AKING BITUIN
KASALUKUYANG nagsusulat si Rico ng kaniyang panibagong gagawing k’wento, sa kaniyang balkonahe. Ang kaniyang gustong isulat ay tungkol sa isang diyosa na napadpad sa mundo ng mga tao para umiwas sa gulo ng kaniyang mundo. Kung saan naglalaban-laban ang mga diyos at diyosa para sa kapangyarihan at para mapasunod ang mga tao.
Alas otso pa lang ng gabi. Nakaramdam siya nang uhaw kaya uminom muna siya ng tubig na nakalagay sa botelya na hinanda niya.
Ibinabalangkas niya muna ang kaniyang kuwento dahil kanina niya lamang iyon naisip bago siya umuwi sa kaniyang bahay. Isang daang kuwento na ang kaniyang naipasalibro na talaga namang mabenta. Tatlong taon pa lamang siya sa larangan ng pagsusulat ngunit labis-labis na ang mga parangal ang kaniyang natatanggap at iba’t ibang papuri mula sa mga taong nagsusuporta sa kaniya—ang kaniyang mga mambabasa.
Nasa pagsusulat na sana siya ng balangkas sa ikaapat na kabanata ng kaniyang kuwento, nang biglang may narinig siyang bumagsak sa kaniyang hardin na puno ng mga rosas, gumamela, at iba pang bulaklak na paborito ng kaniyang inang namayapa na kasama ang kaniyang ama. Hindi ganoon kalakas ang tunog nang pagbagsak nito ngunit hindi iyon nakaligtas sa kaniyang pandinig.
Kahit gusto niya munang tapusin ang pagbabalangkas sa ikaapat na kabanata ng kaniyang susulating kuwento ay huminto muna siya. Nakakunot noo siyang tumayo sa pagkakaupo saka naglakad palabas ng balkonahe.
Nang nasa hardin na siya ay kaagad niyang pinuntahan kung saan niya narinig ang mahinang pagbagsak na iyon.
“Babae? Paanong nagkaroon ng babae rito? Ito ba ang bumagsak?”
Nakakunot pa rin ang kaniyang noo habang sinasambit ang mga iyon.Pinasadahan niya nang tingin ang mukha ng babae na alam niyang patihaya nang bumagsak dahil paharap ito sa kaniya. Maganda ang babae. May suot ito na kung ano sa ulo na may hugis bituin ang palawit nito. Kulay lila ang suot nitong damit na hanggang tuhod.
Habang tumatagal ang pagtitig niya sa dalaga, napansin niya ang mumunting sugat sa braso nito at may mga natuyong dugo na rin ang damit nito.
Naawa siya sa itsura ng dalaga. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Nang ibukas niya ito at kaagad niyang ibinaba ang kaniyang katawan para buhatin ang dalaga.
Napangiwi siya dahil sa may medyo kabigatan ang dalaga ngunit isinawalang-bahala niya na lamang iyon. Tuluyan niya nang binuhat ang dalaga papasok sa bahay niya. Nang makapasok siya sa kaniyang bahay ay dumeretso na siya sa kaniyang kuwarto at doon ay inilagay niya ang dalaga sa kaniyang kama para ito’y maihiga.
Pagkatapos ay dali-dali siyang pumunta sa kaniyang kusina para kuhanin ang mga panlinis sa sugat at para na rin kumuha nang malinis na tubig para hugasan muna ang sugat ng dalaga bago ito linisan at lagyan ng betadine. Isinara niya ang pinto at tuluyang tumungo sa kusina.
Inilagay niya ang malinis na tubig sa planggana sa kaniyang kaliwang kamay, habang ang kanang kamay niya naman ay bitbit ang first aid kit.
Nang nasa harap na siya ng pinto ng kaniyang kuwarto, binuksan niya ito gamit ang kaniyang paa saka pumasok.
Nang makapasok ay kaagad niyang isinawsaw ang bimpo sa malinis na tubig na nakalagay sa planggana at kaagad na pinunasan ang braso ng dalaga pati ang mukha nito saka iyon lininisan gamit ang alcohol na ipinapatak niya sa bulak. Sa reaksiyon na nakikita niya sa mukha ng dalaga, sigurado siyang nararamdaman nito ang hapdi ng kaniyang sugat sa bawat pagdampi ng bulak na may alcohol sa sugat nito.
Nang matapos sa ginagawa ay pinakatitigan niyang muli ang dalaga nang maigi. Sa pagtagal nang pagtitig niya dito ay nagiging pamilyar ito sa kaniya.
“Si Tala ba ito na diyosa ng mga bituin?” Pinakatitigan niyang lalo ang mukha at itsura ng dalaga.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomA ONE SHOT STORIES COMPILATION. You can read all one-shot or short stories I wrote out of boredom. Hope you'll read it. Enjoy reading, guys. There's a one-shot stories that contains strong language, graphic sex scene, and vulgarity. READ AT YOUR OWN...