064

651 3 0
                                    

HANA: ANG DIYOSA NG UMAGA

“KATAPUSAN na ng mundo!”

“Gugunaw na ang mundo!”

Iyan lamang ang mga maririnig sa bayan ng San Pablo dahil hapon na ngunit hindi man lang sumikat ang araw pero ang init na kanilang nararamdaman ay nilulukob ang kanilang katawan. Walang araw ngunit sila ay nainitan.

Dahil sa sigawang iyon ay napalabas ng wala sa oras si Wilson. Kahit siya ay nagtataka kung bakit hindi sumikat ang araw gayong ang ganda naman ng kalangitan. Halos bughaw lamang ang nakikita at mumunting ulap.

Kahit may ginagawa ay napalitan tuloy siyang lumabas. Nagsusulat siya sa manila paper nang itatalakay niya sa klase bukas. Isa siyang guro sa sekondarya at sa asignaturang Filipino siya nagtuturo. Ang sinusulat niya ay tungkol kay Bathala at sa mga anak nito sa naging kasintahan niyang mortal. Mga Demigods kung tawagin sa ingles. Sina Mayari, Tala, at Hana ang mga ito.

Si Mayari ay ang diyosa ng pakikibaka, ng pangangaso, ng armas, ng kagandahan, ng lakas, ng gabi at ng buwan. Si Hana naman ay ang diyosa ng umaga. Si Tala naman ay ang diyosa ng mga bituin sa gabi’t umaga.

Nang makalabas si Wilson sa kaniyang bahay ay nakita niya kaagad ang mga nagkakagulong tao. Ang iba ay nagsisipagtakbuhan. Mayroong nakatingala sa kalangitan. Habang ang iilan ay patuloy pa rin sa pagsigaw na katapusan na ng mundo.

Awtomatikong napatingala rin siyan sa kalangitan.

Nasa ganoon siyang posisyon nang may kumalabit sa kaniya kaya kaagad niya itong binalingan.

Bumungad sa kaniya ang isang babaeng ang kasuotan ay abot hanggang sa ibaba ng tuhod nito. Mayroon din iyong pantalukbong sa ulo. Nagmukha iyong hoodie.

“May maitutulong ba ako sa iyo, binibini?” agarang tanong niya dito.

Inalis ng babae ang talukbong sa ulo kaya nakita ng binata ang kagandahan nito. Nakita niya din ang palamuti sa ulo ng dalaga na may tatak ng araw na dumagdag sa gandang taglay nito. Napako tuloy ang mga mata rito ni Wilson.

“Ako nga pala si Hana, nais ko sanang magpatulong sa iyo na hanapin ang mga kamag-anak ng aking ina. Sa pagkakaalam ko kasi, dito sa lugar na ito sila nakatira. Maaari mo ba akong tulungan, ginoo?” Ngumiti ang dalaga sa binata na kaagad na kinabilis nang tibok ng puso nito.

“M-Maari ko bang malaman ang pangalan ng iyong ina? Nang sa gayon ay magkaroon ako ng ideya kung sino ang mga kamag-anak nito at para na rin madali natin silang mahanap.”

“P’wede ko bang ibulong na lamang sa iyo? Baka kasi aksidenteng marinig ng ibang tao.” Nakatingin sa mga mata ng binata ang dalaga habang sinasabi iyon.

“Kung iyan ang iyong gusto, maaari naman,” nakangiting tugon ni Wilson.

Suot ang abot-taingang ngiti ay lumapit ang dalaga kay Wilson at mabilis na tumingkayad para abutin ang tainga ng binata. Pagkatapos ay kaagad na nitong ibinulong ang pangalan ng kaniyang ina na kaagad na ikinagulat ng binata.

“Kung siya ang ina mo, maaaring ikaw si Diyosang Hana, ang diyosa ng umaga.”

“Ako nga. Hindi nagpakita ang araw dahil iyon ay aking kagustuhan. Gusto ko muna mamuhay na parang isang mortal. Paniguradong hinahanap na ako ng aking ama.” Umiling na lamang ang dalaga.

“Nagkakagulo ang mga tao dahil sa hindi pagsikat ng araw. Hindi ba dapat ay umuwi ka na sa iyong tirahan. Isa pa wala na rito ang kamag-anak ng ina mo. Matagal na silang umalis dito.” Huminto muna ang binata saka nagpakawala ng buntong hininga. “Sigurado ring mahahanap ka ni Bathala. Hindi ka makatatago nang ganoon katagal.”

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon