"Mr. Austin?"
Nagising na lamang ako dahil may tumawag sa aking pangalan. Pagtingin ko sa pinto, si Secretary Steff lang pala.
"Anong kailangan mo?"
"Sir may naghahanap po kasi sa inyo sa lobby ng company. Hindi ko na po itinawag kasi baka kayo po ay may inaayos."
Sino naman kaya iyon? Masyado akong busy. Ang daming nagoo-audition ngayon.
Sinuot ko na ang aking coat at tumungo sa lobby. Bawat madadaan ko ay nagbibigay galang. Oh well, mahirap din ang ganito.
Pagbaba ko sa lobby, mahaba ang pila at nakalimutan ata ni Miss Xerves na sabihin kung anong hitsura ng naghahanap sa akin. Mahirap atang malaman kung sino.
At dahil madaming tao, asahan na nating masikip kahit nakapila sila. Hindi ako makahinga.
Kaya tumalikod ako at gulat ko ng may babae sa likod ko. Medyo may katangkaran sya.
"Ikaw po ba si Austin Kim? Yung CEO ng AK Ent. ?"
Hindi kaya magoo-audition to?
"Ako nga. May kailangan ka?"
Walang sabi-sabi ay hinila nya ako palabas ng company at sinakay sa kotse niya. nauntog pa nga ako eh.
BINABASA MO ANG
Three Chances
Teen FictionShe's my Everything. My World. My Girl. My life. Until the day comes, hindi ko na sya matandaan. Hindi ko na siya makilala. Darating pa ba sya? Masasagot ba lahat ng tanong ko tungkol sa buhay ko?