Part 14

2.4K 235 11
                                    


LIMANG araw na pag-i-stay sa Escape, isang sikat na beach resort, hotel and spa ang napagkasunduan ng mag-anak. Nasa isang beach cottage sina Damon at Jace at ini-enjoy ng dalaga ang munting bakasyong iyon. Para siyang batang nagtatampisaw sa dagat at naglalaro sa buhanginan. Unang pagkakataon din niyang nakaranas ng ma-pamper sa isang world-class spa at makatikim ng masasarap na fresh seafoods. This would be her best Christmas ever!

"Sorry, sumabit ang pamilya ko," paumanhin ni Damon sa kanya. "Medyo matagal na rin kasing hindi kami lumabas na sama-sama."

"Okay lang 'yun. The more, the merrier." Ikinawit niya ang isang kamay sa batok ng lalaki. Napakadali nang gawin ang mga gestures na iyon para sa kanya. It had already became effortless and natural being sweet to her fake fiance. "Saka huwag kang mag-alala, hindi na ako lalapit sa kuya mo para hindi ka na magselos," biro niya dito.

"Are you still into him?" parang dudang tanong naman nito.

"Hindi na. Mas type na kita," biro niya.

"Huwag mo akong binibiro ng ganyan, Jace. Baka maniwala ako bigla."

Asiwa siyang napatawa. Ano na ba itong nangyayari sa kanila? Masyado na ba nilang ini-enjoy ang bawat isa at tinutotoo na ang pagpapanggap nila? Or were they just being playful?

"Kasalanan mo kasi," pabirong paninisi niya.

"I've warned you about my charm," sabi naman nito, hindi niya mawari kung seryoso o nakikisakay lang sa biro niya.

When Damon wrapped his arm around her waist and lowered down his face to hers, Jace secretly wished that he wasn't just playing anymore. She actually loved being kissed by him. Gusto niya ang masarap na pakiramdam na dulot n'yon. Ganito pala ang feeling kapag hindi nag-iisa sa Kapaskuhan, kakaibang saya ang nananahan sa puso niya.

Sa gitna ng maalab at matamis na halik ni Damon ay gustong ipaalala ni Jace sa sarili ang dahilan kung bakit magkasama sila ngayon ng lalaki. It was all but a charade. Isang pagpapanggap na kapwa nila ikinasisiya. Ngunit pagkakaitan ba naman niya ang sarili ng kaligayahan? If this was making her happy, then she would be stupid to put an end to it.

Malapit nang magtapos ang charade nila ni Damon, December twenty-two na sa pag-uwi nila galing Escape. Hindi na niya alam kung ano ang mangyayari pagkatapos. Maybe she would just go with the flow and indulge with all the sweetness. Bahala na...

Si Damon ang unang pumutol ng halikan nila. "I think we better go out," humihingal na sabi nito.

"Kagagaling lang natin sa labas," sabi naman ni Jace, hindi itinago ang pagkabitin. Kung bakit ba naman kasi napakasarap humalik ang damuhong ito. Nakakapanghina ng mga tuhod at nakakawala ng katinuan!

"Jace..." Mabini nitong hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "Baby, I'm serious. You know what I'm talking about."

She let out a nervous laugh. "Oo na. Kung bakit naman kasi... Halik lang 'yun, 'e masyado kang ano," pang-aasar niya sa gitna ng obvious sexual tension sa pagitan nila ng binata.

"Jacinta!" awat sa kanya ni Damon. "Jesus Christ. You really know how to give me a headache, sweetheart."

Nagpatiuna na siyang lumabas ng cottage. "Sige na nga. Maghiwalay muna tayo sandali," sabi niya dito nang matanaw niyang nasa buhanginan malapit sa kanilang cottage si Miranda at nagsa-sunbathing.

Hindi na siya nagbihis ng bathing suit dahil kaaahon lang niya kanina sa dagat. Katatapos nilang magmeryenda nang hapong iyon nang bumalik sila ni Damon sa cottage at nauwi sila sa halikan.

"I'll see you later!" sabi sa kanya ni Damon habang marahan siyang tumatakbo palayo dito.

Nag-alis ng sunglasses si Miranda nang makalapit dito si Jace. Umupo siya sa buhangin sa tabi ng kinahihigaan nitong beach towel.

Pasko Na, Jacinta KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon