Chapter 3

92 7 20
                                        

SYANNA FANCOVILLA

NAG-AYA sila ngayon dahil aalis naman daw ako next week at mababawasan na naman kami, hindi naman makakasama si Krish dahil busy siya sa trabaho.

Nagsuot ako ng simpleng red sheath dress, color-coded kasi kami sa group of friends para raw kapag na sa gala eh makilala agad ang isa't isa na syempre pauso na naman ni Cresly.Sinakyan na lang namin dahil wala namang problema.

Pinaresan ko 'yon ng red pointed high heels at silver purse na may lamang pera at apartment key.

[Sabay ba tayo?] ani Cresly sa phone call.

"'Di ka pumasok?" tanong ko naman sa kaniya.

[Nanghingi ako ng off teh, gaga ka eh aalis ka alangan naman 'di pa ako sumama] natawa naman ako sa sagot nito.

"Si Krish hindi kasama" dahilan ko pa.

[Sasama sa inyo 'yon baliw!Hahaha!Magkikita pa rin kayo sa biyahe] natatawa niyang saad.

"Sige pala, sabay na tayo - naka compact car ako na pula"

[SUV ako teh, gora na ako]

Pinatay nito ang tawag kaya ibinaba ko na ang phone, naglagay ako ng fresh look make up bago nagdesisyon na lumabas ng apartment.Pumasok ako sa sasakyan saka pinagana kaagad ang makina nito para 'di ako pawisan dahil lang sa kulob sa loob.

Dumeretso kaagad ako sa private bar na napagkasunduan at saktong nasalubong ko pa si Cresly sa daan na nagdesisyong sumunod na dahil nga sabay na kami.Out of all the people in our friend group, siya ang close ko dahil pareho kami ng everyday errands sa Rañez Hospital.

Ang kaso, we have different goals but it's fine for the both of us.Wala akong sinasabihan ng plano ko dahil ayaw kong during the plan eh may humarang bigla, ayaw ko na mayroong ko-konsensiya sa akin.Tama na 'yung kino-konsensya na ako ng sarili ko araw-araw.

Ginusto ko 'to kaya magdudusa ako.

Hindi ko ginusto 'yung part na may kailangan akong nakawin, I just want my parents to be finally proud of me.I'm craving for it, once in a blue moon lang sila maging proud.

"Hello!Good evening, shala mo naman lalarga ka na next week!" pang-aasar ni Sofie na hindi doctor sa ospital namin pero kaibigan pa rin namin.

"Gaga!Work pa rin 'yon" dahilan ko naman.

"Work tapos may three months vacation with who?Sino nga uli 'yon?" sabat pa ni Cresly.

"Attorney" biglang sabi ni Sofie na ikinatawa nila.

"'Wag kayo maingay mga teh, ayun lang 'yung grupo nila oh" turo nila sa isang sulok.

Lumingon ako doon at nandoon nga ang group of friends nina Doc Zac at Attorney.Halatang na sa kanila ang mata ng mga kababaihan dahil guwapo talaga sila kahit pa na sa malayo o na sa malapit.

Napa-iwas ako nang tingin matapos lumingon ni Attorney sa akin, kasunod naman non ang tilian ng mga kasama ko.

"Grabe!Lapitan mo na!" pabiro pa akong tinulak ni Cresly.

"Para saan?Gaga talaga kayo!" dahilan ko pa pero ngumiwi lang sila.

"Tangeks, kung 'di ka lalapit ngayon ay mas magiging awkward kayo sa vacation!Kuha mo?" pangungunsinti pa ni Sofie.

Liars Intent | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon