IX. 1st Chance

48 7 2
                                    

Binasa ko ulit kasi nawala ako sa plot bwahahaha XD Enjoy reading :)

--

[Austin's POV]

"Hello, Jordan?" nagulat ako ng tumawag sa akin si Jordan. Hindi  naman siya panigurado tatawag kung walang dahilan, Hindi siya yung tipo ng tao na manggugulo sa buhay ng may buhay.

"Pare, alam ko na. Kilala ko na si Harlene. Magkita tayo. Coffeeshop. 4pm"

Sinulat ko agad sa pot-it note yung sinabi ni Jordan. Hindi pwedeng makalimutan ko iyon. Ito na ang maaring maging daan para malam ko yung memory na hindi ko pa nahahanap muli.

Note: 4pm. Jordan. Coffeeshop.

Biglang may kumatok sa pinto ng office ko kaya napahinto ako sa pagtatype ng mga files na papaasikaso ko kay Steff.

"Kuya, sa tingin ko may problema ka." napatingin ako kay Daryll. Wow, nakakapanibago naman ata siya. Hindi niya gusto ang mag-trabaho sa kompaniya namin. Mas gugustuhin niyang kumanta sa mga bars,sumali sa mga singing contest. Ayaw niyang mabulok sa apat na sulok na air-conditioned room na ito.  Eto siya ngayon, naka formal attire. 

"Bakit naman Mr. Daryll?" Kunwai ay ginagalang ko siya at tinitingala. Madali siyang mapikon lalo na kapag nasa atensiyon mo ang mga bagay na ayaw niya, tulad nitong pag-aasikaso sa entertainment namin.

"Look. May mga nais na magtayo ng agency. So, ano, mauungusan tayo!" Napatingin na agad ako sa kaniya. Mukha ngang seryoso siya na gusto niya na ding patakbuhin ang kompaniya namin.

"Look here youngman. Wala akong dapat ikabahala, okay? Kaya kung ako sa iyo, umupo kana dun sa mesa mo. Ayusin mo lahat ng pinapayos ko sa iyo."

Napatingin na lang ako sa likod niya habang binubuksan niya yung pinto. Aba'y tadhana nga naman. Pagbukas niya ng pinto, sumulpot si Steff. Yun nga lang, wala na yung dating Daryll na ngingiti sa kaniya. Sabagay, ano pabang aasahan ko? Wala nga namang permanente sa mundong ito.

"Excuse me." Narininig ko na lang si Daryll na nag-excuse at hinawi si Steff pa-kaliwa.

Wala ng pain sa mata niya. Wala na sigurong pag-asa. Kahit sabihin ko pa na wag kang bumitaw.

"Sir, eto na po yung mga papel." inatong niya lahat yun saka ako tumingin sa mata niya. Makikitang may mga luha na nagsisimula ng mamuo sa gilid ng mata niya.

"Wala, napuwing lang ako Austin."

"Umiyak ka eh." saka ko siya yinakap ng napakahigpit. "Sorry na kasi, alam ko namang mali ako eh."

"Mahal ka nun." bigla ko na lang nasabi kay Steff ng harap harapan yung mga bagay na dapat si Daryll ang nagsasabi.

Bigla na lang siyang lumabas ng office ko. Wala naman akong nasabing masama diba? Ang sabi ko lang naman, mahal ka nun.

Three ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon