CHAPTER 20

62 10 0
                                    

(Unedited)

CHAPTER 20 : Number: First Battle

THIRD PERSON

"SO, LET'S BEGIN!"

Umingay ang paligid, ang ibang estudyante ay excited, pero ang iba naman ay hindi.

'The Ranking Viquos Battle,' is one of the marvelous battle game, some of students say that, dahil masusubukan nila ang kanilang lakas kahit na kaninong mag-aaral o kahit kanino man. They think, this battle were good for them. But some of them, don't know, what is the behind of those 'battle game'.

However, these kinds of battle are one of the favorite of the students, but, because of what happened last 2 years, they change their mind, and they began scared of this battle.

Tumahimik ang estudyante nang mayroong liwanag na ang paglabas ng numero rito.

"A-461," bulong ni Kristallia nang makita ang number na lumabas sa kamay niya kasabay nang liwanag. Nagtataka siya dahil hindi niya alam kung bakit may mga numerong lumabas do'n. Naialis niya ang tingin sa kaniyang kamay nang marinig niyang mayroong nagsimulang magsalita,

"Lahat ng nakita niyong numero na lumabas sa kamay niyo ay 'yan ang magiging 'code' number niyo. Although, kayo lang nakakakita niyan. Once na matawag ang number na 'yan, magpupula ang liwanag, saka niyo makikita ang sarili niyong nasaloob ng 'fighting stage', auto teleportation ang mangyayari," paliwanag ng nagsasalita sa unahan.

"Wala namang ganito rati, ah?" tanong ni Saina sa kasamahan, habang nakatingin sa number na lumabas sa kamay niya.

"A, B, C, mapapansin niyong may ganiyang letrang makikita sa tabing numero na lumabas sa kamay niyo. Ibig sabihin, bawat letrang 'yan, 'yan ang magiging group niyo. If hindi niyo pa ma-gets, lahat ng may 'A' sa number, sila ang magkaka-group, hindi sila p'wedeng maging kalaban mo, ganiyan din sa 'B, and C'. Kaya ang mangyayari, ang magiging kalaban ng 'A' ay ang 'B' at 'C', at ang magiging kalaban naman ng 'B' ay ang 'A' at 'C', at ang magiging kalaban naman ng 'C' ay 'A' at 'B', understand?" dagdag na paliwanag ulit ng babaeng nagsasalita sa unahan.

Napalunok si Kristallia at kinakabahang tinitigan si Saina at Haiza. Ayaw niyang kabahan, pero may posibildad na maging kalaban niya ang dalawa.

"Haiza, anong number mo?" masiglang tanong ni Saina sa kaibigan. Napalingon sa kaniya si Haiza bago siya bigyan ng isang ngisi. "Secret, I prefer not to spoil you," sagot ng dalaga. Napanguso si Saina bago magsalita ulit, "Number lang naman, hindi 'yong letra, e."

"Really? My number is start with 4. How about you, Saisai?" sagot ni Haiza. Napairap si Saina. "297," walang alinlangan niyang sagot bago tignan si Kristallia na tahimik na pinapakinggan silang dalawa.

"Sa 'yo, Kristallia? Anong numero ang sa 'yo?" diretsong tanong niya sa babae. Napalingon din si Haiza sa dalaga dahil pati siya ay na-curious. Napaawang ang bibig ni Kristallia dahil sa biglaang tanong sa kaniya, napakamot siya sa pisnge bago nahihiyang nagsalita, "4. . . uhm," naputol ang sasabihin niya.

"4?" tanong ni Haiza.

"A-Ano. . 4. . 461," nauutal niyang sagot. Napangiti si Haiza at inisip na baka ka-team niya si Kristallia, but on the other hand, she was nervous, she wanted to fight Kristallia, to know what Kristallia's capabilities, and how Kristallia can compete with her if they fight each other.

The Phoenix Girl (ONGOING)Where stories live. Discover now