CHAPTER 12

51 4 12
                                    

SYANNA FANCOVILLA

HE ENDED the call and left me speechless.I thought it was true love but I used him too so I guess I deserve this.Deserve ko kung ano man 'tong sakit sa dibdib na nararamdaman ko.

Umalis si Krish dahil sumapok na naman daw ang mood swings niya at ayaw niyang madamay ako but she left her contact number para raw kapag may kailangan ako, she also payed for Kev's hospital bills kahit pa nakakahiya.

Nakahiga ngayon si Kev sa hospital bed at tahimik na natutulog, kanina pa siya tulog nang maibaba namin siya mula sa sasakyan.

He didn't even let me explain pero kahit naman ako ang na sa sitwasyon niya ay magagalit din ako, hindi ba?I'm going to be mad at someone too who attempted to steal our family's treasure.

Ganoon din siguro ang magiging reaksyon ko.

"Ate" napalingon ako kay Kev na ngayo'y mulat na ang mata

I wiped my tears and immediately stood up to walk towards him, inalalayan ko siya nang subukan niyang umupo.

"May gusto ka bang kainin?Ito oh may lugaw" tinanggal ko ang takip ng bowl at kinuha ang kutsara sa tabi nito.

Tumango lang siya pero sinubuan ko muna siya dahil masakit pa raw ang braso niya, wala namang problema sa akin ang subuan siya dahil sinubukan niya rin akong ipagtanggol kahapon.

Madaling araw na ngayon at balak ko sana humanap muna ng part time job dito for three months dahil hindi pa ako makabalik sa hospital dahil doon sa excuse letter.

I don't want to bother Doc Zac canceling the contract, I don't want to make Cresly, Kyla and Mia worry about me.Ayaw kong pati sa kanila ay maging pabigat din ako, kay Krish pa nga lang ay nahihiya na ako.

"Hindi ka pa naman aalis ate, ano?" tanong ni Kev.

"Hahanap lang ng part time job pero babalik pa rin naman ako dito para dalawin ka araw-araw, sinong magpapakain sa'yo ha?" pilit ko pang biro na ikinangiti niya.

Ayaw kong sabihin na sana hindi na lang siya nanlaban sa parents namin dahil iisipin niyang hindi ko manlang in-appreciate ang effort niya, ayaw kong maramdaman niya 'yon.

Alam ko kung gaano kasakit ang ma-balewala sa mga bagay na pinaghirapan mo kaya hinding hindi ko iyon ipaparamdam sa kaniya.

"Baka kasi iwan mo ako dito" amok niya na ikinatawa ko.

"Asus, ngayon ka lang naging ganiyan sa akin" sagot ko naman at sinubuan siyang muli.

"Kasi ngayon ko lang na-realize ugali nila mama, wala akong ideya sa mga ipinapagawa nila sa'yo dahil sabi lang nila nagta-trabaho ka sa Rañez Hospital kaya 'di ka makauwi" na-ibaba ko naman ang kutsara ko sa narinig.

Masakit isiping ibang impormasyon ang nakakarating sa kaniya habang naghihirap ako pero ayos lang sa akin, wala namang magbabago kahit mainis o magalit ako.

"May ipinapanakaw sila sa akin na yaman ng Monsuíer Famiglia, inamin ko na kanina kay Lucian pero nagalit siya at hindi ako hinayaang magpaliwanag.Naiintindihan ko ang pinagmumulan ng galit niya pero hindi ko maintindihan kung bakit sinabi niyang wala siyang pakialam sa akin matapos niyang iparamdam sa akin kung anong pakiramdam nang mahalin ka" mahaba kong paliwanag.

"Bilang lalaki ate, hindi imposibleng totoo ang sinasabi niya" nagbuntong hininga siya "Pasensya ka na talaga ate kung ngayon ko lang nalaman 'yung dinadanas mo, kung mas maaga ko lang sanang nalaman"

Ginulo ko ang buhok niya at inalok siya ng tubig saka nginitian.

"Ano ka ba?Ayos lang ano, mas mabuti nang ako na lang ang naghirap and you live your childhood very well" sambit ko para sana pakalmahin siya.

Liars Intent | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon