070

612 4 0
                                    

NAPAGOD NA

Nang maging kasintahan ni Sabrina si Rico akala niya siya na ang pinaka-masuwerting babae sa mundo. Matagal niya na kasing pinapangarap na mapansin siya ng binata gayong matagal na siyang may lihim na pagtingin dito.

Ngunit ilang linggo pa lamang ang relasyon nila ay nakitaan niya kaagad ito nang kakaibang galawan. Masyadong magalaw ang kamay nito at kung saan-saan napupunta. Hanggang sa narating na nila ang limitasyon ng relasyon na mayro'n sila. Ginawa nila ang bagay na hindi dapat nila ginagawa gayong hindi pa sila kasal.

Lumipas pa ang mga araw na hindi na talaga nagpaparamdam ang kaniyang kasintahan pero lagi niya itong nakikitang may kasamang iba, minsan nahuhuli niya pa itong may kahalikan. Minsan naman dalawa-dalawa pang babae ang inaakbayan nito.

Gusto niya itong komprontahin pero natatakot siya. Kaya kahit harap-harapan na siya nitong ginagago at pinagmumukhang tanga ay wala lamang iyon sa kaniya. Mahal niya ang binata. Ayos lang na masaktan siya 'wag lang itong mawala sa kaniya at iwan siya. Kakayanin niya ang lahat ng sakit basta manatiling sila ng lalaking mahal niya.

Isang gabi, nakita niya si Rico papunta sa isang madilim na eskinita. Tinawag niya ang binata ngunit parang hindi man lang siya nito narinig dahil dumeretso lamang ito sa paglalakad at hindi man lang siya tinapunan nang kahit madaliang tingin man lang. Dahil sa mahaba ang bawat hakbang nito ay napag-iiwanan siya. Tanging likod na lamang nito ang kaniyang nakita.

Binagtas niya pa rin ang madilim na eskinita. Nagbabakasaling maabutan niya pa ito, na hindi naman niya kinabigo.

"B-Bab-" Naputol ang pagtawag niya sa binata nang makita niya itong may kahalikan.

Nakalapat ang katawan ng babae sa pader habang ang kaniyang kasintahan ay itinaas ang mga kamay nila. Alam niyang nakasaklop ang mga daliri nito habang nagpapalitan nang mapupusok na halik.

Pakiramdam niya ay dahan-dahang pinipiga ang kaniyang puso sa sobrang sakit nang nararamdaman niya. Gusto niyang umalis sa lugar na 'yon ngunit ang kaniyang mga paa'y ayaw gumalaw.

Dahil sa buwan ay medyo naliliwanagan na ang eskinitang 'yon. Mas lalong lumilinaw sa kaniyang mga mata ang ginagawa ng dalawa.

Lalo siyang nadudurog nang makita niya ang paggalaw nang katawan at balakang ni Rico habang nakadantay sa bisig nito ang hita ng kung sino man ang babaeng 'yon.

Pinilit niyang iginalaw ang kaniyang mga paa para lisanin ang lugar. Ang mga luha niya ay patuloy na tumutulo mula sa kaniyang mga mata papunta sa kaniyang pisngi. Mabilis ang pagpatak ng mga ito dahilan para lumabo ang kaniyang mga mata. Pinunas niya ang mga iyon gamit ang likod ng kaniyang kamay. Sa kabutihang palad, naigalaw niya na ang kaniyang mga paa. Tumalikod siya at mabilis na tumakbo.

Sa bilis nang pagtakbo niya ay nadapa siya pero hindi niya na iyon pinansin. Ramdam niya ang sakit mula sa pagkadapa pero mas masakit pa rin ang nararamdaman ng kaniyang puso. Dumurugo ang kaniyang mga tuhod pero balewala 'yon sa puso niyang mas nagdurugo.

Nang makarating siya sa bahay nila ay kaagad siyang pumasok dito at dumeretso sa kaniyang kuwarto. Buti na lang tulog na ang magulang niya.

Sa kuwarto niya inilabas ang sakit na kaniyang nararamdaman. Hindi niya maisigaw ang sakit dahil maririnig siya ng kaniyang magulang. Mas lalo tuloy siyang nasasaktan dahil sa mahinang pag-iyak. Nilakumos niya ang kaniyang kumot para doon ibaling ang sakit. Halos hindi siya makatulog nang gabing 'yon kaya ang laki ng itim sa ilalim ng kaniyang mga mata at ang buhok niya ay magulo.

Pero hindi pa rin siya nadadala, umaasa pa rin si Sabrina na pupuntahan siya ni Rico at hihingi ng tawad sa kaniya sa mga pinaggagagawa nito. Ngunit bigo pa rin siya, nagpatuloy pa rin ang binata sa ginagawa nito at patuloy niya pa rin iyong nakikita.

Kailan kaya siya titigil magpapakatanga? Hanggang kailan siya aasa na babalik at hihingi ng tawad ang binata sa kaniya gayong nasasaktan na siya at patuloy pa ring sinasaktan nito.

Harap-harapan niya nang nakikita ang panloloko nito pero umaasa pa rin siya na mahal siya nito. Kahit alam niyang sa una pa lang ay iba talaga ang pakay nito sa kaniya at hindi siya. Nang makuha nito ang gusto ay iniwan, niloko, at pinaasa lamang siya nito.

Hanggang kailan siya magtitiis? Hangang kailangan siya magtatanga-tangahan gayong alam niya sa sarili niyang hindi na siya nito mahal o mas tamang sabihin na sa una pa lang ay hindi talaga siya minahal ng binata?

Pumunta siya sa bahay ni Rico. Doon nakita niya 'tong may kaniig at ibang babae na naman. Sa mga puntong iyon naramdaman niya na ang pagod. Naabot na ang limitasyon ng kaniyang puso.

Pagod na siyang magpakatanga. Tapos na siyang umasa. Awang-awa na siya sa kaniyang sarili. Ayaw niya nang masaktan pa. Hindi niya na kaya pang manahimik. Suko na siya. Pagod na siya. Hindi niya na ilalaban pa ang relasyong sa una pa lang ay siya lamang ang may gusto at masaya. Takot man siyang mawala ito ay kinompronta niya na ito at sinabi na pagod na siya sa relasyon nila

"M-Masaya ka bang nakikita akong nahihirapan? M-Masaya ka ba dahil ako'y nasasaktan? Siguro pinagkalat mo na ako ay baliw na baliw sa 'yo kaya ibinigay ko ang lahat sa 'yo pati kalinisan ko. S-Sana hindi mo na lang sinabi na mahal mo a-ako. B-Binigay ko sa 'yo ang lahat pati k-katawan ko pero nagawa mo pa rin akong saktan. Ang tanga ko! A-Ang tanga-tanga ko. Naniniwala ako sa mga mabulaklak mong salita. S-Sana hindi na lang ako naniniwala sa 'yo. Sana hindi ako nagpatalo sa puso ko. Pinagsisihan ko na nakilala kita at lalong pinagsisihan ko na minahal kita at hinayaang sirain ang buhay ko. S-Sana hindi ako nagpauto sa 'yo. Pero... salamat huh. Dahil sa pananakit mo, napagtanto ko na hindi hindi ka nararapat sa buhay ko, na hindi ko kailangan nang isang gagong katulad mo. Mahal kita pero ako'y napagod na," ani Sabrina at patakbong umalis.

@ E R O S S C R I V E N E R

WORD COUNT: 981

#WattpadAThonChallenge2023
#WattpadAprilEntry

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon