[ Harlene's POV ]
"Hinahanap ka niya Harlene" sabi ni Coffee Man sa akin.
"Alam ko, which is hindi maganda." pagtingin ko sa kanya, may hawak na siyang isang basong wine.
"Yah! Coffe Man, Paano mo nagawa yan?" tanong ko sa kanya
"Kung may pasisikap ka, magagawa mo iyan" sabi niya saka niya binalik sa waiter yung wine glass.
"Harlene, ayun si Steff. Siya yung sinasabi ko sayo noon, yung matagal nang may gusto kay Austin." dagdag pa niya.
Lumapit ako sa kanya. Sinuri ko sya simula ulo hanang paa.
Walang duda,Maganda siya. Maputi. Makinis ang balat. Mapula ang labi. Mapupungay ang mata.
Pagtingin ko sa kamay niya, may singsing siya.
Dahil nandoon ako, maririnig ko yung usapan.
"Ikakasal na ba kayo ni Austin?" tanong nung babaeng kaharap niya. Ngumiti naman si Steff at sumagot, "Oo, sge bye" at kinindatan niya payung babae.
T-t-t-eka, si Austin? Ikakasal ?
Napaupo na lan ako sa narinig ko.
"Tumayo ka nga diyan. Walang makakakita sayo. Ako lang.Lika na, dali." biglang sumulpot nanaman si Coffee Man sa tabi ko. "Sundan mo na siya. Bumaba siya ng hotel" dagdag pa niya.
Nakita ko siyang tumatawid kaya sinundan kosiya. Ayun, tumingin siya sa likod kaya nagtago ako.
Ang tanga ko... di na nga pala niya ako makikita.
Kaya sinundan ko na lang siya at nakita ko siyang pumasok sa isang Coffee Shop.
Nakita ko siyang may hinahanap kaya umatras muna ako. Humahanap lang pala siya ng mesa. May dala pala siyang sketch pad at lapis.
Biglang lumapit yung waiter at tinanong sa kanya kung anong order niya.
Sumigaw ako ng, "Americano!"
"Mr. A. I'll call you Mr. A because A in the alphabet includes the things I like. Apple, Art Exhibits and Ants. Also for me, so big, so high and shiny, your name, Austin." sinabi ko iyon haban nakatingin sa mga mata niya.
"Ahm, Green Tea na lang. Salamat." at umalis na yung waiter.
Nakatitig lang ako sa kanya, habang siya, tinatry niyang i-sketch yung couple sa gilid ng mesa niya. Nagulat ako ng pinunit nya at nilagay sa gilid . Pagtingin ko, puro bura yung mata.
Bakit kaya?
Nagulat kao ng tumakbo siya pa banyo. Susundan ko siya kaso naalala ko, cr pala ng lalaki iyon.
[ AUSTIN'S POV]
"Austin !" at may tumulak sa akin na babae.
Unti-unti akong dumilat at tumayo at bumagsak muli ako.
"May naalala ako kanina Daryll" sabi ko sa kapatid ko habang kumakain kami.
"Talaga kuya? alam na ba ni Doc?" sagot niya habang nginunguya yung steak.
"Hindi pa eh." sagot ko.
Sino yung babae na tumulak sa akin? Bakit niya ako tinulak? Bakit niya ako niligtas?
Napabuntong hinina na lang ako ng malalim.
--
Ryeowook Fact - If he was a girl, he would marry Donghae
BINABASA MO ANG
Three Chances
Teen FictionShe's my Everything. My World. My Girl. My life. Until the day comes, hindi ko na sya matandaan. Hindi ko na siya makilala. Darating pa ba sya? Masasagot ba lahat ng tanong ko tungkol sa buhay ko?