Kabanata 6

482 10 3
                                    

Ang sakit na ng ulo ko dahil sa pagr-review. Midterm na kasi namin next week at halos masira na ang utak ko dahil sa mga binabasa ko. Si Aria ay hindi ko kasama. She’s with Caiden. Natatandaan ko pa ‘yung mga sinabi niya tungkol kay Caiden, na ayaw daw niya sa lalaking iyon at sobrang naiinis siya doon pero nagulat na lang ako ng bigla silang nag-usap.

“Are you done reviewing?” Napatingin ako sa nagsalita at nakita si Yosef na nakatingin sa akin. Medyo madami ang tao sa cafeteria kaya siguro dito siya napunta sa gawi ko. Akala ko ay kasama niya ang mga pinsan niya pero nakita kong siya lang mag-isa. Wala din si Mikaela.

“Hindi pa,” sabi ko sa kaniya. Tumango siya at naupo na din. Nilapag ang dalawang libro sa table. “Medyo madami pang subject eh, si Aria naman kasama ni Caiden,” sabi ko sa kaniya.

“Yeah, I saw them earlier in the cafeteria,” sabi ng lalaki sa akin. “Did you eat?” Tanong niya sa akin.

“Not yet, tataposin ko muna ‘to,” sabi ko sa kaniya. Tumango siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kaming mag-usap ni Yosef. Hindi ko na din naman binibigyan ng malisiya dahil may fiance nga siya.

“Let’s eat after that,” aniya. Hindi na ako nagsalita sa sinabi niya. Umayos ako ng upo dahil pakiramdam ko ay may kung ano sa upoan ko ngayon at parang hindi ako mapakali.

Nagreview na nga ako at ganun din si Yosef pero napapansin ko ang ilang pagtingin niya sa akin na hindi ko na lang tinuonan ng pansin. Bahala na siya at tataposin ko na lang ang pagr-review dahil medyo nagugutom na ako. Napatingin ako sa dalawang babae na dumaan sa gilid namin. Nasagi kasi ako ng isang babae, mahina lang naman iyon. Hindi ko alam kung hindi niya ba ako nakita o ano ba?

Napatingin din tuloy si Yosef sa akin. Seryoso lang ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa gawi ko at doon sa dalawang babae na huminto din at tumingin sa akin. Napayuko na lang tuloy ako nang makitang si Gracel iyon.

“Oops, may tao pala,” ani Gracel at medyo tumawa pa ng mahina.

“What’s funny?” ani Yosef. Napatingin tuloy si Gracel sa kaniya.

“Ah..Yosef…” parang walang masabi si Gracel doon. Hindi ko alam kung takot ba siya or wala lang talaga siyang masabi kay Yosef.

“Leave. Don’t disturb us,” mariing sabi pa ni Yosef. Hindi na nakasagot si Gracel at hinila na nga niya ang kasama niya at dali-daling naglakad papalayo sa amin. Hindi ko na din nakita na lumingon pa sila. Hindi ko pa din makalimutan iyong sinabi niya sa akin dahil sa nawala kong activity niya. Siguro ay malaki talaga ang galit niya sa akin dahil doon.

“Are you okay?” Napatingin ako kay Yosef na mukhang nag-aalala ata sa akin.

“Opo,” sabi ko. Tumango siya sa akin at hindi na nagsalita pero ramdam ko pa din na tumitingin-tingin siya sa akin.

Ilang saglit din at natapos na nga kami. Nagugutom na din talaga ako at sabay na nga kaming lumabas ni Yosef. Pansin ko din na madmaiy ang nakatingin sa amin, alam ko na dahil iyon kay Yosef. Sikat kasi sila dito sa campus kaya ganiyan ang ilang studyante sa kanila. Sanay na din ata sila na ganun dahil araw-araw ata nilang nararanasan ang ganun.

“Who’s that girl?”

“Pinsan nung mataray na si Aria.”

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon