Kabanata 21

474 12 0
                                    

TW: Harassment, abuse.

I was crying like a kid. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Hindi pa ako lumalabas ng kwarto dahil ayaw kong makita si dad. Paano niya nasabi sa akin na hiwalayan si Yosef? Akala ko ay gusto niya si Yosef para sa akin pero hindi pala.

Hinawakan ko ang tiyan ko. Hindi ako pwedeng umiyak nang umiyak at baka mapa’no ang baby namin ni Yosef pero hindi ko pa din talaga maiwasan ang maiyak dahil sa mga nangyayari.

“Sienna lumabas ka diyan.” Napatingin ako sa pinto nang marinig ang boses ni dad.

Kahit takot ay tumayo ako at binuksan ang pinto. Napahawak agad ako sa pisngi ko dahil sa biglaang pagsampal sa akin ni daddy.

“Bakit mo siya sinampal?!” Galit na sigaw ni mommy kay daddy. Tumulo muli ang luha sa mga mata ko.

“Huli na ‘to Sienna. Hiwalayan mo ang lalaking iyon, wala kayong maipapakain diyan sa anak niyo kung ipagpapatuloy mo pa ang pakikipagrelasiyon mo sa kaniya!” Sigaw sa akin ni daddy.

“Tama na! Makakasama kay Sienna kung iiyak siya nang iiyak,” awat ni mommy.

“Wala akong pakialam,” malamig na sabi ni daddy at tumingin sa akin.

“Hiwalayan mo na ang lalaking iyon Sienna. Hindi mabubuhay ang anak mo kung aasa ka lang sa lalaking iyon. Wala pa siyang trabaho! Ano? Ikaw ang magtatrabaho para sa inyo?!” Sigaw pa din ni dad sa akin.

Hindi ako makapagsalita dahil totoo naman. Nag-aaral pa si Yosef at ayokong tumigil siya sa pag-aaral para magtrabaho at para may maipakain sa amin ng anak namin.

Pangarap ni Yosef na maging lawyer ata ayaw kong huminto siya sa pangarap niyang iyon. Hindi ko na alam.

Nagtext sa akin si Yosef kinagabihan. Sabi ko baka hindi pa ako makauwi dahil sobrang namiss ko sila mommy at dito na muna ako sa bahay matutulog. Tinype ko iyon habang umiiyak. Sana lang ay okay siya doon.

Hindi agad ako nakatulog dahil sa kakaisip sa gagawin ko at magiging desisiyon ko para sa amin ng anak ko, para sa amin ni Yosef.

Hawak-hawak ko ang tiyan ko habang nag-iisip. Nag-aaral pa si Yosef at ayaw kong huminto siya para sa amin. Pangarap niya iyon ata ayaw kong tumigil siya sa pangarap niya. Lagi niyang kinukwento sa akin na gustong-gusto niya maging lawyer at ayaw kong huminto siya nang dahil lang sa akin, dahil sa amin ng baby namin.

Gusto kong ipagpatuloy ni Yosef ang pag-aaral niya. Hindi ko akalain na gagawin ko ang bagay na ito. Akala ko ay sa isip ko lang ‘to mangyayari pero ito na nga at nararanasan ko na.

Kinabukasan ay nagpaalam ako kila mommy na kakausapin ko si Yosef. Binantaan pa ako ni daddy na gawin ko kung anong nararapat sa akin at sa baby ko. Nang makarating sa condo namin ay agad kong nakita si Yosef na natutulog sa, nakatungo siya sa mesa habang may ilang libro sa kaniyang mesa.

Pumunta ako sa kwarto namin habang umiiyak. Nililigpit ang mga gamit ko. Labag man sa loob ko pero ito ang alam kong nararapat. I’m sorry Yosef.

“What are you doing?” Pinalis ko agad ang luha sa mata ko at nilingon si Yosef. Nakakunot ang kaniyang noo sa akin at nagtataka kung bakit nagiimpaki ako.

“Pagod na ako Yosef,” sabi ko sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo sa sinabi ko. Hindi maintindihan kung bakit nga ba ako nagsabi ng ganun.

“What?” Kalmadong sabi niya. Lumapit pa siya sa akin at hinawakan ang magkabilang siko ko.

“I’m tired of you, pagod na ako sa ating dalawa,” diritsong sabi ko sa kaniya.

You can’t cry Sienna. Para din sa inyo ‘to. Wag kang magpadala sa emosiyon. Maiintindihan ka din ni Yosef.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon