XVI. Hospital

29 3 5
                                    

[ Daryll ]

"Yep, ako yung kapatid ni Austin Kim." Lumapit ako sa doktor at nalaman ko na nagblack out daw 'tong kumag na 'to sa coffeeshop. Kasi sabi ng wag ng pupunta don eh. Makikita at makikita nya lang yung kapatid ni Harlene.


Oo, sya yung dahilan kung bakit nagkahiwalay si kuya at harlene. Siya yung walang awa na sapilitan silang pinaghiwalay. Akala niyo wala akong alam? Ako pa ba? Eh si Daryll ata 'to.


"He is now fine. Maya maya lang magigising na siya." Saka na tumalikod yung doctor at nag-bow ako. Wala eh, mabait na bata ako eh. Pero kidding aside, si kuya, kasi, gwapo. Ako? SOBRANG GWAPO. Eto totoo na 'to naglolokohan na lang tayo eh. 


Sabi kanina ng doctor, kaya siya nagblackout kasi may posibility na baka mabalik na memories nya this time. And I hope so. Kasi, para kahit papaano mabigyan ng hustisya si Harlene. Nakahit nasa pangalawang buhay na siya, may peace na siya. Malay niyo nas paligid lang pala siya. Kahit ako natatakot eh.


Dumungaw ako sa pinto ni kuya, still, logtu parin ang pangit. 


Pag-ikot ko, isang malutong na sampal ang nakuha ok. Tinignan ko kung sino, Steff.


"Sabi kasi sa iyo ng mama nyo alagaan mo siya." Bakas sa mukha nya na nag-aalala siya.  Ako ba may kasalanan kung bakit siya nandito sa mamahaling ospital na to? 


"Do you think it's my fault? Don't you know I also have duties and responsibilities in our office?" Tinanong ko siya ng may sarcasm.


Wala naman na akong nararamdaman eh.  Hanggang salita lang naman ako eh. Never ko pang nasabi sa kaniya yan. Bakit? Kasi hindi ganon kabilis mag-move on. Example, sabihin na nating wala ka ng feelings, pero ano? May memories na naiwan sa isipan mo na bat babalikan mo 'tong certain thing na 'to maalala mo siya. KAYA NEVER NAGING MADALI ANG MAG MOVE ON.


Natahimik siya. Hindi ko na alam dahil sobrang awkward na ng atmosphere. Doc, nurses dumaan kayo dito, alisin nyo 'tong awkwardness between the two of us.


"Ano, kamusta siya?" Tumingin siya sa akin, nag-aalala. Hindi niya kaya naisip na nung nakaraan lang e dinalaw ko siya at nakita ko na may lalaki!? Anoba akala niya sa akin!? Siguro nga kilala niya na lang ako bilang kapatid ng PRESENT boyfriend niya. na tila bang wala ng namagitan sa amin noon.


"I do own a precious name. And it's Daryll. So please, stop calling me 'ano'. He's fine. Stop panicking." Tatapikin ko sana sya sa ulo, hindi na nga pala kami. Iba na ang nagmamay-ari sa kaniya.


"I don't care if you have a precious name. Ang kailangan ko lang malaman eh kung okay lang ang kuya mo." Tinignan niya ako. Walang feelings. Walang spark. Wala. WALA.


Aasa pa ba? Wag na, wala din namang mangyayari eh.


"Do you think I also care for your feelings? I care for my brother's health, but for your feelings towards him? I don't." nagwalk out ako. Naiiyak na ako. Sana ako na lang Steff. Sana.


Totoo nga yung sinabi nila, Loving someone who doesn't love you is like waiting a ship in an airport.



Mag-aantay talaga ako ng kahit ano, para mahalin nya lang ako. Kaso awat na diba? Katangahan na kasi 'to eh. Hindi na pagmamahal.


For the nth time, I looked back.  Akala ko hahabulin nya ako, titignan nya sa malayo, kaso umasa ako. Putang inang pag-ibig 'to. Ang lakas ng impact sa akin. Akala ko ba matalino ako? Ba't di ko parin maisip na mag-move on kay Steff hanggang ngayon kahit alam ko na wala na akong inaantay.


Chin up. Wala ng Steff na nagmamahal sa'yo.


Isang sulyap na lang please?  Hindi pwede. Hindi. Iwasan mo na. Isang isa na lang naman eh. Sige, isa lang ah. Isang  isa na lang ah. Ayoko na kasi eh. Mata, di ka ba nasasaktan? Ako kasi, bilang puso, durog na durog na, daig pa yung crushed ice na inilalagay sa mga palamig.


Ba't ngayon ka pa tumingin sa akin. Kung kelan handa na akong kalimutan ka. Nak ng pitongput puting tupa naman.


Move on? move On. Pangatawanan na 'to. Tinignan lang ulit, di na papangatawanan? 

~~

"Eat this. Just trust Him and Kuya will wake up." binigyan ko siya ng pagkain. Malamang eat this nga eh. HAHAHAHAHAH. ok. ok. ako lang natawa. Punyeta tumawa din kayo ah. Itetext ko sana kayo eh, naubusan lang ako ng load.


"Thanks, but no thanks. i'm full. Di ko kayang makita kuya mo na nakahiga pa rin hanggang ngayon sa kamang yan." She really loves my dear brother. ako kaya?  Isa pa Daryll. May mananapak na sayo.


"Yes he's lying in the bed because the bed is used for lying not for eating. Common sense please?" Tinignan nya lang ako ng masama. "Sige na, eat this. Bantay ka nga ng bantay kay kuya, magkakasakit ka din. Baka gusto ko na ding maghiga don sa kama don?" Nginitian niya ako at kinuha yung pagkain na dala ko. That's my girl. The girl whom I used to love secretly


Medyo nakaramdam na din ako ng antok dahil past 9 na at hindi padin gumigising si kuya. Sabi ni Doc black out lang. Linoloko ata ako ng doctor eh. Pati ba naman doctor manloloko na? Trust no one. HAY


"You're sleepy." Tinignan ko siya, habang kinakain yung manok na kala mo bata sa sobrang dungis. "No." Saka ako tumayo, "I'll see the doctor. Text me kung sakali na magising si kuya." hinawakan niya ako, pinigilan niya ako. wag ng umasa na may feelings pa kaya ka pinigilan. wag kang tanga. hayup ka.


"Please, stop loving me. We're over. The relationship between us is now over. Please, move on."


Please, move on.


I can't. "Oh, I thought you know? Wala na akong feelings sayo. Nakamove on na nga ako eh."


"Thank you."


Nakamove on na sana ako kung...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Three ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon