I’m Fleur and he’s Nathan. I was 13 and he’s 15 when we met each other. I was first year high school or grade 7 and he’s already third year or grade 9 that time.
I thought the feeling I felt towards him is just a brotherly love because that’s what I only knew that time, given the fact that he’s older than me.
But I started doubting my feelings for him when I felt this unexplainable feeling every time girls approaching him and make a cute stunt.
Hindi ko alam kung bakit naramdaman ko iyon. I’m clueless. Not until, I turned 15 and he’s already 17. I’m already grade 9 and he’s grade 11. Kung ano man iyong naramdaman ko two years ago ay alam ko na ngayon kung ano ito. I’m jealous because I like him. Nararamdaman ko pa rin iyon hanggang ngayon kapag may mga babaeng umaaligid sa kaniya.
Sumapit ang JS prom namin. Kulang ang mga lalaki kaya humiram sa mga senior. Sa dami ng mga babaeng walang kapareha tulad ko ay hindi ko inaasahan na siya ang makakapareha ko.
But the most shocking part happened on our JS prom was when he confessed to me. Hindi ko iyon inaasahan. He likes me too. Iyon ang pangyayari sa buhay ko na hindi ko makalilimutan. Ako rin siguro ang mas nag-enjoy noong araw na iyon. Sinong hindi? Nagtapat ba naman sa iyo ang lalaking gusto mo na gusto ka rin nito tapos partner ko pa sa JS prom. Pakiramdam ko nasa cloud 9 ako ng araw na iyon.
Nagsimula siyang manligaw sa akin. Tumagal iyon ng limang buwan. Nang maging kami, mas naramdaman ko pa na mas itaas pa ako sa cloud 9.
Naging masaya ang relasyon namin. A typical relationship. May away na hindi naiiwasan dahil sa hindi pagkakaintindihan. Pero mas lamang pa rin ang lambingan at suyuan.
Pero isang araw nagulat ako nang binigyan niya ako ng bulaklak. Nasa tangkay iyon at bagong pitas. Nakalagay iyon sa isang botelya na may tubig kung saan nakalapat ang tangkay niyon para hindi iyon matuyo.
“When that flower withers, please let me go. Give up on me,” that's what he said. My forehead creased because of that. So weird.
Lumipas ang buwan. Lalong naging masaya ang relasyon namin. Not until I found out about his condition. Four years ago, he was diagnosed of having a brain tumor. Stage four.
Limang taon ang binigay na taning sa buhay niya. Sa tagal naming nagsama hindi ko man lang naramdaman na mahina na siya at nilalabanan na lamang ang sakit nito. Kaya pala palagi itong may suot na bonnet sa ulo.
Wrong timing nga lang dahil kung saan may tao nang hindi kakayanin na mawala siya ay doon pa mas lalong humina.
Humina ang katawan niya at ang kaniyang buhok ay nagsimula nang magsipaglagas kaya kinalbo na lamang ito. Sobrang payat na rin niya at ang ilalim ng kaniyang mata’y maitim na.
“This is the time. You can now let me go,” he uttered. Mahina iyon at walang kabuhay-buhay.
Hindi ako nakapagsalita agad. Naunang magsipagpatakan ang aking mga luha. Nanghihina rin ang aking mga tuhod at nangangatog.
Hindi pa ako handang bitawan siya. Hindi pa ako handang mawala siya sa akin. Hindi ko pa kaya at kailan ma’y hindi ko iyon makakaya.
“Look at the flower, babe. It withered already. It’s the sign.” He smiled at me weakly.
Napatingin na rin ako sa bulaklak na tinutukoy niya. Lanta na nga ito. Marami ng buwan ang lumipas pero ’di pa rin iyon nalalanta. Kagabi parang fresh pa lang ito pero ngayon ay lanta na.
Ito na ba talaga! Papakawalan ko na ba si Nathan? Hahayaan ko na ba siyang iwan ako?
I don’t want to be selfish. I don’t want to see him suffering. I don’t want to hear his painful groans and screams every time his head aches.
I looked at him. “It’s time to rest, babe. Fly high. I love you.”
Napatakip ako sa aking bibig gamit ang kaliwang kamay ko na walang hinahawakan. Ang pagkapit niya sa aking kanang kamay nang mahigpit ay lumuwag at malamig na rin ito. Nang tiningnan ko ang kaniyang mukha, bakas roon ang mga luha. Nakapikit na ang kaniyang mga mata. Hindi ko na rin maramdaman ang kaniyang paghinga.
Kasabay nang paglanta ng bulaklak ay ang paglisan niya—ng taong mahal ko.
Tumayo ako at lumapit sa tapat ng ulo niya. “Paalam, Mahal ko. Hanggang sa muli. Mahal na mahal kita,” ani ko. Ibinaba ko ang aking mukha at lumuluhang hinalikan ang kaniyang mata na may bakas pa ng luha saka sunod kong hinalikan ang kaniyang noo.
“WHEN THE FLOWER WITHERED”
written by erosscrivener
Work Of Fiction
Plagiarism is a crime.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomA ONE SHOT STORIES COMPILATION. You can read all one-shot or short stories I wrote out of boredom. Hope you'll read it. Enjoy reading, guys. There's a one-shot stories that contains strong language, graphic sex scene, and vulgarity. READ AT YOUR OWN...