Kabanata 15

435 11 0
                                    

I’m sore. Sobrang sakit ng buong katawan ko. Hindi ko alam na mangyayari sa amin iyon kagabi ni Yosef. Wala akong alam talaga. Nag-iinit tuloy ang pisngi ko sa tuwing naalala iyon. Nakakahiya.

Kasi naman. Hindi ko alam na kagabi talaga iyon mangyayari sa amin ni Yosef. Todo tanggi pa ako kila Chelsie na hindi namin iyon gagawin dahil nahihiya ako pero nangyari na nga.

Sana lang ay maging okay ako ngayong araw. Masakit kasi talaga ang buong katawan ko lalo na iyong nasa gitna ng hita ko.

Hindi pa din ako makapaniwala!

“Good morning Sien,” my dad greeted me.

“Good morning po,” bati ko sa kanila ni mom. Pinilit kong ayosin ang lakad ko dahil baka magtaka sila sa akin.

“Invite your friends later, we’re having a birthday party,” ani daddy. Medyo kumunot pa ang noo ko doon. Sinong may birthday?

Ah! Muntik ko nang makalimutan. Birthday ko ngayon! Nakakainis naman.

“Opo dad,” sabi ko. Seryoso lang si daddy habang kumakain habang si mommy naman ay kinakausap ako. Ipakilala ko na kaya si Yosef sa kanila? Pero hindi ko alam kung paano. Tingnan natin mamaya.

“I want it to be a simple birthday mom,” sabi ko. Kumunot ang noo ni daddy sa akin, parang hindi pa nagustuhan ang sinabi ko. Samantalang si mommy ay tumango sa akin at ngumiti.

Ayaw ko ng masyadong magarbong party mamaya. Isa pa kami-kami lang ng mga kaibigan ko. Hindi ko din naman alam kung dadating din ba ang mga katrabaho ni daddy pero kung dadating iyon. Pwede din naman pero ang mahalaga sa akin ay sila Aria mamaya, lalo na si Yosef.

“What? Simple? Hindi pwede! Dadating ang mga katrabaho ko. Kailangang maganda ang maging party mamaya,” ani daddy sa akin.

Hindi ko alam kung ako ba ang may birthday o siya. Hindi na lang ako nagsalita at ganun din si mommy. Wala na din naman kaming magagawa ni mommy, kapag nagsalita kami ay baka kung saan pa mapunta at magalit pa si dad kaya mas mabuti na wag na lang magsalita.

Nang matapos kaming magbreakfast ay umalis din si daddy at mommy. May aasikasohin sila tungkol sa party ko mamaya. Nagpaalam na din ako dahil pagpasok na ako. May ilan pa akong mga activity na kailangang ipasa ngayon bago matapos ang klase namin ngayong taon.

Medyo stress na nga ako dahil ang dami pang kailangang ipasa para maging 3rd year college na kami. Tapos na din naman kaming mag-exam, magpapasa na lang talaga ako ng ilan kong mga kulang na activity.

“Happy birthday!” Nagulat ako nang biglang sumulpot sila Aria sa may gate. May dala pa silang dalawang balloon at cake. Napangiti ako doon. Akala ko ay hindi nila alam ang birthday ko.

“Thank you!” sabi ko sa kanila. Nagyakapan kami at nakita ko din si Yosef na may dalang bouquet ng flowers.

“Happy birthday my love,” he said. Lumapit siya sa akin at agad naman kaming nagyakap.

“Still sore?” he whispered on my ear. Nag-init tuloy ang pisngi ko sa sinabi niyang iyon.

“Ay! Ano ‘yan? Bakit may pabulong?” Tanong ni Troy at mukhang nag-aasar na nga sa amin. Napailing na lang ako at binigyan siya ng middle finger ni Yosef.

Hindi nila pwedeng malaman na may nangyari na nga sa amin ni Yosef. Nakakahiya kapag nalaman nila ang tungkol doon? Nakakahiya talaga. Masakit pa nga ang buong katawan ko pero pumasok talaga ako para naman mapasa ko na ang mga kulang ko.

Sinabi ko na din sa kanila na may party sa bahay. Tuwang-tuwa ako dahil pupunta silang lahat. Last year ay hindi ako ganito pero dahil may mga kaibigan na kami ni Aria na iba ay magiging okay ang lahat at mas lalong magiging masaya.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon