CHAPTER 18

53 15 0
                                    

(Unedited)

CHAPTER 18 : History

KRISTALLIA

NAHIHIYA kong tinignan si Filierb nang makita ko ang masama niyang titig, na-late na naman kasi ako, nitong mga nakaraang araw ay lagi na akong nale-late sa training namin. Hindi ko naman alam kung ano 'yong ikinagagalit niya sa 'kin, e, nale-late lang naman ako ng ilang minuto o segundo.

"Huwag na lang kaya kitang turuan, Kristallia? Lagi ka namang late, mukha namang marunong ka na kaya nagagawa mo nang suwayin ang sinabi kong oras sa 'yo," umismid siya.

Napakamot ako sa pisnge at napayuko. "S-Sorry na t-talaga," paghingi ko ng paumanhin sa kaniya. Narinig kong nagmura siya bago siya walang pasabing tinalikuran ako.

Bumuntonghininga na lang ako at tinignan ang anino niyang papalayo. Nang mawala siya sa paningin ko ay dumiretso na lang ako sa dorm naming mga babae, nang makarating ako sa dorm ko ay pumasok na agad ako roon at mabilis na nagbihis.

Napatitig ako sa salamin nang makita ang sugat ko sa katawan, iniangat ko ang kamay ko at nakita ko roon ang puting benda. Napangiti ako nang maalala kung bakit nga ba ako laging nale-late kapag nagkakaroon kami ng training ni Filierb.

Power. Flying. Fire.

I lowered my hand that was raised in the air before I decided to comb my long bangs. Hinawi ko ito at napatitig ako sa sariling kong repleksiyon, dumako ang titig ko sa sarili kong mata.

Kinapa ko ang pisnge ko patungo sa mata ko. Fears. I can clearly see the fear in my eyes. Why is it? Why are my eyes scared? What are they afraid of?

Umalis na ako roon pagkatapos. Tumungo ako sa bag ko at dinala ko ito sa ibabaw ng kama. Binuksan ko ito at inilabas lahat ng laman. Nang makita ko ang hinahanap ko ay dali-dali ko itong kinuha at pinagmasdan.

Book.

Binuklat ko ang libro at binasa ang unang pahina.

"Kasaysayan ng nakaraan," panimula ko. Ang librong 'to ay ipinahiram lang sa 'kin ni Sir Timothy nang malaman niyang baguhan lang pala ako sa klase niya, sabi niya basahin ko raw ito para kahit papaano ay may alam ako sa 'history' ng Zilard.

Umalis ako sa kama habang bitbit-bitbit ang libro, tumungo ako sa study table ko at kinuha ko roon ang isang notebook at ballpen. Binuksan ko ang beranda at tumungo ako roon, umupo ako sa upuan bago ko ipatong sa lamesa ang mga dala ko, napatingin ako sa paligid nang mapansin kong gumagabi na pala.

Mabuti na lang at maliwanag dito sa p'westo ko dahil sa ilaw kung kaya't makikita ko pa ng maayos ang librong babasahin ko. Binuksan ko ulit ang libro saka ko kinuha ang isang ballpen at nagsimulang mag-notes sa notebook.

"Kasaysayan ng nakaraan," pagbabasa ko ulit at sinulat ko 'yon sa notebook. Huminga ako ng malalim bago ilipat sa kabilang pahina.

"Taong 1971 nang mabuo ang mundo ng Zilard. Si Zia Byenfien De Misgustiwa ang pinakaunang-unang naging reyna sa buong Zilard; Ang hilaga, kanluran, silangan, at timog. Si Byenfien ay isang pinakamalakas na nilalang sa mundo ng Zilard sa edad na tatlumpu't walo (38), siya rin ang nakatuklas ng kapangyarihan. Sa pamumuno niya ay nagkaroon ng payapang pamumuhay ang lahat, nagkaroon siya matalik na kaibigan, mabait na asawa, at masisiglang anak.

The Phoenix Girl (ONGOING)Where stories live. Discover now