CHAPTER 27

35 9 0
                                    

(UNEDITED)

CHAPTER 27 : The Fallen Phoenix Girl

KRISTALLIA

HINDI MAKAPANIWALANG tumitig ako sa kaniya pagkatapos niya ‘yong sabihin sa ‘kin. Wala talaga akong ka-idea, idea sa mga pinagsasabi niya simula nang makapasok ako sa k’wartong ‘to. Bakit nga ba siya nakakadena?

Ano ang mga dahilan kung bakit siya hindi lumalabas dito? Alam kong hindi pang-ordinaryong k’weba ang pinasukan ko kanina dahil sa mga nasaksihan ko. Ngunit hindi pa rin mawala-wala ang katanungan na kanina pang bumabagabag sa aking isipan. That woman in front of me is quite strange. Yes, she is.

“A-Anong. . pinagsasabi m-mo?” Confusion was evident on my face. She’s beautiful and mysterious to me. Itinuro niya ako gamit ang kaniyang hintuturo na siyang naging dahilan upang umangat ako sa ‘king kinauupuan. Pagkatapos ay tinignan niya ang kaniyang kamay na ginamit sa pagturo sa ‘kin habang siya’y nakapikit.

“Weird. . .” she whispered and then glanced up at me again. “H-Hey.” I tried to get her attention. She slowly turned to me, causing me to feel nervous. “You are curious about what I said, right?” I nodded. “I am your ‘special,’ the Phoenix Girl, Tallia. I’ve waited for you for so many years, and now. . .” She stopped.

Ha? Special?! The Phoenix Girl? Alin? Sino? Siya? Haaa?!

“. . . finally, we meet.”

I don’t know how to react to these moments because it feels like they’ve all mixed up in my body. Promise! Why doesn’t she want to explain properly to me the things she’s telling me now? Nabalik ako sa aking ulirat nang may maramdaman akong kakaiba na tumama sa ‘kin. Napatitig ako sa aking kaharap habang nakatutok ang kaniyang palad sa aking direksyon.

“Don’t talk. . .”

Bago pa ako makapagsalita ay inunahan niya na ako. Napapikit ako sa hindi ko malamang dahilan dahil sa ginawa niya. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Dahil sa aking pagpikit, wala akong kaalam-alam sa kasalukuyan niyang ginagawa ngayon.

I screamed loudly when I felt something digging into my forehead. I tried to open my eyes, but I couldn’t open them for an unexplainable reason. Pakiramdan ko ang bagay na ‘yon ay tumama sa utak ko dahil sa sobrang sakit. I screamed continuously until I lost my voice. My whole body heated up afterward. I sensed something flowing through my entire body.

“Feel the pain and accept the heat, Tallia. .”

I felt my body float, losing consciousness in the process. Nagising na lamang ako nang maramdaman akong tumapik sa aking katawan at kasabay no’n ang ingay na narinig ko sa paligid. Nagmulat ako ng aking mata. Dahan-dahan akong umupo. Ngunit napapikit ulit ako nang may humampas sa mukha ko na isang malakas na hangin na siyang ikinabigla ko. Hinarangan ko ito gamit ang aking kamay bago dahan-dahan magmulat ng mata. Umayos ako ng pagkakaupo saka naglibot ng tingin sa buong paligid upang malaman kung nasaan ako sa mga oras na ito. Hinanap ng aking paningin kung nasaan na ang babaeng nakita ko kanina.

Ngunit wala na ito sa aking harapan. Napagtanto kong iba na rin pala ang lugar na aking kilalagyan sa mga oras na ito. “Nasaan ako?” Walang sumagot sa aking katanungan dahil alam kong wala naman akong kasama rito. But why am I in a park where there’s no one around? There are many scattered toys, abandoned strollers, and vehicles like bikes with no one riding them. Tila ba sinadyang alisin ang mga tao para ako na lamang ang matira rito.

Ang tanong ko, bakit may narinig akong ingay nang magising ako? Sino naman ang nagtapik sa aking katawan upang mabalik ako sa katinuan? Nasaan na ‘yong babaeng nakapikit at nakakadena ang mga kamay at paa? Anong gagawin ko sa parkeng ito? Paano ako makakabalik—

The Phoenix Girl (ONGOING)Where stories live. Discover now