Kabanata 26

566 15 1
                                    

“I want to meet him Sien. I want to meet your son,” he seriously said.

Napapikit ako at pinipigilan ang luha sa pagtulo. Nawala ata ang kalasingan ko dahil sa tanong niyang iyon. Anong sasabihin ko sa lalaking ‘to? Anak niya din iyon eh!

Napatingin ako sa mga kasama namin at naghihintay din sila ng sagot mula sa akin. Dapat ay hindi na lang ako uminom. Hindi ko naman kasi alam na ngayon ko iyon masasabi at nakainom pa talaga ako! Hay naku, Sienna.

“It’s late. He must be sleeping,” sabi ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Naramdaman kong hindi din iniiwas sa akin ang tingin ng mga kaibigan namin.

“His picture? Do you have his picture?” He asked.

God. Curious na siya! Sasabihin ko na ba?

“Why are you concern? He’s my son,” sabi ko sa lalaki. Natahimik siya bigla at kinuha ko iyong pagkakataon para agad na lumabas para makauwi na.

Nauubosan ako nang sasabihin, pakiramdam ko ay hindi ko masasagot ang mga tanong ni Yosef sa akin. Kinakabahan ako sa tuwing nagtatagpo ang mga mata namin at wala akong masagot kung tatanongin niya ulit ako tungkol sa anak namin.

Napatigil ako nang tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag si mommy.

“Hello mo—”

“Anak si Yaakov ang taas ng lagnat! Dadalhin na namin siya sa hospital ngayon.” Tarantang sabi ni mommy sa akin.

“Huh? Bakit po? Sige susunod po ako,” sobrang bilis na ng tibok ng puso ko at hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.

May lagnat si Yaakov! Kailangan ko na talagang umalis.

“You can’t drive. I’ll take you home,” iyon ang narinig ko kay Yosef na sumunod pala sa akin.

Hindi na ako sumagot at tumango na lang. Kailangan na ako ng anak ko.

“Ihatid mo ako sa hospital,” sabi ko sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo sa akin, nagtataka kung bakit iyon ang sinabi ko.

“Wag ka nang magtanong at ihatid mo na lang ako. May sakit ang anak natin,” sabi ko.

Hindi pa siya nagsisimulang magmaneho pero parang nabangga kami. Ang kaninang kinakabahang nararamdaman ko ay mas lalong tumindi.

Bakit ba lagi akong nadudulas?!

“What? What did you just say?” Tanong niya sa akin.

Wala na akong mararason pa kaya mas mabuting sabihin ko na lang.

“Sienna! Look at me!” Galit nang sigaw niya.

Sobrang kinakabahan na ako at nang tumingin sa lalaki ay seryoso lang ito habang naghihintay sa sasabihin ko.

“We..h-have a son…” sabi ko sa kaniya.

“And you didn’t tell me! Fuck!” aniya.

Umiwas ako ng tingin at pinipigilan ang luha sa mata. Ilang saglit pa ay pina-andar na niya nag sasakyan. Mabilis iyon dahil nga sinabi ko sa kaniya na nasa hospital ang anak namin.

Mabilis din kaming nakarating sa hospital at nakita ko agad si mommy na sumalubong sa amin.

“Bakit ang tagal mo anak? Kanina ka pa hinihintay ni Yaakov! Iyak nang iyak, ayaw uminom ng gamot,” alalang sabi ni mommy sa akin at tumingin sa katabi ko. “Oh my god!” Gulat na sabi ni mommy.

Hindi na nagsalita si mommy dahil mukhang alam na naman niya ang nangyayari. Sabay na kaming pumasok ni Yosef sa loob at agad na nakita ang anak namin.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon