Chapter 2

74 11 30
                                    

SYANNA FANCOVILLA

IT'S a typical day of mine, doing ward rounds.In the afternoon, may naka-schedule akong three cases.Hindi naman ganoon ka-busy 'di katulad noon na kailangan ko pang magrush dahil on-call habang may ward rounds at bumibisita pa sa Emergency Department.

The different thing today is my mother called me.Tumawag s'ya para magtanong patungkol sa plano at kung hindi raw ako magrurush ay mauunahan ako.She was pressuring me and I am having a mental breakdown.

How am I supposed to do this alone?

"Mom, it's a big thing.. hindi naman puwedeng madaliin ko" sambit ko sa call.

[I don't care Syanna, it's either you'd do it or you're not welcome in this house anymore]

She ended the call dahil galit na talaga s'ya, narinig ko pa ang boses ng lalaking kapatid ko sa kabilang linya na ipinapakilala ang girlfriend n'ya.He's having the best time of his life yet here I am!

"Good morning, Ma'am Deverell" napalingon ako sa pinto dahil sa apelyidong narinig ko.

Krish gave me a pleased expression, binati niya si Mia na siyang bumati sa kaniya bago siya naglakad sa gawi ko at binigyan ako ng saglit ngunit nakakatuwang yakap.

Krish Deverell

Dark brown natural hair na laging nakalugay dahil 'yon ang gusto niya, dark brown eyes that matches her hair, saktong tangos ng ilong, mapupulang labi, at saktong kapal ng kilay.Isa siya sa mga kukuha ng atensyon mo kapag na sa daan ka, idagdag mo pa ang taste niya sa fashion.

She would look like the most inocent woman you'd ever encounter pero behind that impression, she's someone na nagtatrabaho sa gobyerno.Teknolohiya ang pinaka pokus niya at 'yon din ang ambag niya sa gobyerno, sa kaniya nanggagaling ang mga equipments na ginagamit ng gobyerno.

It's legal but it's private, paano ko nalaman?Laman ng politika ang parents ko, konektado silang lahat kaya ang kilatisin ang mga 'yon ay hindi na ganoon kahirap.Pero sa kabila nang mga alam kong impormasyon, normal na kaibigan lang ang tingin ko kay Krish.

"Napadaan ka yata rito?" pangunguna ko.

"Ah yes, nagdeliver ako ng equipment kay Zac," ewan pero at some point nagselos ako ng slight lalo pa't Zac lang ang tawag niya kay Doc "and may pakay na rin"

"Ano naman 'yon?" tanong ko dala ng kursyudad.

"Naghahanap kasi ng doctor ang kapatid ko sa ospital niya, gusto niya nang itigil ko ang financial support ko sa ospital na 'yon pero sabi ko sa kaniya na iprove niya muna sa akin na kaya niyang ihandle 'yon mag-isa.With that, he needs one doctor that could train his intern, ang kapalit nito ay equipments from me at acknowledgement sa ospital at sa doctor na nagvolunteer" paliwanag niya habang naglalakad kami palapit sa office.

"Alam na ba ni Doc Zac 'yan?" kunot noo kong tanong ulit.

"Hmm yes, hahanap na lang kami ng volunteer.Sa Bulacan naka locate ang hospital ng younger brother ko, one month ang ibibigay namin sa volunteer at sagot na rin namin ang mga needs lalo na ang hotel na tutuluyan niya — prepared naman na ang lahat sadyang volunteer na lang ang hanap.. pero may isang problem" nanghihinayang niyang sabi.

Liars Intent | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon