siguro maliban lang nung na flat ang gulong. Pagkatapos nun wala ng sumunod. 'Pag may na de-detect na maraming zombies ang radar sa pupuntahan namin. Agad kami humahanap ng ibang daan. Dahil utos ko.

Malakas pa din naman ang mga gagong undeads na iyon, kaya pa rin nilang patumbahin ang RV namin. Ang labas ba ay takot at mahina ako? Hindi. Ayaw ko lang mapasubo kami sa isang sitwasyon na di namin kontrolado. Ayaw kong may mawala sa amin.

Bumalik na ako. Nakalumbaba na sa mesa ang dalawang batang lalake, habang si Elsa nakikinig ng music. Gayon din si Lily na naka pikit na ang mata. Ang gising na lang ay si Penny, si Iyah, Elsa at ako. Umupo ako sa tabi ni Lily.

"Ate…" tawag ni Elsa.

Binigyan ko siya ng ano-yun? look. Umiling lang ito, pero halata naman sa mga mata nito na meron.

Makikita din natin sila. Tiwala lang.

Left for DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon