CHAPTER 1

294 30 2
                                    

(Unedited)

CHAPTER 1 : Kristallia Misfey

KRISTALLIA

"S-Senyorita. . ." tawag sa akin nang aming katulong. May dala-dala itong tray na may lamang pagkain. Kumunot ang noo ko at nilakihan ang pagbukas sa pintuan. Pinapasok ko siya.

"Where's my mom?" agad na tanong ko sa kaniya nang makita kong nailagay niya na ang tray sa ibabaw ng lamesa rito sa loob k'warto ko. Humarap ito sa akin, nakita ko ang paglunok nito.

"W-Wala po s-siya, senyorita," sagot nito. Tumango ako dahil sa sinabi nito at nginitian siya. Napaiwas ito ng tingin. Nagpaalam na itong lumabas. Nang makalabas ito ay dali-dali kong sinarado at ni-lock ang pinto.

Napaupo ako sa kama at tumitig sa lamesang may pagkain. Kailan ba kasi ako makakalabas sa bahay na ito? Simula bata palang, laging sa module ako nagsasagot. Minsan naman may tutor ako, kaso hindi sila tumatagal sa akin. I don't know why. May problema ba sa akin? Pati katulong namin dito sa bahay ay umiiwas sa akin. Wala naman akong matandaang may ginawa akong masama. May nakakahawa ba akong sakit? Like, covid?

Marunong naman akong magbasa, magsulat, at makapagsalita ng english at tagalog, kaya madali na akong turuan. Dahil minsan, kapag may free-time sina mom, tinuturuan nila akong magbasa at saka madalas na nasa aklatan ako sa loob ng bahay namin kapag wala akong ginagawa. Pero, bakit ganoon sila sa akin? Pabigat ba ako? Siguro nga may sakit ako at ang mga nakapaligid lang sa akin ang nakakaalam kung ano 'yon. Haha.

Bumuntong-hininga ako at lumapit sa lamesa, umupo ako sa upuan doon. Nagsimula na akong kumain. Nang naramdaman kong nabusog na ako ay uminom agad ako ng tubig at saka tumayo. Isa-isa kong nilagay ang pinagkainan ko sa tray at dahan-dahan itong binuhat. Lumabas ako sa aking k'warto.

"S-Senyorita! B-Bakit po kayo lumabas s-sa inyong k'warto?" Gulat na gulat na tanong nang aming katulong nang makita niya ako. Nginitian ko siya ng matamis.

"Ibababa ko kasi ang pinagkainan ko. Kumain na po ba kayo?" tanong ko sa kaniya. Napalunok ito. Napaatras pa ito, kinunotan ko siya ng noo dahil sa pagtataka. What her problem? Nilapag ko na sa lababo ang tray na bitbit ko.

"A-Ah. . . senyorita. A-Ano kasi, u-uh." Hindi niya alam ang sasabihin niya, lunok pa rin siya nang lunok. Natawa ako sa inasta niya. She's cute, but weird.

"Kristallia!" Napalingon ako sa likuran ko nang may narinig akong sumigaw sa pangalan ko. And I saw my father. He's wearing a business attire. Tumakbo ako palapit sa kaniya at mabilis na niyakap siya. I missed him. It's been a week, since I saw him.

"Dad, I miss you!"

"I missed you too, Kristallia. What are you doing here?" seryosong tanong nito sa akin at bumitaw sa pagkakayakap. Napanguso ako dahil sa tanong niya. Pinaliwanag ko sa kaniya kung bakit ako na sa kusina. Tumango naman ito. Hinila niya ako papuntang sala. Tumawag siya sa isang katulong namin at sinabing mag-dala ng juice. Nang makarating ang katulong namin na may dalang juice ay pinatong niya ito sa babasagin naming maliit na lamesa na pabilog na nasa-gitna nang apat na sofa.

"I have something to tell you, Kristallia," panimula ni dad. Tinanguhan ko ito at nginitian. "Gusto mo bang mag-aral?" tanong niya. Nawala ang ngiti ko sa labi at tinitigan siyang nagtataka.

"Yes, dad. Why?" I asked to him. Bumuntonghininga ito. "Pag-aaralin ka namin ng mom mo sa isang school," sagot niya. Natuwa ako dahil sa sinabi niya. Oh my beauty! This is real?

"Really?" masiglang tanong ko sa kaniya. Tumango ito, mabilis na niyakap ko siya bilang pasasalamat. "Thank you, dad. Thank you so much."

"Always, Kristallia."

The Phoenix Girl (ONGOING)Where stories live. Discover now