Kabanata 28

583 17 4
                                    

Ang sakit ng ulo ko pagkagising. Sobrang nalasing talaga ako kagabi. Kasalanan iyon nila Chelsie. Hindi sila nakainom dahil nga buntis sila. Kami lang ni Naih ang nakainom at nagpalaro pa nga sila kagabi.

Nakaramdam ko ng init sa tabi ko at agad ko iyong nilingon. Nakita ko si Yosef na nakapikit pa din. Wala siyang suot pangtaas.

Ang gwapo naman nito! Sarap kainin. Chariz!

Oh wait! Speaking of, may nangyari ba sa amin kagabi?

Wala na akong suot na bra at nakasuot na lang ako ng oversized t-shirt at undies. Hindi naman ito ang suot ko kagabi. Napailing ako at pilit na inaalala ang nangyari kagabi. Kaso, wala talaga akong maalala. Hmp. Ang sakit pa ng ulo ko.

“What’s my baby thinking huh?” Nagmulat siya at agad na nagtama ang tingin namin.

“May nangyari sa atin kagabi?” I asked him. Hindi agad siya nakasagot sa sinabi ko pero agad ding natawa. Napanguso tuloy ako.

“What? Wag ka tumawa!” sabi ko sa kaniya.

“Wala. When we got home, you’re already sleeping baby,” he said and kissed my shoulder.

Wala na kasi akong maalala kagabi kaya napatanong ako sa kaniya. Hindi ko na alam kaya nagtanong ako! Natulugan ko pa siya? Ang dami ko kasing nainom kagabi eh.

Yumakap siya sa akin at nahiga naman ako sa kaniyang dibdib habang nakayakap din sa kaniya.

“Okay na kaya na bigyan ng kapatid si Yaakov?” I asked him. Naramdaman kong tumingin siya sa akin kaya tumingala din ako sa kaniya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo.

“I think?” He isn’t sure. “But Yaakov is turning 5 and I think he can protect his siblings,” aniya.

“Siblings?” Tanong ko sa kaniya.

“Yeah.” Tumango pa siya. “I want more kids with you love,” aniya.

Nag-init ang pisngi ko sa lalaki at naramdaman ko na nga ang kaniyang kamay sa loob ng suot kong oversized t-shirt.

Tumingin ako sa kaniya at nagtama ang paningin namin. Mabilis naman niyang inangkin ang labi ko at napaungol ako doon.

“Mommy! Daddy!” Muntik ko nang masipa si Yosef nang marinig ang boses ng anak.

Nang tumingin ako kay Yosef ay hindi na maipinta ang kaniyang mukha. Natawa ako doon at hinalikan siya sa labi. Hindi na sana niya ako bibitawan pero narinig ulit namin ang tawag ni Yaakov sa amin.

“Wait baby!” sabi ko at tumayo na bago buksan ang pinto. Nakangiti si Yaakov sa amin at agad na pumasok sa loob ng kwarto.

Agad siyang pumunta sa kaniyang daddy na nakangiti na naman ngayon.

“Mommy! Daddy! My birthday is coming! I want to celebrate it in the house of MommyLa!” aniya.

Nagkatinginan kami ni Yosef doon. Malapit na nga ang birthday ng anak ko. Hindi ako makapaniwala na maglilimang taon na siya. Parang kelan lang ay nasa tiyan ko siya at hirap na hirap ako dahil kami lang ni mommy ang magkasama nun sa France.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon