080

880 5 0
                                    

SUSANNA
  


        PAALALA: Ang kuwentong ito’y naglalaman ng mga senaryong hindi naaayon sa mga mambabasang edad disi otso pababa.

                                   ****

“Kumatok ka sa pader. Bahala ka, magpapakita sa iyo si Susanna,” ani Lianna nang magbanggit ng taong pátáy na si Cadence na kapatid niya.

Si Susanna ang pinaniniwalaan ng karamihan na nagpapakita kapag may nabanggit kang taong pátáy na. Pula ang buhok at damit nito at may suot na puli ring maskara sa buong mukha nito.

Ayaw na ayaw nilang magpakita ito sa kanila. Dahil oras na mangyari iyon, magpapaalam sila sa mundo kahit hindi pa nila oras.

“Sa pader ba iyon? Akala ko sa kahoy?” Kumunot ang noo ni Cadence. Buong akala niya ay sa kahoy  kailangang kumatok.

“Wall is the alternative. Just do it, Cadey. I’ll do the same. Nagbanggit din ako ng taong pátáy na,” sansala naman ni Maxie.

Habang ang tatlong babae ay abala, pangiti-ngiti naman ang dalawang lalaki na si sina Kin at Keanu na inuubos na ang laman ng canned beer na hawak nila.

Malaya silang uminom ngayon dahil nasa ibang bansa ang kanilang mga magulang na iba’t iba ang dahilan.

Nagdiriwang sila dahil may nabulas na naman silang kaklase. Kilala sila sa kanilang eskuwelahan bilang mga walang pusong mambubulas. Hindi sila mapasok-pasok sa guidance office at kahit mapagsabihan ng principal dahil may kapit ang pamilya nila sa paaralang iyon. Kung wala ang pera ng kanilang pamilya ay wala rin ang paaralan na pinaghahasikan nila ng lagim.

Dahil sa pambubulas nila ay marami nang na-hospital at nag-drop sa paaralan nila. Buti na lang ay wala pang namamatay dahil sa pinaggagagawa nila. Ngunit sa kasamaang palad ay mayroong na-comatose. Si Audrianna.

“Uuwi na ako,” ani Kin saka inilagay sa trashbin ang mga wala ng laman na iniinom nila kanina.

“Ako rin.” Tumayo rin si Keanu at inilagay sa trashbin ang pinag-inuman niya. Pagkatapos ay binalingan nito si Lianna. “Hon, let’s go. Hatid ko muna kayo ni Cadey bago ako dumeretso sa bahay.”

Tumango na lang si Lianna saka inaya na ang kapatid.

“Goodbye, Max. Goodnight. See you tomorrow sa school,” ani Lianna na sinundan naman ni Cadence ng ngiti kay Maxie.

At nagsimula nang maglakad ang tatlo. Sinusundan ang papalayong si Kin.

Sa daan ay nag-uusap usap sila tungkol sa mga pambubulas na ginawa nila sa kanilang mga ka-schoolmate hanggang sa marating na nila ang bahay ng magkapatid. Kaagad na lumapit si Keanu kay Lianna. Niyakap at hinalikan ng binata ang nobya sa tuktok ng ulo nito.

Samantalang si Cadence ay mabilis na pumasok sa kanilang bahay dahil sa ayaw niyang makita ang katamisan ng magkasintahan. Masusuka at maiinggit lamang siya sa kalasunan ng mga ito.

“Goodnight, Hon,” ani Keanu saka hinalikan ang noo ng katipan na ikinapikit naman ng mga mata nito.

“Goodnight din. Ingat ka,” tugon naman ng dalaga nang matapos ang yakapan nila. Ikinangiti iyon ng binata bago tuluyan tinalikuran ang nobya at nagmartsa na pauwi.

Hinintay muna ni Lianna na mawala sa kaniyang paningin si Keanu bago siya tuluyan nang pumasok sa kanilang bahay.
























Makalipas ang tatlumpong minuto nang makaalis ang mga kaibigan ni Maxie nang may naramdaman siyang kakaiba. Biglang lumakas ang hangin dahilan para makaramdam siya ng takot. Dahil doon, mabilis siyang kumaripas ng takbo papasok sa kaniyang kuwarto.

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon