Chapter 4

35 7 12
                                    

SYANNA FANCOVILLA

NGAYON kami aalis ni Lucian at alas dos pa lang ng madaling araw, siya raw kasi ang maghahatid sa akin at dapat maaga raw kami kasi traffic na mamaya.

"Inaantok ka pa yata" baling ko sa kaniya dahil panay ang hikab n'ya.

"Yes but i'll be fine driving, ayaw ko ring ma-disgrasya tayo" kaming dalawa lang sa biyahe "It's fine kung matutulog ka sa biyahe, malayo layo rin 'yon"

"Salitan na lang tayo" sabi ko pero umiling s'ya.

"It's fine" aniya habang ipinapasok ang bagahe namin sa likod ng sasakyan.

"Ayos lang din naman kung magsasalitan tayo" pilit ko pa.

He sigh as he close the trunk of his car, tumitig lang s'ya sa akin habang kinukuha ang kape n'ya na nakapatong sa bubong ng sasakyan n'ya.

Binigyan ko s'ya ng nagtatanong na tingin pero uminom lang siya sa kape habang nakatitig sa akin.Pinagbuksan n'ya ako ng pinto sa passenger's seat.

"Hop in" aniya pero umiling ako.

"Salitan pala" pilit kong muli.

"Cuddle with me in our apartment then i'll be fine in our ride" napanganga naman ako sa sinabi n'ya.

Seryoso ba 'to?Why does he love doing and saying that?

"Take it or leave it" dagdag pa n'ya pero nagbuntong hininga na lang ako.

Pumasok ako sa passenger's seat at hindi nakawala sa akin ang ngisi n'ya nang maisara n'ya ang pinto, umikot s'ya papunta sa driver's seat bago inubos ang kape saka nagsimulang paganahin ang makina.

I trust him on this one at sana nga 'di kami madisgrasya.Hinayaan kong lamunin ako ng antok hanggang sa tuluyan na akong napapikit nang bumigat ang talukap ng mga mata ko.

࿐ྂ

NAGISING ako dahil pakiramdam ko'y 'di na umaandar ang sasakyan, I let my sight adjust to the sunlight bago ko nilingon si Lucian.

"You're awake" baritonong boses n'ya ang una kong narinig.

"Hmm" I groaned and tried to fix my posture pero ramdam kong may nakabalot saakin, it was a blanket kaya I didn't move na lang muna "Na saan na tayo?"

"Jollibee, I'm sorry I got so hungry, it's eight in the morning" sagot n'ya kaya napatango ako.

"Don't be sorry, drive thru?" tanong ko pero umiling siya.

"Gusto ko sana magdine in, i'm just waiting for you to wake up" sagot n'ya sa akin.

Tinanggal ko ang blanket sa katawan ko saka itinupi 'yon, inayos ko saglit ang itsura ko sa vanity mirror ng sunvisor sa kotse saka ko siya nilingon.

"Tara na?" tanong ko kaya nakangiti siyang tumango.

Cute.

Wait, what?Cute?What the hell, Syanna?

Matapos n'yang lumabas sa driver's seat ay pinagbuksan n'ya naman ako ng pinto, nagulat ako nang hawakan n'ya ang kamay ko pero hindi ko na lang inalintana 'yon.

Sabay kaming pumasok sa jollibee and I notice all the numerous pair of eyes to us, rather, to Lucian.

"Daming nakatingin sa'yo" bulong ko sa kaniya.

Liars Intent | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon