CHAPTER 38

25 8 0
                                    

(UNEDITED)

CHAPTER 38 : Chance

THIRD PERSON

BINUKSAN NILA ang pintuan ng selda saka pinalitan ang posas na nakakabit sa magkabila niyang kamay. Nakausisa lamang ang mga taong nakakulong habang pinapanood ang ginagawa nila. Inunat ng dalaga ang magkabila niyang braso nang matapos na maposasan siya.

Naunang maglakad ang dalawang babae saka siya sumunod sa kanila. Mula naman sa kaniyang likuran ay mayroong dalawang kawal na nakasunod habang ang kanilang mga armas ay nakatutok sa kaniyang direksyon; naninigurado na hindi siya makakatakbo o makakatakas. Ilang minutong paglalakad ay tuluyan na nga silang nakalabas sa palasyo. Hindi na rin sumunod ang dalawang kawal na kanina ay nasa likuran niya lamang.

Nag-angat ng tingin ang dalaga upang salubungin ang hindi kaliwanag na panahon. Hinarang niya ang isa niyang kamay sa tapat ng kaniyang mata upang gawing panangga, ngunit nang masanay na siya, unti-unti niya na rin itong tinanggal upang matitigan nang maayos ang itaas. Sobrang gaan nang pakiramdam niya habang nakatitig sa ulap, para sa kaniya hindi magiging dahilan ang panahon ngayon upang magmukmok sa isang tabi dahil sa nangyayari ngayon sa kaniya.

She doesn't deserve this, but she's glad-slightly-that she's experiencing it, somehow. However, she promises herself that these moments will only last until now; she doesn't want to go through it again. 'No, thanks' na lang daw kung sakaling mararamdaman niyang mangyayari na naman muli ito.

Naibaba niya ang kaniyang ulo at binigyan ng tingin ang dalawang 'guard' nang tulakin nito ng marahan ang kaniyang balikat. "Maglakad na tayo. Mauna ka na." A small giggle escapes her mouth-Fiona, when she says that. There's nothing funny, but the girl continues to laugh as if there's something amusing in what she said, even though there really isn't.

"P'wede bang ako na lang ang maglibot mag-isa? I promise that I won't go too far or run. I just want to be alone and feel comfortable, even though my powers are sealed again," she said gently, but with a hint of uncertainty. Stacy shook her head as soon as she heard the request. A sigh escaped her lips upon hearing it, and she looked away.

"Hindi naman ako tatakas, gusto ko lang talagang maglakad na mag-isa. . You can use your powers to mark me, just in case I don't come back at exactly ten hours," she promised.

Hindi sumagot ang dalawa pero nagkatinginan sila. Nag-usap sila nang ilang saglit gamit ang kanilang mga isip. Ilang minuto silang nag-uusap kung kaya't napakamot sa ulohan ang dalagang naghihintay dahil sa inip.

"Just wait for me here; I'm going to inform our queen. Huwag kang gumawa nang katarantaduhan kung ayaw mong hindi masunod 'yang ninanais mo. Thank us because we are still kind to you, but when our queen doesn't need you anymore, you will taste our ruthlessness," Fiona said to her, and the smile completely vanished from her lips. Walang pasabing tumalikod ito, hindi sumama sa kaniya si Stacy dahil siya ang magbabantay sa dalaga.

Inayos ng dalaga ang kaniyang buhok at nagsimula na lamang tignan ang paligid upang magpatay-oras. Alam niya sa kaniyang sarili na kapag siya lamang ang mag-isang maglalakbay ay mapupuntahan niya ang gusto niyang puntahan na sakop lamang ng North. From her mere gaze, she couldn't traverse the North's end using her eyes alone. She knew it was vast, as there were many dwellings visible-seemingly mansions and houses resembling huts. Even though people's lives here were not equal, they were still all slaves alike.

Napansin din ng kaniyang mga mata na mula sa kaniyang kinaroroonan ay may mga taong sobrang elegante ng mga suot habang walang ni-anong kadenang nakakabit sa kanilang katawan. Bakit kaya? Simple lang, dahil mas nakakaangat ang mga ito kumpara sa ibang alipin na katulad din nila.

The Phoenix Girl (ONGOING)Where stories live. Discover now