IPASOK
"Ano ba yan Alex? Bakit ang tagal mong ipasok?!" bulyaw sa akin ni Samantha.
"Bakit naman kasi sobrang masikip ang butas? Paano ko 'to mapapasok?!" bulyaw ko rin.
"Kasi ang galaw ng kamay mo. Ano pasmado lang?" naiinis na nitong sabi.
"Ang sikip-sikip naman kasi ng butas. Nahihirapan akong ipasok 'to," nawawalan ko ng pasensya na sabi.
" 'Di ba magaling ka? 'Di ba sharpshooter ka? Wala pa ngang sabit sabi mo ehh," sabi nito na may tono nang pang-uuyam.
"Sa basketball naman 'yon iba 'to. 'Di ko pa 'to nasusubukan ngayon lang," sabi ko sabay kamot sa ulo. Pa'no ba naman kasi wala pa akong experience sa ganito kaya 'di alam kung paano ipapasok.
"Neknek mo. Walang experience huh? Bilisan mo subukan mo ulit na ipasok. Para matapos na tayo dito. May gagawin pa ako. Dilaan mo para dumalas, para mas madaling mapasok!" galit at mahaba nitong litanya.
"Oo na po baby ko Samantha," malambing at medyo pilyo kong sabi. Sabay kindat sa kanya.
"Tigilan mo ako Alex. Ipapasok mo ba o hindi? Naiinis na ako!" bulyaw nito sa'kin.
Sarap talagang asarin nitong baby ko. Naiinis na siya kaya ginawa ko na ang dapat kong gawin. Ang pagpasok sa masikip na butas. Sinubukan kong ipasok ngunit hirap pa rin ako kasi ang sikip n'ya talaga.
"Ano ba Alex naiinis na talaga ako nang sobra sayo. Ang tagal mong maipasok madali lang naman yan!" sigaw n'ya sa akin. Cute niyang tingnan kapag galit namumula Ang pisngi niya, ang sarap kurot-kurutin.
"Paano ba kasi 'to? Sobrang sikip 'di ko pa nasubukan 'to. Alam mo naman na wala pa akong experience sa gan'to," sabi ko.
"Itutok mo kasi nang maayos i-sentro mo para ma-ipasok mo nang mabuti. Kakairita ka sabunutan kita riyan kanina pa ako naghihintay na ma-ipasok mo," sabi nito na nasa tono na ng galit.
"Ang sikip nga kasi baby ang hirap ipasok." Lambing ko
"Tss. Puro ka reklamo. Paano tayo makakasimula n'yan kung 'di ka marunong magpasok!" irita na talagang ani nito, "Ako nga ang hahawak para ma-ipasok na. Pahawak bilis. Tingnan mo at pag-aralan mo kung paano magpasok ahh," sabi nito na naaasar.
"Okay babe," then winked.
"Kalokohan! Dilaan mo rin para madulas para maipasok mo agad babe. Pagbutihin mo ang pagpasok." Paalala pa nito.
"Got it, babe!" tugon ko
Nanood na lang ako sa kan'ya kung paano niya ito ipasok. Dahan-dahan niya itong pinasok na tiningnan ko naman para sa sunod na gawin namin 'to ay maalam na ako. 'Di nagtagal na kita ko nang na-ipasok niya na 'to at natutunan ko na rin.
"Oh ayan na naipasok ko na. Nakita mo naman 'di ba? I hope natutunan mo. Para next na gawin natin ito ay maalam ka na," sabi nito
"Opo madam. Alam ko na kung paano ipasok," sabi ko na nakakaloko at hinalikan siya nang mabilis.
"Good Alex." Nakangiti nitong sabi.
Ngayon alam ko na at natutunan ko na at alam ko na marunong nako. Gagawin ko na ito nang mabilis kahit 'di niya na ako turuan. Marunong na ako kung paano ipasok ang sinulid sa masikip na butas ng karayom.
(MrLazyWriter)
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomA ONE SHOT STORIES COMPILATION. You can read all one-shot or short stories I wrote out of boredom. Hope you'll read it. Enjoy reading, guys. There's a one-shot stories that contains strong language, graphic sex scene, and vulgarity. READ AT YOUR OWN...