XV. Diary Entry

18 3 1
                                    

[Austin's POV]

"Gusto mo kantahan kita?" Tanong ko kay Harlene habang nakahilig yung ulo niya sa balikat ko. Pinapanood namin yung paglubog ng araw. sabi kasi ng nanay ko, yun daw ang pinakasweet sa lahat.

"Huwag na, baka umulan" saka siya humarap sa akin at pumikit.

Alam ko na hinihiling netong babaeng to. Her wish is my command. Hinalikan ko iyong noo niya saka tumayo.

Inalalayan ko siya sa pagtayo at sinigurado ko na hinding hindi siya babagsak. Yun naman ang gawain ng lalaki e, ang ingatan ang babae at hindi para saktan sila.

(A/n: hugot pa author-nim. Okay lg yan)

"Hindi ako madadapa. Masyadong over protective." Saka ko siya inakbayan at kitang kita sa mukha nya ang pagkadismaya. Sarap talaga niyang pikunin.

"Ikaw pa, lagi ka ngang nadadapa eh. Kaya huwag ka ng kumontra pa. Gawain ng mga lalaki yun."

"Bakit hindi lahat ng lalaki ginagawa yun?"

"Kasi hindi pare-pareho ang Lalaki."

"Paano ka nakakasiguro?"

"Isa lang, dahil hindi ako tulad nila na manloloko. At hindi ko hinahayaan na maloko ang taong mahal ko"

Matapos kong sabihin yun, niyakap niya ako ng mahigpit.

*******

Nabasa ko yung diary entry ko sa araw na iyon. June 2,20xx. Bakit ganun? Di pa din mabuo sa isip ko yung mga nangyayari.

Nakalagay sa entry ko.

I can't last a day without Harlene. Siguro sya na talaga.

Siya na nga ba talaga? Kung ganun, bakit wala siya sa tabi ko.

Tumayo ako sa table ko at lumabas ng office. Pumunta ako sa pinakamalapit na coffee shop sa building namin.

Nag-order ako ng Cappucino at Blueberry Cheesecake. Habang inaantay ko yung inorder ko, umupo muna ako sa upuan na malapit sa pinto at makikita ang kotseng nagdadaan.

Binuklat ko ulit yung diary ko.

Ay, mali. Diary namin.

Diary ni Dyosa
Date:**.06.03
Ayan, late ako nakapagsulat. Dapat para kahapon to eh. Pero ano? Yung ibang panget kasi diyan eh. Hindi binigay sa akin. Hmpf, kung hindi ko lang talaga mahal yung Lalaking yun eh.

Ang saya sa feeling. Kasi alam mo, may lalaking laging nasa tabi mo kung kailangan ka niya. Kahit na napakakulit mo, lagi siyang naka-support

Dear Dyosa, oo. Dyosa. Ako kasi nagsulat eh, loljk. Gusto ko lang na sabihin mo sa kaniya na mahal na mahal ko siya kahit anong mangyari.

Napaka--

Naantala yung pagbasa ko ng may padabog na kape at cheesecake sa harap ko ang bumulaga.

Napatingin ako sa waiter at akmang sisigaw na ng marealize ko kung sino siya. Kung sino siya sa buhay ko. Kung ano siya na kailangan na kailangan ko. Iba yung prescence niya. At sigurado ako na siya yun.

"Austin, naaalala mo pa ba ako?" Saka ko siya tinignan, mata sa mata.

"Maybe." Saka ako tumayo na lang, leaving her behind.

Leaving her two steps behind.


Wait.. Leaving Her Two Steps Behind ?

Parang alam ko yun..

"Sanay naman na ako eh, Left alone. Sino nga naman ba ako diba?"

Lumingon ako pabalik, wala yung babae na nagabot ng cheesecake sa akin. Agad akong tumakbo sa may cashier, "Miss, may I ask? Sino yung babae na--"

Then everything became black.

*************************

Habol muna. Naasar na ako sa powerpoint eh. Me.. back lols

Three ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon