Chapter 1

218 13 21
                                        

SYANNA FANCOVILLA

'Bakit ang baba ng grades mo this year?Improve your grades in the next semester and ayaw kong may makikita akong line of eight d'yan, go to your room and study!

Is that all you can?Masiyadong mababa.

Magkano ang suweldo mo?Almost two million lang per year?You can't hold my legacy in the future, you don't know how to handle money.

A gift?I don't need that, I need to see you on television being the best cardiologist - anong gagawin ko sa bracelet mong 'yan?Piece of trash, itapon mo 'yan and go work your ass!'

Hinihingal akong nagmulat ng mata matapos kong marinig ang malakas na boses ng ama ko sa panaginip ko, all these years.. all of their words are still hunting me in my dreams.Maybe I should work more so they'll be proud.

"Doc?Pawis na pawis ka yata?" sabi ni Mia.

Mia is a medical administrative assistant in Rañez Hospital, this hospital is owned by Dr.Zachary Rañez and believe me, all of his achievement as a doctor is astonishing.

He is a doctor of osteopathic medicine, he is a fully licensed physician who practice in all areas of medicine. Emphasizing a whole-person approach to treatment and care, he is trained to listen and partner with his patients to help them get healthy.

"I'm fine, na-sobrahan lang siguro sa tulog at pagod" I assured her as she gently nods her head.

"Puwede ka naman na umuwi Doc eh unless mago-overtime ka?" tanong niya ulit kaya umiling ako.

"Hindi ako mago-overtime, pakisabihan nalang si Doc Cresly na nakaalis na ako if ever hanapin n'ya ako" sabi ko at pinunasan ng panyo ang sariling pawis ko sa noo.

"On it, ingat Doc" nagthumbs up siya bago umalis sa office namin.

I sigh while I am packing my stuff, nakatulog na pala ako matapos ang last patient ko.Tumingin ako sa wall clock and it's unexpectedly nine in the evening already, hindi na masiyadong magulo ang hospital 'di gaya sa umaga.

These past few days dumadami ang patients ko, na-heart attack daw like almost more than the average patients ang bumibisita sa akin.I kind of doubt na coincidence lang 'yon, maybe may reason behind this or i'm just overthinking?

As an overachiever daughter at school before, normal na saaking mag-overthink.I've been wanting to have my own successful hospital just like Doc Zac dahil 'yun lang ang makakapagpasaya sa parents ko, normal hospital is nothing if it isn't famous at 'yon ang bilin ng parents ko sa akin.

Liars Intent | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon