CHAPTER 3

175 26 4
                                    

(Unedited)

CHAPTER 3 : Haila Quadrez the principal at Zilard Academy

KRISTALLIA

HABANG tumatakbo kami ni mom palabas sa building, madami akong nakakasalamuhang mga estudyanteng nagsisitakbuhan din, meroon akong nakikitang mga taong nakikipaglaban. Napansin ko ring madaming mga tao ang mga nakahandusay sa lupa habang sila'y duguan.

Hindi ko alam ang nangyayari, wala akong kaalam-alam. Ito ang unang pagkakataon na makakita ako ng ganitong pangyayari sa tanan ng buhay ko. Ito ba ang mundo sa labas? Dapat ba mas pinili ko na lang na hindi mag-aral at hindi lumabas sa bahay?

Pero, kapag hindi naman ako papasok sa isang paaralan, hindi ako magkakaroon ng kaibigan, hindi ko rin malalaman na mayroon palang pangyayari na nagaganap dito sa mundo.

Lots of questions that bother my mind, but I don't know how to answer them. This is also the first time I've seen so many people, pero bakit ngayon pa nangyari ang bagay na ito? Bakit, kung kailan ako mag-aaral dito?

Ganito ba palagi sa lugar na 'to? And what is Darksin? What are they? Why did they attack the school? Ito ba ang sinasabi ni dad sa akin na,

"...doon ka magiging ligtas." ?

Bumuntong-hininga ako.

"Faster, sweetheart! Kailangan na nating makalabas sa building na 'to!" sigaw ni mom habang tumatakbo kami. Napalingon ako sa kaniya, tinignan ko siya habang tumatakbo kami. Kitang-kita ko ang seryoso nitong mukha.

"M-Mom? What's happening?" tanong ko sa kaniya, kahit alam ko na naman ang sagot. Hindi siya sumagot sa tanong ko, bagkus mas binilisan pa niya ang pagtakbo. Pero, bumagal ang takbo namin nang may humarang sa amin, isang nilalang.

Nanlaki ang mata ko. "W-What creature is that?" gulat na tanong ko. Nilingon ako ni mom at binitawan ang kamay ko. "Diyan ka muna sa likuran ko, sweetheart. Don't leave, okay?" sabi ni mom sa akin, bago hinarap ang nilalang na humarang sa dinadaanan namin. Napatango ako dahil sa takot na nararamdaman ko. Lumayo ako ng kaunti kay mom at umupo sa maliit na batong nakaharang sa likuran ko.

Ang nilalang na humarang sa amin ay meroong isang sungay sa ulohan, isa lang rin ang mata nito, ang kulay ay itim, wala itong bibig. Ang dalawa nitong binti ay may matulis na bagay na nakalabas. Ang kulay nang balat niya ay kulay dark-violet.

Tumingin ako sa puwesto ni mom, buong tapang niya hinarap ang nilalang na humarang sa amin. Nakita kong inangat ni mom ang kamay niya at biglang may lumabas na espada roon. Hinawakan niya ito ng maigi at iwinasiwas sa hangin.

"Die!" sigaw ni mom sa nilalang. Tumakbo ito papalapit doon habang nakatutok ang patalim nang espada sa nilalang. Nang makalapit siya roon ay mabilis niya itong sinaksak.

Natumba 'yong nilalang, pero biglang may itim na usok ang lumabas sa katawan nang nilalang na animo'y ito'y sasabog. Sasabog? Napatayo ako sa pagkakaupo dahil sa napagtanto ko.

"Mom—!" Pero bago ko pa maisabi sa kaniya ang sasabihin ko ay isang malakas na pagsabog na ang nangyari. Naiharang ko ang braso ko sa tapat ng mata ko upang hindi ito matamaan. Napapikit ako.

Nakaramdam ako ng kaba.

"M-Mom!" Minulat ko ang mata ko. Kinabahan na ako. Wala akong narinig na sumagot kaya naman mas lalong nakaramdam ako ng kaba.

"M-Mom!"

Wala parin akong narinig na sumagot, naglakad na ako papalapit doon. Nang makalapit ako roon, nanlaki ang mata ko nang makita ang nilalang na nakahandusay sa lupa, hindi ko nakita si mom doon. Nilibot ko ang tingin. "Mom?" tawag ko ulit.

The Phoenix Girl (ONGOING)Where stories live. Discover now