Kabanata 5

523 16 5
                                    

“That asshole!” inis na sabi ni Aria nang magkita kami sa cafeteria. Kakatapos lang ng klase nami at medyo mainit nga ang ulo niya. Halos araw-araw na lang ata ay ganito siya. Hindi ko alam kung bakit ba sobrang init ng ulo niya my Caiden. Caiden seems good. Mabait naman siya at hindi siya katulad ng mga lalaking nakikita ko na mayabang.

“Order na tayo,” sabi ko sa kaniya. Tumingin sa akin ang pinsan ko at parang nahimasmasan ata.

“Right,” aniya at nag-order na nga kami ng kakainin namin. Hindi siya omorder ng rice, pasta at milk tea lang ang sa kaniya. Samantalang steak, fried rice at milk tea ang akin.

Nang makahanap kami ng pwesto ay agad na din kaming umupo doon. Hindi ko pa nakikita sila Yosef at mukhang abala din ata sila ni Mikaela.

Tinanggal ko ang salamin ko para makakain na kami. Medyo okay na naman si Aria pero hindi pa din maiiwasan ang pagrarant niya tungkol kay Caiden.

“Nakakainis talaga ang lalaking iyon! Hindi ko naman sinasabi na tulongan niya ako ah,” inis na sabi niya sa akin.

“Mabait lang talaga siguro siya,” sabi ko.

“No! Hindi no! Bwiset na lalaking iyon. Ang init talaga ng ulo ko sa kaniya. Bakit kaya ang daming nagkakagusto sa kaniya e’ ang yabang naman niya!” iritang sabi ni Aria sa akin.

Nakikinig lang ako sa kaniya habang patuloy ang pagrarant niya. Abala din naman ang lahat ng studyante sa pagkain at sa mga pinag-uusapan nila. Hindi naman din malakas ang boses ni Aria kaya mabuti na lang at hindi sa amin natutuon ang pansin nila pero halata naman na naiinis siya dahil sa tono ng boses at sa mga ekspresiyon niya ngayon.

“Hindi naman siya mayabang,” sabi ko pa. Kumunot ang noo no Aria sa akin. Uminom ako sa milk tea ko at bumaling ulit sa kaniya.

“Omg ka Sienna! Ano bang sinabi sa iyo ng mga kupal na iyon at ang bait mo sa kanila. Alam ko namang mabait ka pero wag sa kanila! Mga masasama ugali nun!” Iiling na sabi ng pinsan ko sa akin.

“Wala naman,” sabi ko sa kaniya at umiling. “Ah..feeling ko lang,” dagdag ko pa.

“Mali ang feeling mo,” sabi niya sa akin. “Basta! Sobrang naiinis talaga ako. Alam mo marinig ko pa lang pangalan niya, kumukulo na dugo ko!” inis niya pang sabi sa akin.

“He’s nice naman sa ‘yo diba?” Tanong ko sa kaniya. Kasi kapag napapaaway o may mga babaeng humaharang kay Aria ay laging nandiyan si Caiden para sa kaniya.

“No! Pangit na iyon. Akala mo talaga tinutulongan ako eh,” sabi niya at umirap pa. Hindi na lang ako nagsalita at sakto naman na may ilang mga pamilyar na boses ang nagsalita at dumaan sa gilid namin. Kahit na wala akong salamin ay alam kong sila Yosef iyon.

Nang tumingin ako doon ay nakita ko nga si Yosef at si Mikaela. Nakahawak siya sa braso ni Yosef at dikit na dikit doon. Nagkatinginan kami ni Yosef nang maupo na siya doon sa kabilang table. May sinasabi sa kaniya si Mikaela at mukhang hindi naman iyon pinapakinggan ni Yosef dahil nakatingin siya sa gawi ko. Siguro may dumi ako sa mukha? Umiwas ako ng tingin sa kaniya at bumaling sa pinsan ko na mukhang lalo pa atang nainis ngayon dahil sa presensiya ng limang lalaki.

“May dumi ba ako sa mukha?” Mahinang sabi ko sa pinsan ko. Bumaling sa akin si Aria na nakakunot ang noo.

“What?” aniya pero agad ding umiling sa akin. “Wala naman, bakit?” sabi niya.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon