XII.Behind

43 7 4
                                    

[Harlene's POV]

Kanina pa ako nakatitig sa lalaking ito, titig na titig din naman siya sa ulan. Minsan naisip ko din eh, ganun ba talaga ka-attractive ang ulan para sa mga taong nagmamahal? O sadyang, pinagmumukhang tanga lang talaga ng ulan ang mga taong nakapaligid sa kaniya?

"Potatohead. Masyadong nagmamadali, ayan, iwan ka muna dito." napatingin ako kay Dennis, Kaya naman pala. May lalaking atat na atat ng umakyat. May pinaghuhugutan ba itong si Coffee Man at kung umakto eh akala mo siya yung sundo.

"Scumbag." napabulong na lang ako. Ewan ko ba, pikon na pikon ako kay Coffee Man.

"May binubulong ka ba?" bigla siyang humarap sa akin. Uh-oh. This means war. Ayoko makaaaway ang patong ito. Ayoko.

"Wala-- naman." naiinis na talaga ako. Ang yabang na niya. O sadyang pinagmumukha ko lang na mayabang siya para sa akin. Ang labo mo Harlene. Napakalabo mong babae ka.

"Aakyat lang ako saglit." nasaktan ako nung tinulak niya ako pagilid. Bakit ganun? Feeling ko lagi na lang ako naiiwan sa likod? Feeling ko din, lagi na lang akong binabaliwala.

"Ingat ka." saka ako tumalikod ng umiiyak. Nasasaktan ako. Bakit? Kasi mahal ko na siya? Di ba masama yun?

Nakaramdam na lang ako ng malamig na hangin. Wala na siya. Wala nanaman akong kasama rito. Naiwan nanaman akong mag-isa. 

Humarap ako, pero bisig ng lalaki ang sumalubong sa akin.

"I will never let you fall in the ground." saka na siya tuluyang umalis. Masasabi ko lang, kinilig ako. Sana totoo yung pato na iyon sa sinabi niya. Ayoko ng umasa.

*******************************************************************************************************

[Daryll's POV]

"Yes, Daryll, you'll be marrying Jannah."

"Kung kayo, kayo. Kung hindi, edi hindi." maganda na sana yung sinabi ni ate eh, dinugtungan pa nun.

"Wala ka bang alam na sabihin ate kundi yun?" Kanina pa ako tintignan nung babaeng gusto ipakasal ni papa sa akin. So does kuya. Si kuya naman he's so untouchable. Hindi niya nga alam na ikakasal na pala siya eh. Bakit ganun, parang mas gusto pa ng tatay namin na wala na lang siyang malaman?

Ako yung nasasaktan para sa kuya ko. Kaya ko naman siyang tulungan eh. Kaya kong tumulong na sabihin sa kaniya yung past niya. Kung hindi lang ako hinahadlangan.

Wala akong magagawa. Kasi pag sinuway ko iyon, mas masama pa mangyayari sa akin. Hindi naman sa pagsasarili, syempre, tao din ako na gusto pang mabuhay. Gusto pang magmahal.

Napatingin ako sa gawi ni kuya, kanina pa siya nakatulala sa isang tabi, bakit kaya? Lagi na lang siyang nalalagay sa likod. Sabihin ko kaya?

Three ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon