Hindi ko na maintindihan kung ano nga bang nagyayari sa akin. May gusto nga ba ako sa kaniya. Natatakot din kasi ako na baka malaman ni mom na nakikipag-usap pa din ako sa kaniya. Pinagbawalan na niya ako dahil nga may fiance na siya pero wala naman kaming ginagawang masama. Magkaibigan lang naman kami at alam ko ang limitasiyon ko sa kaniya.
Masakit na nga ang mata ko sa kakaiyak tapos iisipin ko pa si Yosef. Ayoko nang dagdagan ang iniisip ko.
“Kainis naman ‘to, bakit ang sakit?” mahinang sabi ko sa sarili. Feeling ko maga na ang mata ko sa kakaiyak.
“What the fuck? Why are you crying?” Tiningala ko ang nagtanong nun at nakita si Yosef na seryosong nakatingin sa akin.
Tiningnan niya ang librong hawak ko at kumunot ang noo niya sa akin.
Nakakainis naman kasi ‘tong binabasa ko. Nakakainis ‘yung male lead, sarili lang niya iniisip niya. Hindi niya alam na nasasaktan na ‘yung babae at hirap na hirap na ‘to tapos may anak pa sila pero hindi alam ng boy. Galit na galit naman si boy sa female lead at may iba itong mahal tapos nagkasakit iyong anak nila at nanghingi siya ng tulong sa boy pero hindi binigyan ng lalaki at hinayaan lang sa labas habang umuulan.
Hanggang sa makatanggap si girl ng text na wala na ‘yung anak niya tapos buntis pa siya para sa second child nila pero galit pa din yung lalaki sa kaniya. Namatay ‘yung first child nila na hindi alam ng lalaki na may anak sila at patay na nga iyon.
Nakakainis lang. Namumugto na ang mata ko sa kakaiyak. Hindi ako makaget-over!
“It’s just a fiction Sien,” ani Yosef at tumabi sa akin.
Kahit fiction iyon! Masakit pa din!
“It’s not just a fiction hmp. Masakit kaya,” sabi ko sa kaniya at ngumuso. Napaestatwa pa siya doon at inalo na lang ako.
“It’s okay,” aniya.
Nakakainis talaga, kaya minsan ayaw ko na lang na magbasa ng mga tragic dahil matagal ako bago makaget-over. Ang sakit talaga, hindi ko pa alam kung kelan ako makakamove-on dito.
“Don’t read it, if you’re going to cry like that,” seryosong sabi niya.
“I like reading books,” sabi ko sa kaniya. Bumuntonghininga siya at bumaling sa akin.
“You should be happy and not be crying like that,” sabi niya pa sa akin.
Bakit naman mukhang galit ata siya? Nagbabasa lang naman ako at sinasabi sa kaniya ang nararamdaman ko doon sa mga binasa ko tapos ayaw na ata niya akong pabasahin ng libro. What’s with him?
“Are you mad?” I asked him.
“No.” He shook his head. Napatango ako doon. Mukha siyang galit eh.
“What are you two doing?” Sabay kaming napatingin ni Yosef sa biglang nagsalita.
Nakita ko si Mikaela na nakataas ang kilay sa aming dalawa. Bigla tuloy akong kinabahan. Lumayo ako may Yosef at pinunasan na lang ang luha ko.
“And why are you crying Sienna? Did my fiance said to you that he don’t love you?” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
What is she saying?
“What?” I asked. Napatawa siya sa sinabi ko.
“Nevermind. Yosef let’s go,” aniya at hinila si Yosef papalapit sa kaniya.
Hindi na ako nakapagsalita doon at nauna nang maglakad sa kanila. Narinig ko pa ang tawag sa akin ni Yosef pero hindi ko na siya nilingon.
Aria’s with her boyfriend, Caiden. Last week lang naging sila. Sobrang saya ko for her. Mabuti nga iyon at may boyfriend na siya. Nagmamadali pa ako sa pagpunta sa cafeteria. Medyo madami na ang tao at kumakain na nga ang iba. Naghanap ako nang mauupoan ko.
BINABASA MO ANG
Unexpected (Salazar Series #5) ✓
RomanceDate Started: November 01, 2021. Date Ended: January 19, 2022. - Sienna Dawn Conley mabait at mapagbigay. Lumaki sa mayamang pamilya kaya nakukuha niya lahat ng gusto niya. Strict ang parents kaya minsan lang lumabas sa kanila. Hindi iniisip ang tun...