Medyo sumasakit na ang mata ko dahil sa radiation ng laptop. Gumagawa ako ng activity ngayon, ipapasa na kasi ‘to mamaya kay ma’am. Nasa library ako at tinatapos na nga ito, madami din ang tao dahil ang iba ay nagr-review ata. Wala si Aria dahil may klase pa siya. So, ako lang mag-isa dito. I don’t other friends so, I’m alone here.
Kinuha ko ang cellphone ko nang mag-vibrate ito. Nakita ko ang text sa akin ni mommy.
Mommy:
We have a flight today. Umuwi ka ng maaga. Tatawagan ko ang driver kung nasundo ka na ba. I will video call you later kung nakauwi ka na ba.Nagtipa na din ako agad dahil baka kung ano pang itext sa akin ni mommy kapag natagalan ako sa pagreply sa kaniya. Tinago ko na ang cellphone ko at inayos ang mga librong nasa gilid pagkatapos ay bumaling ulit sa laptop ko. Nagsuot ako ng salamin para hindi na sumakit ang mata ko. Medyo malabo na din kasi ang mata ko kaya minsan ay nagsusuot na lang din ako ng salamin.
Napatingin ako sa may pintoan nang bumukas iyon at may pumasok na dalawang lalaki. Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino iyon. Siya ‘yung lalaking tumulong sa akin sa gym nang may tumulak sa akin. Hindi pa ako nakapagpasalamat dahil hinila agad ako ni Aria. Umiwas na lang ako ng tingin baka kasi galit siya sa akin dahil hindi ako nakapagpasalamat sa kaniya, isipin niya pa na bastos ako.
Naramdaman ko ang pagdaan nila sa likoran ko. Mabuti at hindi niya ako nakita. Nagpokus na lang ako sa ginagawa ko dahil malapit na din namang mag-lunch. Nang makatanggap ng message galing kay Aria ay inayos ko na ang gamit ko. Nagulat pa ako nang makitang nakatingin sa gawi ko ‘yung lalaki. Hindi ko maalala ang pangalan niya, ang alam ko ay narinig ko iyon pero hindi ko na maalala ngayon. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at lumabas na ng library. Hindi niya din ata ako naaalala. Hindi pa man ako nakakalayo ay nakarinig na ako nang may tumawag sa akin. Mabuti na lang at nakasuot pa din ako ng salamin kaya nakikita ko ang lalaki ngayon.
“Bakit po?” Tanong ko.
“You left this.” Napatingin ako sa inabot niya sa akin at nakita ang ballpen ko.
“Salamat po,” sabi ko at kinuha iyon sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita at nakatingin lang sa akin. Galit kaya siya? He’s so cold.
“Ah, sorry nga po pala bung isang araw na hindi po ako nakapagpasalamat sa inyo. Bigla kasi akong hinila ng pinsan ko, sorry po talaga,” sabi ko at yumuko sa kaniya.
“What are you doing?” Hindi ko alam kung galit pa ba siya o ganun lang talaga siya magsalita. Tumingin ako sa kaniya at nakitang seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Umayos na lang ako ng tindig at tumingin din sa kaniya. Bakit kaya ang dalang niyang niyang magsalita? Galit kaya talaga siya?
“Mauna na po ako,” sabi ko. Hindi ulit siya nagsalita kaya dali-dali na akong naglakad papalayo sa kaniya. Galit ata talaga siya at saka nakakatakot din kapag sobrang titig siyq sa ‘yo, parang may nagawa kang napakalaking kasalanan.
“Bakit ang tagal mo?” Bungad sa akin ni Aria. Sabihin ko kaya sa kaniya na nakita ko ‘yung lalaki o hindi na. Napansin naman agad niya na iba ang mood ko ngayon kaya mas lalong nangunot ang noo niya sa akin.
“Bakit? Something happened?” Tanong niya ulit sa akin.
“Nagkita lang kami nung lalaking tumulong sa akin sa gym nung isang araw,” sabi ko.
“Si Yosef?” Tanong niya. Hindi agad ako nakapagsalita. Oo, iyon nga ang pangalan niya. Bakit ba kanina ay hindi ko iyon maalala? Tumango ako sa kaniya.
“Crush mo siya?” Kumunot ang noo ko sa pinsan. Saan naman niya nakuha ang bagay na iyon?
“Huh? Hindi,” sabi ko at umiling sa kaniya. Bawal pa akong magboyfriend. Ayaw nila mom at wala din akong balak.
BINABASA MO ANG
Unexpected (Salazar Series #5) ✓
RomanceDate Started: November 01, 2021. Date Ended: January 19, 2022. - Sienna Dawn Conley mabait at mapagbigay. Lumaki sa mayamang pamilya kaya nakukuha niya lahat ng gusto niya. Strict ang parents kaya minsan lang lumabas sa kanila. Hindi iniisip ang tun...